Song: Pinadama - Zack Tabudlo
Award
Nadinig ko agad ang hiyawan ng mga tao pagbaba ko ng sasakyan. It's my first time being here so I surveyed the area. Labas pasok ang mga tao sa court kahit na may laro pang nagaganap.
Primo's friend told me that their game would be at 5 PM but I already went even if it's only 4:30. Ubusan daw kasi ng upuan kaya siniguro ko nang maaga ang punta.
Sinarado ng driver ang pinto ng sasakyan at saka sumunod sa akin. A bodyguard that Papa provided also came with me but he chose to stay outside. Tanging ang driver ang kasama kong pumasok sa loob.
"Ma'am Theia, rito po may upuan pa." sabi ng driver sa akin nang makahanap siya ng bakanteng pwesto.
Kahit na malakas pa ang hiyawan, madami ang nakadinig sa kanya dahilan kung bakit sabay-sabay na napabaling sa gawi ko ang iba. I even heard someone gasp.
"Manonood din pala ang anak ni Don Victor!"
Diretso lang ang tingin ko habang patungo sa pwesto na nahanap ng driver. Tipid ko namang nginingitian ang iilang bumabati.
Naupo ako sa tabi ng driver. Diretso lang ang tingin ko at sinubukang sundan ang nangyayari sa nagaganap na laro. Mamaya maya pa ay naramdaman ko ang pares ng mata na nakatingin sa akin.
I know that there are a few that are looking at me but this pair of eyes feel like a magnet that pulls me towards it. Agad kong nahagip ang mga mata na iyon at hindi na nagulat nang makita si Primo na nakaupo sa 'di kalayuan.
He gave me a friendly smile and waved. I returned the gesture with a little nod.
At dahil mukhang intense na ang laro, muntikan nang mabato sa banda ko ang bola na ipapasa sana sa kakampi. Mabuti na lang at mabilis na humarang ang driver kaya 'di rin 'yon tuluyang tumama sa akin.
"Delikado pala rito, Ma'am."
Sa gilid ng aking mga mata ay napansin kong napatayo si Primo mula sa kanyang kinauupuan. Saka ko lang napansin na mukhang handa na siya sa magiging laro nila mamaya. Nakaputing tshirt na siya at jersey shorts. Suot niya na rin ang sapatos niya.
May kung sino siyang nilapitan. May kung ano siyang binulong dito at tinuro pa ang stage. Nagulat ako nang magawi ang tingin sa akin noong kausap niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin ay nagkunwaring 'di ko sila tinitingnan.
Bumalik din naman agad si Primo sa pwesto niya. Mabilis kong iniwas ang tingin nang sumulyap siya sa akin. Umayos ako ng upo at nagkunwaring abala sa panonood ng laro.
Hindi rin naman nagtagal ay nagulat ako nang lumapit ang kausap ni Primo kanina sa amin.
"Ma'am, utos po sa akin na palipatin kayo sa may stage. Mas maganda po ang view roon at 'di rin po kayo matatamaan ng bola doon."