Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Song: Before You - Benson Boone
Job
His eyes immediately widened at my question. See? Aware rin siya na iniiwasan niya ako.
But why? What did I do wrong?
"Iniiwasan? Hindi ah?" pagkukunwari niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Huli na siya pero sinusubukan niya pang gumawa ng palusot.
"You think I'm dumb? Ang daldal mo kahit ayaw kitang kausap noon. Tapos ngayon..."
I stopped before I say something stupid. Baka isipin niya pa na gusto ko na siyang kausap ngayon. I'm just bothered, okay?
"Ah, pagod lang sa laro kagabi, Madam. Wala 'to."
"If you're tired, you could've rested. Bakit nagtatrabaho ka pa?"
"Sayang ang pera—"
"Mas uunahin mo pa 'yan kaysa sa kalusugan mo?"
Bumuka ang bibig niya. Bago pa siya makahanap ng palusot ay inunahan ko na siya.
"Well, it's not like I'm concerned or I want your attention. You can avoid me all you want after this but why? Did I do something wrong?"
"Wala naman—"
"Okay." Pagputol ko sa sinasabi niya. Tumango ako. Wala naman palang problema, e. "That's all I need to know."
Mabuti naman at wala siyang problema sa akin. I'm so close to thinking that there is. Ayaw ko pa naman ng gano'n. Iyong 'di ka bigla kakausapin at gusto pa na ikaw ang mag-iisip kung ano ang naging problema at bakit biglang gano'n.
Lumakad na ako at nilagpasan siya. It's also good to know that I didn't do something to offend him without my knowledge. Maybe that's why I'm bothered. Na baka lang may nagawa o nasabi ako na mali na 'di niya nagustohan.
O baka naman...iniiwasan niya ako dahil nahiya siya na tinanong ko pa ang tungkol sa pagkindat niya sa akin kagabi. I rolled my eyes at that thought.
Siya naman ang may kasalanan no'n. 'Di ko naman siya tatanungin kung hindi lang siya parang tanga na kumindat.
At dahil hinayaan ko na lang si Primo sa gusto niyang mangyari, nagpatuloy ako sa araw ko na parang wala lang siya kahit na kanina ko pa ramdam ang ilang beses niyang pagsulyap sa akin.
Sa tuwing may tanong, sa halip na siyang tanungin—kahit siya naman itong pinaka malapit sa akin—ay hahanap pa ako ng ibang tao para kumuha ng sagot.
Nagtagal ako sa farm sa pagtitingin ng iba pang ani. Halos naikot ko na ata ang kabuuan nito para lang ma-check ang lahat.
"Ma'am Theia, meryenda po!" tawag sa akin ng isa sa mga magsasaka nang tumigil kami sa quarters nila.