"Seung Hyun, hanggang kelan ba tayo magtatago ng relasyon natin? Napapagod na ko, palagi nalang tayong patayo kung magkita. Kelan ba dadating ang panahon na maipagsisigawan na na'tin sa buong mundo na magkasintahan tayo?" yumuko ako, "K-kasi.."
"Bom, is this about Dara again?" kumunot ang noo niya.
"I can't help but.. Ewan! Bakit ka ba kasi pumayag na mayroong kissing scene sa music video niyo? Diba sinabi ko naman sayo na tutol ako?" sumimangot ako.
Nandito kami ngayon sa secret place na tagpuan namin, dito lang kami malayang kumilos. Dito, malaya kami sa media at mga fans namin.
Pero oras na umalis kami at lumabas sa lugar na 'to? Balik nanaman kami sa buhay singer, balik nanaman sa trabaho at media. Hindi nanaman kami pwedeng magsama, at masakit 'yon sa'kin.
"Kailangan 'yon, wag ka nang magselos. Trabaho lang 'yon, ito ang totoo." at sinakop niya ang mga labi ko.
Naipulupot ko nalang ang mga braso ko sa batok niya at binalik sa kanya ang bawat marubdob niyang halik. Isa iyong matamis at banayad na halik, punong puno iyon ng pagmamahal at halo-halong emosyon.
Matagal naming hinagkan ang labi ng isa't isa, hanggang sa kapusin kami ng hininga.
"Mahal na mahal kita. Konting tiis nalang mahal ko." sambit niya matapos ang halik na pinagsaluhan namin at hinalikan niya ang noo ko.
"Mahal na mahal din kita." kinagat ko ang ibabang labi ko, "Kaya kong hintayin ang dalawa pang taon, matapos 'yon ay maaari na tayong magsama ng malaya. Wala nang bawal bawal pa at pagtatago."
"Salamat sa pag-intindi mahal. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.
Sumandal ako sa balikat niya at sabay naming pinapanuod ang paglubog ng araw. Matatapos na ang araw na 'to, matatapos na ang limitadong oras na maaari naming ilaan sa isa't isa. Magiging abala nanaman kami sa trabaho.
"Basta mahal kita." naibulalas ko nalang at hinalikan siya sa pisngi.
*
"Mahal ko, tingnan mo. Napakarami pala nating fan video na nakapost sa youtube." nakita ko sa gilid ng mata ko ang napakalapad na ngiti ng kasintahan ko.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod, "Bagay kasi tayo mahal." hinalikan ko siya sa pisngi.
Nandito kami ngayon sa condo unit niya. Maghahating gabi na ko pumunta dito, para naman hindi ito mahalata ng mga taong nakamatyag sa bawat galaw namin. Hindi kasi kami madaling mamumukhaan sa dilim. Ngayon nalang uli kami nagsama sa loob ng ilang buwan, sabik na sabik kami sa isa't isa.
Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at humarap sa'kin, "Tama ka mahal, bagay nga tayo. Tayo ang nararapat sa isa't isa. Wala nang makakapaghiwalay pa sa'ting dalawa." hinawakan niya ang mukha ko gamit ang mga palad niya, "Akin ka lang mahal." at hinalikan niya ko ng malalim.
Bumaba ang labi niya at dumiretso sa leeg ko, hinahalikan niya 'yon ng banayad. Naghahatid naman ito ng kakaibang sensasyon sa akin.
Hinawakan ko ang likod ng batok niya at mas inilapit ang katawan niya sa'kin, hanggang sa wala nang pagitan ang mga katawan namin.
Bumaba ang halik niya sa bandang dibdib ko, gumagapang na rin ang mga kamay niya.
Naramdaman kong tinatanggal na niya ang mga butones ng damit ko habang hinahalikan ang ibabaw na parte ng katawan ko.
"Stop me." he muttered, "I can't stop."
I sighed.
"Don't hold back my love."
*
Yumakap ako ng mahigpit sa kanya, "Paano na yan mahal ko?" sumandal pa ako sa dibdib niya.
"Bakit, ano ang ikinababahala mo? May bumabagabag ba sayo?" humarap pa siya sa'kin para makita ng husto ang mukha ko.
"H'wag ka ngang umarte diyan na para bang wala kang alam sa mga pangyayari." nag-iwas ako ng tingin.
Agad namang kumilos ang kamay niya. Hinarap ang mukha ko sa kanya, "Handa akong panagutan ka. H'wag kang mag-alala."
Napaupo ako sa kama, napayakap nalang ako sa tuhod ko.
Kasalanan ko 'to. Hindi dapat ako nagpadala sa emosyon ko.
"Hindi 'yon basta basta. May trabaho tayo Seung Hyun, masisira ang pangalan natin. Sasabihin ng mga tao na isa akong disgrasyada. Kung pinigilan lang sana kita nang gabing 'yon." humagulgol ako.
Umupo na rin siya at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko, "Hindi 'yon mangyayari mahal. Dahil kusa na tayong aalis sa kompanya. Mamumuhay na tayo ng tahimik. Bibigyan natin ng payapang buhay ang batang dinadala mo. Magiging masaya tayo." ngumiti pa siya sa'kin.
"H-handa kang.. talikuran ang propesyon natin?" nauutal kong sabi.
Hinaplos niya ang pisngi ko, "Gagawin ko ang lahat para sa'yo mahal. At hindi ko 'yon gagawin ng mag-isa, dalawa tayo."
"Salamat mahal." yumakap ako ng mahigpit sa kanya,
"Mahal kita.. mahal na mahal. Ikaw lang, habambuhay."
"Mahal na mahal din kita, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko."
BINABASA MO ANG
One Shot [Completed]
Short StoryThis is a compilation of twenty (20) one shot stories whose lead characters are merely Park Bom and Choi Seung Hyun.