GRRRRR!Malakas na tunog ang pinakawalan ng nasabing halimaw na usang ito. Nakakatakot talaga ang itsura nito kumpara sa normal na usa. Alam niya ring walang normal na hayop sa mundong ito dahil lahat ay mapanganib mula sa insekto hanggang sa pinakamalaking mga hayop ay puro nagkaroon ng gene mutations.
Naging alerto naman ang binatang si Sylvan Darvell habang pinakiramdamang mabuti nito ang galaw ng nasabing halimaw. Alam niyang hindi pwedeng maging kampante siya.
Mahigpit na hinawakan ng binatang si Sylvan Darvell ang kaniyang hawak na maliit na kutsilyo sa kaniyang kanang kamay. Tunay ngang mapapalaban siya sa oras na ito.
Tila pabilog namang lumakad ang halimaw na usa habang maingat namang lumakad pabilog ang binatang si Sylvan Darvell. He can't let his guard down lalo na at masasabi niyang mapanganib nga ang isang ito. Kumpara sa ibang halimaw na usang nakalaban niya ay dito siya nakaramdam ng ibayong panganib.
Whoosh!
Maya-maya ay malakas na lumundag ang nasabing halimaw na usa papunta sa kinaroroonang pwesto ng binatang lalaking si Do Eun.
Mabuti na lamang at agad na lumayo ang binatang si Sylvan Darvell na sjyang dahilan upang bumaliktad ang pwesto nila.
Talaga ngang nakakakilabot at nakakadiri ang itsura ng mga halimaw sa mundong ito. Pakiramdam niya nasa loob siya ng pelikula. Yung sikat na pelikulang napanood niya na pati yung mga hayop na naging zombie, parang ganon yun. Sino bang hindi matatakot sa mga gnaitong senaryo pero mas malala lang ang kaniyang naranasan dahil hindi ordinaryong mundo ang kinaroroonan niya. May taglay na extraordinary abilities ang mga Geno Beasts.
"Kung hindi ko matatakasan ang halimaw na ito ay maaari ko naman itong paslangin. Hindi dapat ako matakot sa isang Gene Beast lamang." Sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Alam niyang walang magliligtas sa kaniya sa mga oras na ito. Sinasabi niyang hindi ito isang libro o isang manga book na paboritong nababasa niya na siyang ang bida. Kung gusto niyang tumayo sa pinakarurok ng mundong ito ay kailangan niyang maging matatag at maabilidad. Bida? Hindi niya gustong makamit ang ganitong titulo. He wants to become a very powerful Gene Cultivators at isang Gene Scientist ng mundong ito. He is living in a life full of frustration. Ayaw niyang mangyari sa kaniya ang kalunos-lunos na sinapit ng mga bida ng kwentong nababasa niya kaya gusto niyang mabago ang takbo ng buhay niya.
Nakita na lamang ng binatang si Sylvan Darvell ang kaniyang sariling sumusugod sa kinaroroonan ng halimaw na usa. Hindi niya mapigilang makaramdam ng excitement na katulad sa mga nababasa niyang cultivation novel. Gusto niyang maging malakas na indibidwal sa hinaharap at uumpisahan niya ito sa pesteng halimaw na usang bigla na lamang lumitaw at gusto siyang lapain nito.
Mabilis na tumalon ng malakas ang binatang si Sylvan Darvell kung saan ay mabilis siyang nag-spent ng labinlimang Geno points sa gagawin niyang atake.
Isang flying kick ang pinatikim ng binatang si Sylvan Darvell patungo sa nasabing halimaw na usa na siyang pinanggigilan niya talaga.
BANG!
Malakas na bumulusok sa malayo ang nasabing halimaw na siyang ikinatuwa ng binatang si Sylvan Darvell.
Walang pag-aalinlangang mabilis na kinuha ng binatang si Sylvan Darvell ang pagkakataong ito kung saan ay tila nahilo pa ang nasabing halimaw na usa.
Ang natitirang tatlumpong points niya ay mabilis niyang ginamit ito para sa huling atakeng gagawin niya.
SLASH! SLASH! SLASH!
Tatlong magkakasunod na saksak ang pinatikim ng binatang si Sylvan Darvell sa halimaw na usa kung saan ay pinagtuunan niyang sirain ang vital points ng halimaw. Ang unang saksak nito ay sa leeg. Sunod naman ay sa parteng puso nito at ang huling saksak niya ay sa tiyan nito mismo.
BINABASA MO ANG
GODLY GENE: Sylvan Darvell [VOLUME 1] GODLY SERIES #4
Science FictionSi Harrie Hernandez ay isang binata na bigla na lamang napadpad ang sarili niya sa kakaibang mundo matapos ang isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagdulot sa kaniya upang maglakbay ang consciousness niya sa isang pambihirang mundo. Hindi niy...