Chapter 18-WEIRD FEELING IS HERE AGAIN

111 1 0
                                    

Chapter 18
weird feeling is here again

VICE'S POV

*inat inat inat*

hay.. halos kakagising ko lang ngayon..

hay sarap ng tulog ko actually ewan ko din kung bakit.

A: siguro katabi mo si karylle sa pagtulog?

ofcourse not..

magkaiba kami ng kwarto noh.. sa kanan siyang kwarto ako sa kaliwa..

basta.. maganda lang ang gising ko.

ilang linggo na na ganito ang gising ko ..ewan ko ba kung bakit basta maganda.

nagtoothbrush na ako at naligo dahil pupunta pa ako ng opisina ng bigla akong nakaamoy ng mabangong amoy.

i think nanggaling yun sa kusina.

napangiti ako dahil sa naamoy ko dahil alam ko na ang amoy na yun dahil for sure kasi luto yun ng asawa ko si karylle.

yes.. medyo nasasanay na din kasi akong tinatawag siyang asawa well hindi ko din alam.. medyo naienjoy ko nadin..

sabi nga sakin ni mama nung dati buti daw hindi ako nasusuka kapag sinasabi ko yun kay karylle.

noon medyo naisip ko nadin yun bakit nga ba hindi ako nasusuka eh bakla ako kaya dapat nasusuka ako diba? hay.. pero sabi ko nalang din na nasanay nadin siguro..

hay medyo nagiging madaldal nanaman ako.. hay naku..

matapos kong magbihis ay agad na akong bumaba sa kusina.

nakita ko na nagluluto padin si Karylle. napangiti ako bago lumakad papunta sa likod niya.

"hmmmm.. ang bango naman niyan"

mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil malapit pa naman sa tenga niya ang bibig ko ng magsalita ako at dahil sa gulat ay napahawak siya sa dibdib niya bago siya humarap sakin.

bakit ba ganito lagi ang nararamdaman ko kapag magkalapit ang mga mukha namin.

oo malapit nanaman ang mga mukha namin.

weird feeling is here again.

iba na talaga tong nararamdaman ko eh.. parang may sakit na talaga ata ako..

ewan ko kung ano ang naisip ko ng bigla ko nalang unti unting inilapit ang mukha ko sakanya.

ngunit natauhan ako ng bigla ng may naamoy akong parang may nasusunog.

sabay kaming tumingin sa niluluto niya.

agad niya akong tinulak at inayos ang pagkain na nasa kaldero.

hay.. ano bang nangyayari samin?

oo samin.. parehas lagi kaming natutulala kapag ganun ang mga eksena naming dalawa.

"hay ikaw kasi eh!" bigla niyang sigaw dahilan para mapahawak ako sa butas ng tenga ko.

grabe hindi ba niya alam na nandito lang ako sa tabi niya at pwede akong mabingi?

"bat ka ba sumisigaw!" sigaw ko din sakanya.

" eh kasi eh. kung ano anong ginagawa mo ayan tuloy nasunog yung niluluto ko" pagmamaktol niya.

" kasalanan ko ba na magugulatin ka?" sabi ko sabay irap sakanya.

"eh sino ba kasi ang nanggulat?" mataray niya namang sagot

"ede ako na!" pataray kong sabi sabay irap sakanya.

"ikaw naman kasi talaga!" sigaw din niya.

"aba talaga nga naman.. inako ko na nga lang talagang ipinagdidiinan pa?" pataray ko padin na sabi.

ARRANGE MARRAIGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon