Chapter 25- Worried

92 0 0
                                    

Chapter 25- Worried

VICE'S POV

Umuwi agad ako paglabas ko Ng office. Bahala sila SA buhay nila. Nagaalala ako SA mga nangyari kanina. Iniisip ko din Kung sasabihin ko ba Ito Kay karylle o Hindi. Karapatan niyang malaman pero ayaw Kong magalala siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kila daddy Kaya? Kung sakanila ko Kaya sabihin? Pero baka magalala din sila Lalo na si mommy.

Grrrr.. di ko na Alam ang gagawin ko. Gusto kong isipin na biro Lang ang pinadalang envelope sakin pero di ko magawa. Di ko magawa kasi pakiramdam ko seryoso talaga ang nagpadala nito.

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kusina. Naamoy ko na Kasi ang luto Ni karylle.

She always like that. Kahit may katulong na pwede Namang magluto para samin siya padin ang nagluluto at naghahain Ng kakainin namin.

Pagkadating ko sa kusina agad ko siyang nakita na nakaharap sa may stove at may hawak na sandok. And base sa amoy Ng luto niya adobo ito.

Pumunta ako sakanya then agad siyang niyakap sa likod.

"Ahy kabayo"

Napabuntong hininga ako. Di dahil sa nagulat siya kundi dahil SA Sinabi niya.

"Ang hard mo talaga saking babaeta ka. " Sabay tingin kunwari sakanya Ng masama.

Tinignan din namna niya ako.

"Eh nanggugulat ka eh" dahilan niya naman.

"Oo na kasalanan ko na" Sabi ko sabay hinigpitan Lalo ang pagkakayakap ko sakanya.

Ayoko nadin na magtalo kami sa Maliit na mga bagay na Yan. Kaya as long na Kaya ko at kaya namin na di pagawayan di namin pagaawayan.

Tinuloy Niya ang pagluluto Niya habang ako ay niyayakap lalo sya Ng mahigpit at saka napapabuntong hininga habang nakapikit at nakapatong ang baba ko sa balikat niya

"Babe. May problema ba?"

Napadilat ako SA tanong niya.

Masyado bang halata?

"Ha? Ahh.. Wala Naman bakit?"

"parang may problema ka kasi eh"

"wala.. pagod lang siguro babe"

"sure ka ah?"

tumango nalang ako sakanya at saka ngumiti.

"sge palit lang ako babe ah" paalam ko sakanya na tinanguan niya lang din at saka itinuloy ang niluluto niya.

kailangan kong ayusin ang sarili ko. baka makahalata ng wala sa oras si karylle. And ayokong mangyari yun. Masaya kami ngayon kaya sana naman kunting panahon pa sana para mging masaya kami. Ayoko munang putulin ang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. itatago ko nalang muna ito. saka ko na siguro iisipin to kapag medyo di na nakakahalata si karylle. Aayusin ko to ng palihim.

.

.

.

.

.


.

.


KARYLLE'S POV

Alam ko di siya ok. Ayoko mang isipin na may inililihim siya sakin pero yun yung naiiisip ko. Ayoko naman din siyang pangunahan. baka kasi humahanap din siya ng syempo na sabihin sakin pero paano kung wala nga talaga? 

grrr.. nakakainis... bat feeling ko talaga may tinatago siya sakin? pero sinasabi naman sakin ng utak ko na maniwala nalang ako sakanya na wala nga talaga. 

nakakainis..

karylle wag kang nega ok? baka pagod lang talaga at wala ngang inililihim sayo.

pero nagaalala ako sa ikinikilos niya. Hindi sya ganyan. kung tutuusin malabing siya oo malambing naman siya nung dumating siya pero ang tahimik niya. Parang may dinadala siya,

natapos ko na ang niluluto ko kaya naghain na ako. 

pagkatapos nun ay agad na akong pumunta sa kwarto naming magasawa. 

pagbukas ko sa pinto nakita ko siyang nakaupo at nakaharap sa laptop niya. Napangiti pa nga ako kasi nakasuot sakanya yung salamin niya. Ang gwapo tuloy lalo ng asawa ko.

"babe?"

napalingon siya sakin ng tawagin ko siya

lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya. tinignan ko kung ano ba yung ginagawa niya sa laptop niya.

"hay naku babe nagiging workaholic ka nanaman. nasa bahay ka na nga trabaho padin ginagawa at inaasikaso mo" sabay pout ko sakanya.

nakita ko siyang ngumiti. 

parang gumaan unti ang pakiramdam ko na ngumiti siya pero ganun padin ang pakiramdam ko parang may dinadala siyang mabigat.

"nagtatampo naman na ang babe ko. wag ka ng magtampo ok? " sabay yakap sakin,

napangiti naman ako sa ginawa niya. parang nawala lahat ng iniisip ko kani kanina lang.

niyakap ko siya pabalik at naramdaman ko na sinisimulan nanaman niya ang kapilyuhan niya dahil hinahalikan nanaman niya ang leeg ko.

"yang kapilyuhan mo nanaman vice tigilan mo ako kakain na tayo"

pagkasabi ko nun bigla nalang akong napasigaw dahil bigla nalang niya akong inihiga.

"vice" medyo natatawa na ako dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya sa leeg ko.

"kakain na tayo anu ba. lalamig yung pagkain dun"

tila wala siyang naririnig. 

"vice naman eh"

sawakas nagsalita na siya "bakit ba babe? sabi mo kakain na tayo? kumakain na ako oh" sabay halik ulit sa leeg ko 

napalo ko siya ng napakalakas

"aray ko naman babe.. bat ka ba namamalo?"

"di yan ang ibig kong sabihin what i mean is kakain na tayo.. as in yung totoong pagkain" sabay irap sakanya.. iba nanamn pala iniisip ng baklang to nakakainis.

napakamot siya sa ulo bago nagsalita

"oo na oo na. tara na nga"

kahit papaano. nawala yung pagaalala ko kung may problema ba siya.


.

.

.

.

.

(A/N: sinong may want ng BS? hahahha as if naman kaya ni author pero kung gusto niyo pwede kong itry hahahha.. by the way sorry pala at ngayon lang nakapag update medyo busy lang kasi sa school lam na buhay estudyante :) )


ARRANGE MARRAIGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon