chapter 34- escape

44 0 0
                                    

Karylle's POV

Kasama ko ngayon si Marlon at tumatakbo kami ngayon palayo sa warehouse Kung saan dapat ako dadalhin ni Cheska para ipalit sa hinihinging pera ni Yael Kay vice.

Ngunit hanggang ngayon ay Hindi padin ako makapaniwala na aabot kami sa ganito. Hindi ko akalain na itataya ni Cheska Ang Buhay Niya para lang mapatakas ako.

Flashback

Hila Hila ako ni Cheska palabas ng building na pinagkulungan saakin

Masakit Ang hawak sakin ni Cheska, idagdag pa na pahila Ang pagtangay Niya saakin dahil na din siguro sa  pagpupumiglas ko sakanya ngunit natigil lamang iyo  nung naramdaman ko Ang pagluwag nito at dun ko napansin na nasa hagdanan palang pala kami ngunit bigla na lamang siyang tumigil at nakita ko si Marlon na nasa baba tila ba nag aabang na din saamin.

Hindi ko mawari Kung ano Ang ibig sabihin ng mga tinginan Nila ngunit tila ba naguusap sila gamit Ang mga Mata.

"Tama na to, Cheska. Itigil mo na to. Please Lang"

"Marlon, napagusapan na natin to" base sa kung paano bitawan ni Cheska Ang mga salitang iyon ay tila ba nasasaktàn Siya.

Bigla akong nakaramdam ng àwa sakanya. Teka, hindi. Isa Siya sa mga nag Plano at kumidnap sakin kaya andito kami ngayon sa situwasyon na to at ano Mang oras ay maàring mapahamak Ang lahat.

"Please, itigil mo na to, ATE."

Napalingon àko sa sinabi ni Marlon. Ate?

Tumingin ako Kay Cheska na may halong pagtataka at pagtatanong.

Ano ba talaga Ang relasyon Nila sa isat isa? Ano ba talaga Ang nangyayari dito? Wala na akong maintindihan.

Nag tatalo Ang isip at kalooban ko. Lalo na Ang isip ko ay naguguluhan din.

"Marlon, malapit na. Kunti nalang. Kunti nlang matatapos na to. Maayos nà din Ang lahat" Hindi ko mapigilang maluha dahil sa nakikita Kong luha at sakit na lumalabas sa mga Mata ni Cheska.

So ibig bang sabihin ng lahat ng ito ay Hindi ginustong gawin ni Cheska at Marlon?

Hindi naman ako Tanga para Hindi malaman àng lahat sa isang tingin lang. Marunong naman akong makiramdam.

"Wala na si nanay." Nakayukong sàbi ni Marlon.

Tila napatigil si Cheska sa narinig Niya mula Kay Marlon pati mga luha Niya ay napreno n tila ba ayaw maniwala sa mga naririnig Niya

Maski ako ay napatigil din. Dahil habang pingmamasdan Ang mga nangyayari ay tilà nakikita ko nà Ang Puno ng lahat ng ito.

"Malapit na Marlon. Huwag ka namang mag salita ng ganyan"

"Ate, tumawag sakin kanina Ang hospital. Inatake nanaman daw Siya. Sinabi din nila na wàlà na talaga. Huli na. Di na Niya kaya"

Matàpos sabihin ni Marlon Ang lahat ng iyon ay napaupo nalàmang si Cheska. Tila ba nanlumo Siya sa mga narinig Niya. Sa itsura Niya ngayon ay tila ba hindi Siya makapaniwala.

ARRANGE MARRAIGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon