Chapter 29- the mystery part 2

60 0 0
                                    

Karylle's POV

Hanggang ngayon, Hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ko padin akalain na Ang dati Kong kaibigan ay magiging ganito kasama. Para siyang demonyo na umakyat sa lupa para Lang manakit nang Iba.

Hindi na siya Ang Yael na nakilala ko. O Hindi ko Lang talaga kilala Ang totoong siya? Nasan ka na ba vice? Naguumpisa na akong matakot. Hindi para sa sarili ko Kundi para sa pamilya ko. Paano Kung may gawing Hindi maganda si Yael sakanila? Lalo na Kay Vice? Hindi ko Alam Ang gagawin ko kapag may nangyaring Hindi maganda sakanila.

Natigil ako sa pagiisip nang biglang bumukas Ang pinto.

"Oh, kumain ka na." Malumanay na saad nang nag hatid sakin nang pagkain.

Hindi Ito Ang taong nag hahatid sakin nang pagkain.

"Sino ka?" Tumingin Ito sakin nang tanungin ko Kung Sino siya. Ngayon ko Lang siya nakita. Parang Ito palang ata Ang unang beses na pumasok siya dito sa kwartong kinalalagyan ko.

"Marlon." Simpleng sagot Niya. Medyo misteryoso siyang tignan.

Sinusubuan Niya ako. Sigurista talaga sila. Never nila akong kinalagan nang Tali kapag kumakain. Para bang hanggat maaari Hindi dapat nila Yun gawin dahil baka makatakas ako.

"Sa mga titig mo, Parang may gusto Kang tanungin" medyo nagulat ako sa sinabi niya. Bigla bigla Kasi itong nag sasalita habang Ang mukha Niya ay walang binibigay na emosyon o ekspresyon.

"Wala Naman. Nakakapag taka Lang na iba Ang nag dala sakin nang pagkain ngayon. " Tumango nalang siya sa sagot ko.

Umalis na din siya agad Nung matapos akong pakainin. Hindi ko din Alam Kung bakit. Masyado siyang misteryoso pero Parang pamilyar siya sakin, para bang Nakita ko na siya dati. Hindi ko Lang Alam Kung Saan at kailan ko siya nakita.

Karylle magisip ka. Mahirap Kung aasa ako Kay Vice ngayon. Pag nangyari Yun mas Lalo Lang siyang mapapahamak. Ayoko. Ayokong nangyari Yun.

.

.

.

.

.

.

.

.

Vice's POV

"Wala pa din bang tawag hanggang ngayon anak?" Tanong sakin ni mama. Andito kaming lahat sa bahay. Nag aalala kaming lahat Kay Karylle.

"Wala padin po mama." Hindi ko parin Alam Ang gagawin Ko. Hindi na ako mapakali. Gusto Kong kumilos pero paano? Ni isang clue Kung nasan si karylle o Kung sino Ang kumidnap sakanya Wala.

"Rosario , Zsazsa maghintay nalang Tayo nang kahit kaunti pa. Alam Kong mahirap pero sa ngayon Wala tayong magagawa." Pagpapakalma ni papa kila mama. Alam ko Naman na maski siya Kinakabahan Nadin pero Wala kaming magawa.

Naghintay pa kami nang ilang Segundo nang biglang may tumunog na phone.

Agad Kong tinignan Yung phone ko at Hindi nga ako nag kamali saakin nga Yung tumutunog.

Agad din itong narinig nang pulis na nasa loob Lang din nang bahay at agad kaming nilapitan. Inayos Niya Ang Mga kailangang ayusin para maitrack Ang location nang tumatawag.

"Pahabain niyo Lang po Ang usapan ninyo para maitrack po namin nang mabuti" tumango nalang ako at sinagot na Ang tawag.

"Hello?"

"Oh Vice. Kamusta ka na?" Napakunot Ang noo ko. Bakit tila pamilyar Ang Boses nang lalaking Ito?

"Sino to?" Tanong ko sakanya

"Ang bilis mo Naman akong nakalimutan. Diba kailan Lang nung sinundo ko Ang asawa mo sa bahay ninyo?" Naramdaman ko Ang pagngisi Niya sa kabilang linya.

"Walang hiya ka. Ibalik mo Ang asawa ko!" Halos pasigaw ko nang Sabi sakanya dahil sa nag babadyang galit mula saakin.

"Wag Kang mag alala. Alam mo Naman na masyado Kong mahal si karylle para saktan siya. Kaya kapag nakuha ko na Ang 30 million pesos maililigtas mo na din siya"

Mahal?

"Hayop ka Yael. Sabi na eh Hindi Kita dapat pagkatiwalaan. Mula noon hanggang ngayon Hindi ka dapat pa pinag katiwalaan nang asawa ko"

"Buti Naman at naalala mo na din Kung Sino ako. Kung tutuusin, Hindi lang Naman pera Ang kailangan ko. Pero mas kailangan ko Ang pera mo kapalit nang asawa mo..."

"Magkita Tayo sa lumang building sa may Quezon City malapit sa plaza. Alas dose nang Gabi dalhin mo Ang pera at siguraduhin mong Wala Kang dadalhin na kahit na Sino Kundi Ang sarili mo Lang. Dahil sinasabi ko sayo, Hindi ka pa nakakapasok gugulong na Ang ulo nang asawa mo"

"Walang hiya ka!!! Huwag na Huwag mong sasaktan si karylle!!"

Narinig ko nalang na binaba na Niya Ang tawag. Hayop.

Napatingin ako sa mga pulis para kompirmahin Kung nakakuha ba sila nang lead sa pamamagitan nang usapan naming dalawa at tumango Naman sila. Mukhang nakakuha sila.

Hindi ko na napigilan at napaupo na ako sa sofa. Parang nanghina ako sa katotohanang may maaaring mangyari Kay Karylle na masama. Nilapitan ako nila mama at umupo sa tabi ko.

"Anong Sabi anak?"

"Hinihingi na Niya Yung 30 million"

"Captain, ano na Ang pwede nating gawin ngayon?" Tanong ni papa sa Isa sa mga police na nandun.

"Tinawagan na po namin si major at Anu man pong oras darating na po siya. Siya na din po Ang magsasabi Kung Anu ba Ang magiging Plano natin"

Tumango nalamang si papa sa sagot nang pulis.

.

.

.

.

.

.

.

.

Yael's POV

"Sigurado ka bang susundin ni Vice Ang Mga sinabi mo?" Tanong sakin nang babaeng kasama ko.

"Hindi ako sigurado. Pero may nakaplano na ako para Kung saka sakali man na Hindi siya sumunod sa mga sinabi ko"

"Siguraduhin mo Lang na Hindi siya masasaktan. Dahil nagkasundo Tayo Yael. Hindi ko gagalawin si karylle hanggat Hindi mo gagalawin si Vice."

Tumingin ako sakanya nang nakangisi.

"Wag Kang mag alala, Hindi ko siya gagalawin. Basta siguraduhin mo Lang din na Hindi siya gagawa nang kahit na anong bagay na ikapapahamak Niya. Dahil Kung Hindi, Kung buhay ko na Ang itataya, pasensyahan Tayo. Kaya ikaw bantayan mo siya."

"Wala tayong magiging problema, Basta akin si vice sayo si karylle handa akong makipag tulungan sayo."

"Aasahan ko Yan CHESKA."

ARRANGE MARRAIGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon