Chapter Three

651 27 1
                                    

Song: Cruel Summer - Taylor Swift

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Cruel Summer - Taylor Swift

Work

Nanatiling nakalahad ang kamay ko sa kanya. Walang emosyon ko siyang tiningnan habang hinihintay siyang tanggapin iyon. Napalunok siya at nagmamadaling pinunasan ang kamay niya bago nakipagkamay sa akin.

"Primo po, Madam." Aniya. I shook his hand and quickly took it away after.

Tumuwid siya ng tayo. Inilubay ko naman ang tingin sa kanya para simulan na ang naalintala kong umagahan pero napansin kong hindi pa rin siya umaalis sa harap ko kaya muli akong napaangat ng tingin sa kanya.

"You still need anything?" Tamad kong tanong.

"Uh..." Primo scratched the back of his head. "'Yung sorry ko po? Tanggap n'yo na?"

My jaw dropped in amusement. I can't believe this guy! I already introduced myself to him. If that isn't enough for him to see that I already considered his explanation then I don't know what else to do.

"Are you asking me to say "I forgive you" directly?"

Tumango siya. He seems hopeful that I'm going to do it. Sino siya para gawin ko 'yon? Aside from being the man behind my stained dress, who is he to ask me to do that?

I chuckled sarcastically. "I won't do it."

Umangat ang kilay niya. Hinubad niya ang suot na sumbrero at saka naupo sa harap ko. My eyes widened.

What is he doing? Ang kapal ng mukha niya!

"Madam, hindi naman po masamang sabihin 'yon. Syempre, need ko rin po ng assurance 'no." He said and smiled cheekily at me.

The side of my lips rose. I really couldn't believe him!

"Gusto ko lang po ma-make sure na pinapatawad n'yo na po ako sa nangyari kahapon. Baka po kasi batiin kita bukas kung sakaling magkita po tayo ulit tapos irapan mo lang ako. Mahirap 'yon, Madam, kasi iisipin ko galit ka pa rin sa akin."

I continued to look at him unbelievably. I have no words. I don't know how else would I tell him that my time with him is over because I am speechless. Ni isang salita walang pumapasok sa isip ko.

"So, Madam? Bati na po ba tayo?"

Ngumiti siyang muli. Nagawa niya pang ihilig ang sarili sa lamesa habang hinihintay ang sagot ko.

Saan ba nila napulot 'to?

I've never seen a worker as prattling as him. Dito ako lumaki pero ngayon lang ako naka-encounter na kasing daldal niya. Usually, our workers would greet and leave us alone. But this man? He even had the guts to sit with me at the table!

I took a deep breath and calmed myself down. Akala ko naman matapos niya ipaliwanag ang sarili niya sa akin ay lulubayan na niya ako. I guess I thought so good about him.

Warming Her Stone Cold Heart (Elizondo Sisters #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon