Spin The Bottle

349 21 3
                                    

"It would be fun, promise." pangungumbinsi sa'kin ni Sulli.


Nangunot ang noo ko nang tumitig ako sa kanya, "Ayoko nga."


"Tara na, halika na!" hatak sa'kin ni Sulli.


Kanina pa nila ako pinipilit na maglaro nang 'spin the bottle' na yan! At inis na inis na ko. Kapag may ganyan, may inuman e. Alam naman nilang hindi ako nainom, ang kukulit!


"Ayokoooo. Ayokong pumunta doon. Matutulog na ko." nagpupumiglas kong sabi.


Hinigpitan ni Sunny ang hawak sa'kin, "H'wag ka nang KJ diyan! Magugustuhan mo to."


"Ayaw." kumapit pa ko sa pintuan.


"1.. 2.. 3!" bilang pa ni Luna bago nila ako sabay sabay na i-angat sa semento.


Nanlaki ang mga mata ko, "O-oy! Ibaba niyo ko!" gulat kong sabi nang buhatin nila 'ko.


Pero imbes na sundin ako ay nagsitawanan lang sila.


Nandito kami ngayon sa isang private resort para sa isang outing. Nagyaya kasi ng outing ang kaibigan ni Jong Hoon at wala akong nagawa kundi sumama dahil mapilit talaga ito. At ito na ang huling gabi namin sa resort na to, bukas kasi ng umaga ay uuwi na kami sa Maynila at para na rin pumasok sa eskwela dahil Lunes bukas.


Wala na kong nagawa kundi bumuntong hininga at maupo sa isang sulok nang ibaba nila ako sa kwarto ng mga lalaki at i-lock ang pinto.


"Bakit kasi dito tayo? Dapat dun nalang sa kwarto namin! Ang baho baho pa dito, pwede naman kayong uminom sa kwarto namin habang natutulog ako." angal ko.


Dalawang kwarto kasi ang in-accommodate namin, bukod ang babae sa mga lalaki.


Ako (Park Bom), si Sulli, si Sunny, si Soo-young at si Luna sa kabilang kwarto. 


Habang dito naman sina Jong Hoon, Dongwoo, Sungkyu, Hoya, L at si Seung Hyun.


"Wala nang sali-salita! Birthday ko ngayon kaya tagay naaaa!" sabi ni Hoya bago sabay sabay silang nagcheers.


Matapos ang ilang minuto ay wala na din akong nagawa nang salinan nila ang basong nilapag ni Soo-young sa harap ko. Nahihiya naman akong tumanggi kasi kahit papaano ay napapalapit na ko sa barkada nila.


Nakakainis! Gin pa iniinom, mahina pa naman ako sa alak. Hard pa to, huhuhu.


Nagsimula nang umikot ang bote, at akalain mong sakin pa tatapat ang mahabang leeg ng Emperador?


"Truth o Dare?" tanong sa'kin ni Sulli.


Lagi nalang akong naiipit sa ganitong sitwasyon. Kainis, kapag truth malalaman nila mga tinatago-tago ko. Kapag dare naman puro kalokohan. Ano ba? Dear Lord, alam mong wala akong tiwala sa mga kaibigan ko pagdating sa mga ganitong kalokohan.

One Shot [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon