chapter 32- first Risk

20 0 0
                                    

Karylle's POV

Inaantok na ako. Kahit na ayaw ko pang matulog dahil nga sa situwasyon ko ngayon ay tila ba hinihila na ako ng antok dahil di ako masyadong nakatulog kagabi at medyo parang bugbog Ang katawan ko dahil sa mga nangyayari pati na din Ang utàk ko ay tila ba napiga na kakaisip Kung paano ako makakatakas dito.

Di ko na din alam kung anong oras na ba àt bakit antok na antok ba Ang pakiramdam ko.

Ano na kaya Ang Niyayari sa labas? Ayos lang kaya sila Vice? Alam Kong gumagawa na sila ng paraan para mailigtas àko dito pero wala akong kaalam alam sa Plano Nila Yael. Basta Ang alam ko Lang ay Ang paghingi Nila ng pera kila Vice at Ang Plano Niya pagkatapos itong makuha.

Kung ano man Ang plano Niya para makuha ito Kay Vice ay wala akong kaalam alam. Wala akong kahit na anong alam sa Kung ano man Ang naging usapan Nila ni vice pàtungkol sa pera na kapalit ko.

Kapalit? Hindi. Masyadong tuso si Yael. Siya na din mismo Ang nag sabi na di Niya ako ibibigay kahit kanino kaya panigurado ay gagawa Siya ng paraan para makuha Ang pera habang Hindi Niya ako binibitawan.

Kung alam ko Lang Sana Ang mga Plano Niya sa pagkuha ng pera Kay vice at Kung kailan ito magaganap ede sana makakapag isip ako kahit papaano para mapigilan ito. Kaso walang pumapasok sa utak ko.

Hindi ko na din alam kung paano ako makakatakas dito sa kadahilanan na din na ni minsan ay di Nila ako tinanggalan ng Tali maski sa pagkain ko.

At habang tumatagal ako dito mas lalo akong kinakabahan sa kung anong pwedeng mangyari sakin at sa pamilya ko.

Hinding Hindi ko Yun maaatim.

Ayokong isipin Ang paraan na Yun para lang mailigtas Ang mga mahahalagang tao sa Buhay ko dahil gusto Kong makasama pa sila lalo na si vice ngunit paano Kung Yun na nalang talaga Ang tanging paraan para mailigtas ko sila dahil Kung tutuusin ay ako lang naman Ang habol ni Yael eh diba? Kung sasama ako sakanya ßiguro matatapos to ng walang dugo na papatak o walang taong masasaktan.

Lahat ng taong mahahalaga sakin ay maililigtas.

Natigil ako sa pagiisip ng biglang bumukas Ang pinto.

Bumungad sa harapan ko si Cheska.

Mali pala. Kahit sumama ako Kay Yael meron pa palang ahas at higad na nandidito. Kung Wala lang Sana to at Kung Wala ng ibang paraan baka patusin ko na talaga Ang pagsama Kay Yael mailigtas lang sila vice pero dahil meron tong babaetang to Hindi pwede Yun at mananatili lang na patapon Ang solusyon na Yun dahil pagkatapos na pagkatapos sa problema Kay Yael panigurado ay ito naman Ang gagawa ng problema kapag nilingat mo Ang tingin mo sakanya.

Ngayon pa nga Lang ay nakagawa na Siya sa pamamagitan ng pakikisabwatan Kay Yael eh. Kayang kaya niyang gawin Ang kahit àno gaya nalamang ng ginawa ni Yael. Àt Ang maalala di pà din namin alam kung gaano kabaliw Ang babaeng to.

"Masyado atang malalim Ang iniisip mo na maski pagpasok ko ay parang di mo magawang pansinin"

"Di ka Kasi kapansin pansin. No doubt Kung bakit di ka din napapansin ng ASAWA ko." Di ko alam pero gusto ko Lang siyang asarin dahil Wala pa naman akong màgagagawang paraan ngayon para makatakas. Ng makaganti man Lang ni kunti sakanya.

Nakita ko naman na naigting Ang panga Niya dahil sa sinabi ko tila ba nag pipigil ng galit dahil sa narinig Niya. Buti nga sakanya.

"Ayokong saktan ka dahil may usapan kami ni Yael kaya wag mo Kong sagarin."

Halata sa boses Niya Ang galit At pagpipigil. Sa ngayon sa tingin ko ay di Niya ako magagawang saktan dahil na din Kay yael.

Kung may ipagpapasalamat man ako Kay Yael ay Yun na siguro Yun dahil kahit papaano ay maaasar ko Ang babaetang to ng di ako nasasaktàn.

Mukhang di na ata kakayanin ng katawan ko Yun pag nag kataon mas lalo akong di makakaisip ng paraan para makatakas at Kung may maisip man ako di ko din magagawa dahil sa bugbog Ang katawan ko.

"Dapat na ba akong mag pasalamat Niyan?"

Hindi ko alam kung anong dahilan pero tilà ba gusto ng loob ko na pahabain Ang usapan na to.

Kinakabahan ako. Kinukutuban ako ng Hindi maganda.

"Hayop ka talaga. Dapat ka ngang mag pasalamat dahil hinahabaan ko Ang pasensya ko sayo kaya mag tigil tigil ka. Sa ngayon para matigil Ang kadaldalan mo, tumayo ka diyan at aalis na tayo"

"Aalis? San tayo pupunta?"

"Huwag kang mag alala. Tumayo ka nalang Kung gusto mo pang makitang Buhay si vice."

"Ano!?"

"Oh nawala yabang mo?" Ngumisi Siya sakin at pinantay Ang mukha sa mukha ko.

"Masyadong oa Yang reaksyon mo. Huwag kang màg alala, gaya nga ng sabi ko may usapan kami ni Yael. Kaya pasalamat ka talaga sakin. Lalo na sa pasensya ko. Dahil hangga't Hindi kita sinasaktan Hindi din masasaktan Ang Asawa mo."

Di ko alam pero medyo nakahiga ako ng màluwag sa narinig ko. Sana nga talaga totoo àng sinasabi ni Cheska.

Àyoko mang aminin pero isa na din siguro Yun sa ipapasalamat ko sakanya kapag nag kataon.

"Huwag ka nang mag emote dyan. Tumayo ka na habang mabait pa ako. Baka di ko na talaga hahayaang Makita mo sa huling pagkakataon si Vice. Lalo pa't pagkatapos ng bigayan ng pera. Mapapasakin na din si vice."

Binabawi ko na pala. Hindi na siya dapat pasalamatan. Bakit nga ba nakalimutan Kong higad Ang babaeng ito at gustong gusto na madikit sa Asawa ko.

Hinila Niya ako patayo siguro dahil di ko padin sinusunod Ang sinabi Niya.

Hinila na Niya din ako palabas ng kwarto habang ako nakatingin sakanya.

.

.

.

.

.

.

.

.

Vice's POV

andito na ako ngayon sa kotse at nag dadrive. Medyo kinakabahan ako Hindi para sa sarili ko kundi para Kay karylle at para na din sa iba Kong mga Kasama.

Medyo delikado Ang Plano namin. Although ito naman Ang normal na Plano ng mga pulis kapag may mga kidnapping na nagaganap, ito nga Rin madalas Ang nakikita ko sa mga pelikula eh pero nakakakaba pala at nakaka himatay na kapag nararanasan mo na lalo na't buhày na ng mga Kasama mo Ang nakasalalay.

Lalo na sa situwasyon ko ngayon. Medyo nakakakaba dahil nakasalalày sakin Ang Buhay ni karylle at Ang mga Kasama ko. Isang maling galaw ko Lang pwedeng mawala sakin si karylle at pwede ring madamay lahat ng mga Kasama ko ngayon sa Plano.

Pero kailangan Kong mag focus. Kahit na medyo kinakabahan ako at namamawis Ang mga palad ko jusme naman Kasi. Walangya kasing Yael eh. Kung hindi lang baliw baliw. Hayst.

Ng Makita ko na nasa tapat na ako ng gusali Kung saan sinabi ni Yael na mag kikita kami ay tinigil ko na Ang sasakyang minamaneho ko.

Ito na to. Hingang malalim vice. Dahan dahan. Kailangan Kong gamitin Ang utàk mo habang nandito ka para maging handa ka sa mga mangyàyàri.

----

Another update 😂 Basta lagi ko naman sinasabi na busy haha 🤣 enjoy reading nalang haha 🤣

ARRANGE MARRAIGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon