Chapter Two

866 27 6
                                    

Song: Late Night Talking - Harry Styles

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Late Night Talking - Harry Styles

Meet

Kahit na sinabi ko nang hindi ko kailangan ay lumapit pa rin sa akin ang isang katulong para iabot ang dala niyang tuwalya sa akin. Tumigil ako sa harap ng golf car at iritableng kinuha ang tuwalya sa kamay niya.

I started wiping the mud off of my cheek and down to my neck. Yumuko naman ang katulong at iniwan ako roon. Nauna akong sumakay sa golf car sa sobrang inis. Ni hindi ko na pinansin pa ang paligid dahil abala ako sa pagtatanggal ng dumi sa damit ko.

Saka lang ako muling nag-angat ng tingin nang maramdaman ko ang pagsakay ni Papa at Ali sa golf car. I felt my father's eyes on me so I turn to look at him.

"Are you alright?" he asked.

I sighed and nod my head. He smiled apologetically at me. I noticed he also had mud stains on his shirt but it was nothing compared to mine!

"I'm sorry about that."

Bumagsak ang balikat ko. I know it was just an accident but being careful wouldn't hurt, right? At isa pa, kanina pa kasi tinatawag ang lalaking iyon. Kung lumapit lang kasi sana agad siya, hindi sana siya nagmamadali nang ganoon.

And why the hell did I wear a white dress in a goddamn field? 'Yan tuloy at mas kapansin-pansin ang dumi!

Napailing akong muli at tinuloy ang pag-aalis ng dumi sa katawan ko. Agad na binuhay ni Ali ang golf car at nagmaneho paalis doon. Bago naman kami tuluyang makalayo at nakita ko iyong lalaki na may gawa ng lahat na ito.

Nagkatinginan kami at base sa tingin niya sa akin, mukhang guilty siya sa nangyari. As he should be! Kita niya ba ang ginawa niya? Ang kulit niya rin kasi, e. Hindi agad lumapit!

Another farmer went to him and immediately gave him a handful of words. Hindi niya inalis ang tingin sa akin kahit na pinagsasabihan na siya ito. Pairap ko nalang na iniwas ang tingin sa kanya at hinintay na makabalik na kami sa hacienda.

Si Adela ang unang sumalubong sa akin nang makabalik kami. Wari ko kakabalik niya palang mula sa kuwadra. She surveyed my dress and looked at me with a wide eye.

"Are you okay? Did something happen?" nag-aalalang tanong niya.

I smiled a little at her and nod my head. Kay Papa naman nagawi ang tingin niya nang nilagpasan ko siya. I heard her asking what happened and Papa tried to carefully explain it to her.

I sigh heavily once I entered. My plan was to go to my room and let myself have my well-deserved shower. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang sa hagdan ay agad din akong natigilan nang marinig ko ang tawa ni Catalina.

"What the hell happened to you?!" agaw pansin ang malakas niyang boses at ang dahan-dahan niya pang pagtatanong kaya mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.

Warming Her Stone Cold Heart (Elizondo Sisters #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon