Chapter 38- Spreading the News

13 1 1
                                    

Sa wakas, dumating na ang araw na lalabas na sina Vice at Karylle sa ospital matapos ang ilang araw na pananatili doon dahil sa nangyaring kidnapping. Magaling na Ang mga sugat at dinadamdam nila physically. Kaya handa na Silang umuwi. Habang naglalakad sila palabas ng ospital, hawak-hawak ni Vice ang kamay ni Karylle, ramdam ang init at suporta mula sa isa't isa.

"Salamat sa Diyos at ligtas na tayo," sabi ni Vice habang tinitingnan si Karylle na may pagmamahal sa kanyang mga mata.

"Oo, Vice. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka," sagot ni Karylle na may ngiti sa kanyang mukha.

Paglabas nila ng ospital, sinalubong sila ng kanilang mga kaibigan at pamilya na may mga dalang bulaklak at balloons. "Welcome back!" sigaw ni Anne habang niyayakap si Karylle.

"Miss na miss namin kayo!" dagdag ni Billy habang tinatapik ang balikat ni Vice.

"Kay iingay ninyo. Di na kayo nahiya haha. Pero Salamat, guys," sabi ni Vice. "Hindi namin ito kakayanin kung wala kayo."

Niyakap ni Karylle ang kanyang ina na parehong may luha sa kanilang mga mata. "Salamat po sa lahat ng suporta ninyo," sabi niya.

"Ang mahalaga ay ligtas na kayo," sagot ng ina ni Karylle.

Ganun din naman ang ginawa ni vice sa mga magulang Niya.

Maligaya ang lahat na nakalabas na Ang dalawa sa hospital.

"At ngayon, mag-celebrate tayo!" Sigaw naman nila vhong at billy.

"Oo nga," dagdag ni Anne. "Nag-prepare kami ng munting salo-salo para sa inyo. May mga paborito ninyong pagkain at konting inuman para sa ating lahat."

"Salamat. Pero magingay padin kayo. Nakakahiya kayo." Hirit naman ni Vice.

"Madami Kasi kaming energy! Hmp." Nagtawanan naman lahat sa naging sagot naman ni Vhong sa hirit ni Vice.

"Akala ko sasabihin mo nakalunok ka din ng mic tulad ni Anne eh" hirit muli ni Vice.

"Hey! Sinasali niyo nanaman Ako sa asaran ninyo!" Sigaw naman ni Anne na dahilan ng tawanan nila.

Pumunta na din Sila sa kung saan Sila kakain para mag salo salo.

"Surprise!" sigaw ni Vhong habang inilalabas ang isang cake na may nakasulat na "Welcome Back, Vice and Karylle!"

Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan at tawanan habang nagkaroon ng munting salo-salo para ipagdiwang ang ligtas na paglabas nina Vice at Karylle.

Maliit na salo-salo kasama Ang mga malalapit sakanila. Ang kanilang mga ngiti at tawanan ay puno ng pasasalamat at saya.

Tumayo si Vice at kinuha ang kamay ni Karylle. "Guys, may mahalaga kaming sasabihin sa inyo," sabi ni Vice na may ngiti sa kanyang mukha.

Nagkatinginan ang lahat, nag-aabang sa sasabihin ng dalawa. "Ano 'yan, Vice?" tanong ni Anne na may halong excitement.

Huminga ng malalim si Karylle at ngumiti. "Buntis ako," sabi niya, puno ng saya at emosyon.

Saglit na natahimik ang lahat, tila nagpoproseso pa ng balita. Pagkatapos ng ilang segundo, sabay-sabay silang sumigaw ng "Congratulations!" at nagpalakpakan.

Unang nagsalita ang ina ni Karylle, na may luha sa kanyang mga mata. “Anak, napakasaya ko para sa inyo. Alam kong magiging mabuti kayong magulang ni Vice.”

Biglang lumapit ang ina ni Vice, na may luha rin sa kanyang mga mata. “Vice, anak, napakasaya ko para sa inyo. Alam kong magiging mabuti kang ama. At Karylle, magiging mabuti kang ina.”

Niyakap ni Vice ang kanyang ina. “Salamat, Ma. Alam kong magiging masaya at makulay ang buhay namin dahil sa suporta ninyo.”

Sumunod naman ang ama ni Vice, na may malaking ngiti sa kanyang mukha. “Vice, Karylle, congratulations! Hindi ko maipaliwanag ang saya ko. Magiging lolo na ako!”

Niyakap ni Karylle ang kanyang ina habang si Vice naman ay niyakap ang kanyang ama. “Salamat po, Ma, Pa,” sabi ni Karylle. “Alam kong magiging masaya at makulay ang buhay namin dahil sa suporta ninyo.”

Lumapit si Anne at niyakap si Karylle. "Oh my gosh, Karylle! Ang saya-saya ko para sa inyo!"

Sumunod si Billy at Vhong, na parehong may malalaking ngiti sa kanilang mga mukha. "Vice, magiging tatay ka na!" sabi ni Billy habang tinatapik ang balikat ni Vice.

"Oo nga, Vice," dagdag ni Vhong. "Handa ka na ba sa mga sleepless nights?"

Nagtawanan ang lahat, at si Vice naman ay sumagot, "Mukhang kailangan ko nang mag-stock ng maraming kape!"

ARRANGE MARRAIGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon