Chapter 2-THE CALL

195 6 0
                                    

CHAPTER 2
THE CALL

Karylle's POV

*RING RING RING*

Kainis naman, natutulog pa ako. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong unknown number ang tumatawag.

*ANSWER*

AKO: "Hello?"
UNKNOWN:"Hello, Ms. Tatlonghari? This is Ms. Garcia of Viceral Corp."

Pagkasabi niya nun, agad akong napabangon.

AKO: "Ha? Ganun po ba? Bakit po kayo napatawag?"
MS. GARCIA: "Pinapapunta po kayo ni Mr. Viceral para sa isang interview dito mismo sa opisina ngayon din po."
AKO: "Ganun ba? Sige, I'll be there. Maliligo lang ako."
MS. GARCIA: "Okay, sige. Bye."
AKO: "Bye."

Binaba ko agad ang tawag at dali-daling naligo.

---

Vice's POV

*RING RING RING*

Peste naman na alarm clock yan, grabe ang ingay. Inaantok pa ako. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko pero hindi ko na pinansin. Ang aga pa kasi, gusto ko pang matulog.

Naramdaman kong may umupo sa kama ko. Alam ko na kung sino ito. Isa lang naman ang gumagawa niyan para gisingin ako-si Mama.

"Anak, gising ka na," sabi niya sabay kalabit sa akin.

"Mama, inaantok pa po ako," sagot ko naman.

"Sige na, bumangon ka na," sabi niya.

Alam ko naiinis na siya. Ayaw na ayaw niya kasing nanggigising ng taong mahirap gisingin kaya nga nag-aalarm na lang ako para hindi na niya ako gisingin. Baka mainis lang siya at mabugbog pa ako, mahirap na.

Nasanay na rin akong magising ng maaga kaso inaantok talaga ako ngayon.

"Mama, 5 minutes pa please," sabi ko habang nakahiga pa rin.

"Ayaw mo? O baka naman gusto mo lang mabatukan, ha?" sabi niya.

Pagkasabi niya nun, agad akong tumayo.

"Ito naman si Mama, hindi na mabiro. Joke lang po. Sige na, maliligo na ako," sabi ko sabay pasok sa banyo.

Para tuloy akong batang tinatamad maligo para makapasok sa school. At saka nakakatakot kaya yan. Kapag binabatukan ako ni Mama, akala ko putol na yung leeg ko. Hay...

Black belter kasi sa karate at taekwondo kaya ang sakit ng mga hampas niya. Tapos umiiral pa ang pagkabrutal niya. Akala ko nga hindi niya ako anak kung makasakit.

"Teka lang," sabi niya kaya napalingon ako.

"Mag-formal ka ngayon, huwag yung kung ano-ano lang ang sinusuot mo," sabi niya.

"Ha? Bakit naman, Ma?" tanong ko.

"Andyan ang Papa mo," sabi niya.

"WHAT?? BAKIT?? ANONG GINAGAWA NI PAPA DITO??" pasigaw kong sabi.

"HOY, WAG KA NGANG SUMIGAW!" sigaw din ni Mama pero mas malakas yung akin. Kaso nga lang, mas nakakatakot ang itsura niya. Grabe, wala talaga akong kalaban-laban dito. Kahit na masungit ako sa opisina, sa bahay naman akala mo kung sinong maamong tupa ang madadatnan mo pag nakita ako. Hay...

"Sorry, Ma. Nagulat lang kasi ako. Bakit nga ba siya andito? Akala ko busy siya," sabi ko.

"Nalaman niya kasi na nag-resign ang secretary mo kaya andito siya para tulungan kang maghanap," sabi ni Mama na nagpalaki nanaman ng mata ko.

WHAT THE HECK?! NAMAN OH!!

"Bakit naman siya pa? Ako na lang. Actually, nakahanap na ako. Tatawagan ko na lang siya para ma-interview. Nakita ko na rin yung application form niya," sabi ko kay Mama.

Ayaw ko kasing si Papa ang naghahanap ng secretary ko. Madalas kasi siya pa ang nagiging boss ng secretary ko kaysa sa akin. Lagi akong pinababantayan. Tsk... Yung tipong laging may nakabuntot sa'yo na parang aso? Kainis yun.

"Talaga? Sino?" mukhang excited na sabi ni Mama.

Bakit nanaman kaya?

"Opo," tipid na sagot ko at tumayo na ako papunta sa banyo.

"Teka lang, anak. Sino nga?" pigil sa akin ni Mama. Makulit to kaya sinabi ko na lang pero pangalan lang, hindi apelyido. I-interviewhin ko pa siya kaya hindi pa ako masyadong sure.

"Ah... Karylle? Magandang pangalan, ah," sabi niya.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Mama at pumasok na sa banyo.

Paglabas ko, gaya ng sabi ni Mama, nag-formal suit ako. Pero long sleeve polo at pantalon lang, hindi yung pang-suit na pantalon. Yung nabibili kahit saan na maong na pantalon, ganun. Tapos nag-suit lang ako.

Kapag ganito ang suot ko, naaalala ko ang sinabi ng mga kaibigan ko na gwapo daw ako kapag ganito ang bihis ko. Hindi lang daw gwapo, sobrang gwapo pa. Mas lalo daw akong gumugwapo. Hay... Pero hindi ko na masyadong iniisip iyon. Bumaba na lang ako kaysa alalahanin pa iyon.

Pagkababa ko, nakita ko si Papa sa dining area. Grabe, pabigla-bigla naman ito. Hindi ko inaasahan na nandito siya ngayon.

"Good morning, Ma. Good morning, Pa," bati ko sa kanila.

Hindi sumagot si Papa. Sanay na ako diyan. Masyadong seryoso at masungit. Kung sa kasungitan lang, diyan ako nagmana. Si Mama naman, abala sa paghahanda ng almusal.

Kumain na kami at gaya ng inaasahan ko, magtatanong nga si Papa kung may nahanap na ba akong bagong secretary.

"Ano, may nahanap ka na bang secretary? Kung wala pa, tutulungan na kita," sabi niya, na hindi pa rin tumitingin sa akin. Hay...

"Naku, Pa, wag na po. May nahanap na ako. Pinatawagan ko na kay Coleen para pumunta sa office para ma-interview ko. Application form pa lang kasi ang nakita ko, hindi ko pa siya masyadong nakakausap," sagot ko naman sa kanya.

Nakakatakot na nga si Mama, dumating pa si Papa dito. Mas lalo tuloy akong na-stress. Pareho kasi silang nakakatakot. Kaya tignan mo ako ngayon, ang sungit ko pero nawawala na parang bula. Gaya ng sabi ko, parang maamong pusa ako kapag nasa bahay.

Habang kumakain kami, nararamdaman ko ang tensyon sa paligid. Tahimik lang si Papa, seryosong kumakain. Si Mama naman, panay ang tingin sa akin na parang may gustong sabihin pero pinipigilan niya. Ako naman, pilit na pinapakalma ang sarili.

"Anak, sigurado ka ba na okay na yung nahanap mong secretary?" tanong ni Mama, na may halong pag-aalala sa boses.

"Opo, Ma. Mukhang okay naman siya base sa application form niya. Pero siyempre, kailangan ko pa siyang makausap ng personal para makasiguro," sagot ko.

"Siguraduhin mo lang na mapagkakatiwalaan siya. Ayaw kong maulit yung nangyari dati," sabi ni Papa, na sa wakas ay tumingin na sa akin.

"Opo, Pa. Sisiguraduhin ko po," sagot ko, pilit na ngumingiti.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na ako.

"Sige, Ma. Pa, pasok na ako. Baka malate pa ako," sabi ko sabay beso kay Mama.

"Mag-ingat ka, anak," sabi ni Mama habang hinahatid ako ng tingin.

Habang naglalakad ako papunta sa kotse, nararamdaman ko pa rin ang bigat ng mga mata ni Papa na nakatingin sa akin. Alam kong mataas ang expectations niya sa akin, at ayaw kong biguin siya. Pero minsan, ang hirap din.

Pagdating ko sa opisina, agad akong pumasok sa aking opisina at naghanda para sa interview. Kailangan kong maging handa at propesyonal. Hindi pwedeng magkamali.

ARRANGE MARRAIGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon