chapter 33- u-turn

17 0 0
                                    

Vice's POV

Kanina pa ako nakababa hawak Ang pera ngunit hanggang Ngayon ay wala padin sumasalubong saakin. Nakakapag taka. Asan na kaya si Yael at karylle?

Hindi ko gusto Ang nangyayari. Mas lalo akong Hindi mapalagay dahil dito. Habang tumatagal Ang Hindi Nila pagpapakita ay mas lalo akong kinakabahan para sa kapakanan ni karylle.

"Sir huwag na huwag po kayong mag sasalita. Hayaan niyo nalang po na kami Ang magbigay ng instructions pero huwag na huwag po kayong sasagot pabalik. Kahit Wala pong tao sa harapan niyo ay huwag niyo padin gagawin dahil maaari na sila lamang ay nakamasid sa dilim"

Yan Yung sinabi ng pulis sakin kanina habang nag mamaneho Siya. At kinakabit ko naman Ang mic at earphone sa damit ko. Pero in fairness may tugma mga sinabi ni kuyang pulis kanina ah.

Anyways, di ito Ang oras ng biruan at kalokohan dahil mag sasampung minuto na ako dito ay hanggang Ngayon wala padin sila Yael at karylle.

Kanina pa nag alas dose. Pag babang pag baba ko ng sasakyan ay isang minuto nalang mag aalas dose na kaya sigurado ako na dapat andito na din sila.

Di Kaya nàuna lang ako? O baka naman nahuli na ako? Pero paano naman si karylle? Wala sanang masamang nangyari Kay karylle.

"Pasensya na, Vice. Nag hintay ka ba ng matagal?" Narinig ko Ang isang babaeng nagsalita sa isang madilim na bahagi ng palapag na Kung Saan ako naroroon ngayon.

Parang pamilyar Ang boses ng babaeng nag salita ngunit sigurado ako na Hindi ito si karylle.

Ibig sabihin ay maaaring kasabwat ito ni Yael.

"Sino ka? Hindi nabanggit ni Yael na may kasabwat o Kasama Siya. At Ang Malala babae pa." Yun nalàmang Ang nasabi ko dahil Hindi padin Siya lumalabas sa kinalalagyan Niya. Madilim Ang pwesto Niya at Hindi ko Siya maaninag.

"Parehas talaga kayo ng Asawa mo. May makakalimutin minsan. Vice, ako to. Yung babaeng mahal na mahal ka"

"Natoy ikaw ba Yan?" Di ko mapigilan na sambit ko.

Narinig ko nalang na tumawa Siya na may halong pait at inis? Pero atleast tumawa Siya. But anyway, Hindi nga ito sabi Ang oras ng biruan at kalokohan eh.

"Pero pwera biro, pwede bang huwag ka ng mag paligoy ligoy pa? Bakit Hindi ka lumabás diyan at magpakita. Kung kilala nga kita, ipakita mo Ang mukha mo"

Pamilyar Ang boses Niya kaya medyo kinakabahan ako. Isa nanamàn ba sa mga kakilala namin o malapit samin Ang kasabwat ni Yael?

Alam ko masakit para Kay karylle na malaman na si Yael Ang nag pakidnap sakanya kaya àlam ko o mas lalong masakit para sakanya o saamin na isa Nanaman sa mga malapit na tao samin Ang nangtatraydor samin.

Unti unti siyang lumabás sa dilim.

"CHESKA..." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Tila ba nililinlang lang ako ng paningin ko.

"Bakit ikaw pa? Alam Kong Hindi maayos minsan Ang pakikitungo ko sayo dahil sa mga naging pagaaway namin ni karylle pero Hindi ko padin akalain na magagawa mo to"

Tinignan Niya lang ako ng ilang Segundo bago sumagot.

"Kung nagpaubaya ka lang Sana vice Hindi mangyayari to. Alam mo bang minahal kita? Pero Hindi mo Yun Makita" ramdam ko Ang pait ng mga bawat salitang binibitawan Niya.

"May Asawa na ako Cheska. Mahal ko si karylle"

"Alam ko." Yun lang Ang sinabi Niya sabay Yuko. Hindi ko mapigilang mapatitig sakanya at nagaabang ng mga susunod na salitang bibitawan Niya.

Ng wala na siyang sinabi ay dun na ako nag salita.

"Asan si karylle, Cheska?" Hindi ko malaman Kung bakit pero tilà ba Hindi ko magawang magalit Kay Cheska. Oo siguro ay nadismaya ako dahil sa kàtotohanang nagawa Niya Ang ganitong bagay ngunit tila Hindi magawang magalit ng loob ko sakanya.

"Hindi mo na Siya Makikita dito,Vice"

Nanlumo ako sa sinabi niya Hindi ko mawari Kung anong magiging interpretasyon ko sa mga sinabi Niya ngunit nilalamon ako ng masamang isipin tungkol dito.

"Ànong ibig mong sabihin?"

Hindi Siya kumibo saakin kaya unti unti akong nag lakad papunta sakanya.

"Huwag kang lalapit Vice, hanggang diyan ka lang. Mapapahamak ka"

Napatigil ako sa sinabi Niya. Tila ba alam ko Ang ibig niyang iparating sa salitang mapapàhamak ako. Maàring andito lang sa paligid si Yael nag hihintay ng pagkakataon na kumilos.

"Kung ganun sabihin mo sakin Cheska anong ibig mong sabihin na hindi ko na Makikita si karylle?"

"Hindi mo na DITO Makikita si karylle, Vice"

Napatigil ako ng inulit Niya Ang mga salitang binitawan Niya kanina.

May isang salita siyang binigyan ng diin. Ang salitang "Dito".

"Huwag mong sabihing itinakas ni Yael si Karylle, Cheska" Yun nalàmang Ang pumasok sa isip ko ng mapagtanto Ang mga salitang sinabi Niya kanina.

Ngunit bigla din lang naglaho Ang mga isipin na Yun nang Makita ko na umiling Siya.

Napakunot noo ako sa naging tugon Niya.

"Cheska, Hindi kita maintindihan"

Sumagot Siya sakin na tila ba huling salita na niya Yun dahil Wala ni maliit na boses Ang lumabas sa bibig Niya maliban sa pag galaw lamang ng mga labi Niya.

"Pi-na-ta-kas- ko - si-ya"

Ano? Ibig sabihin...

"Hayop ka Cheska traydor ka talaga!!!"

Bigla ko nalang narinig Ang isang sigaw at alam ko kung kanino ito nanggaling.

Kay Yael.

Bago pa ako makapag react sa mga nangyayari ay nakarinig ako ng putok ng baril.

Dahil sa gulat ay di ako nakagalaw agad at Ang tanging nakikita ko nalàmang ay Ang babaeng nasa harapan ko hawak Ang gitna ng katawan.

"Pa-a-lam Vi-ce"

Sa pangalawang pagkakataon ay nag salita muli si Cheska na walang lumalabas na boses sa kanyang bibig.

"Cheska!!" Tawag ko sa pangalan Niya at lalapitan ko na Sana Siya ngunit napatigil ako dahil muling nag paputok ng baril si Yael. Wala akong magawa kundi Ang magtago ng panandalian at kunin Ang sarili Kong baril.

Hindi naman ako susugod sa gera na walang dalang bala.

Sunod sunod Ang putok ng baril na pinapakawalan ni Yael Kaya Hindi ako makabwelo para paulanan din siya ng bala.

Hindi padin mawala sa isip ko Ang pagpapatakas ni Cheska Kay karylle at maski na din Kay Cheska na nakahandusay sa sahig.

Maliban sa mga nasa isip ko. Putek na Yan. Kahit marunong naman ako humawak ng baril ngayon palang naman ako makakagamit Neto sa totoong bakbakan. Pambihira naman.

ARRANGE MARRAIGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon