Forever Yours, Faithfully

945 29 5
                                    

"Ji, hindi ako pwedeng sumama sayo. Magagalit si hubby" patuloy lang sa paghatak si Ji sa pulso ko, matalik namin siyang kaibigan ng boyfriend ko— si Seung Hyun.


Tatlong taon na kaming nagli-live in ni Seung Hyun, oo madalas kaming nag-aaway.. pero nagkakabati din kami agad. 


At kahit naman kasi may mood swings yun at seloso, marunong siyang humingi ng tawad sa'kin tuwing may gagawin siyang mali. At siyempre, hubby ang tawag ko sa kanya. Iyon kasi ang call sign namin.


"Sandali lang 'to Bomtori." lumingon pa siya sa'kin at binigyan ako ng reassuring smile.


Si Ji lang ang tumatawag sa'kin ng Bomtori.


Matagal na kaming magkaibigan, not best friends though. 


Ang best friend ko ay babae, at siya si Sandara Park. At laki ng pasasalamat kong wala dito si Dara, dahil uusok ang ilong nun sa selos. Matagal na kasi itong may lihim na pagtingin kay Ji.


"S-sandali, tatawagan ko lang si hubby ko. Papaalam ako" taranta kong sabi habang dinudukot ang cellphone ko sa bulsa.


Nang mailabas ko ito ay in-speed dial ko agad ang number ni hubby my loves.


Kinuha niya ang cellphone mula sa kamay ko, "Bawal ang cellphone ngayon. Magde-date tayo." kinindatan pa niya ko bago i-end ang call.


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "O-oy! Hindi pwede Ji, alam mo namang seloso si hubby eh. Mag-aaway kami." nagpout ako sa kanya.


Pinisil niya ang pisngi ko, "Kailangan talagang magpacute?" ngumiti siya sa'kin, "Hihiramin lang naman kita ngayong araw, ibabalik din kita sa kanya. Besides, matagal mo nang pinangako sa'kin na lalabas tayo minsan. So here!" 


"B-but—" 


"No buts Bomtori." at isinakay na niya ko sa sasakyan niyang convertible.


*


Agad kong pinunch in ang code para bumukas ang pinto sa pad na pagmamay-ari namin ni Seung Hyun. Gumagamit kasi ng keyless punch code access system ang condominium na 'to. Pagka-enter ko ng code ay agad itong bumukas.


Dahan dahan pa ko sa paglakad. Dahan dahan, nang sa gayon ay hindi magising si hubby ko. Alas diyes y media na kasi sa wristwatch ko, kung bakit ganitong oras na ko nakauwi? Hinatak ako ni Ji kung saan saan, niyaya pa niya akong manuod ng paborito niyang movie na Spiderman. Kaya ayun, ginabi ako.


Nung masilip ko ang oras sa wristwatch kanina , agad na akong sumakay sa taxi. Hindi na ko nagpahatid kay Ji, ayoko na kasing madagdagan pa ang kasalanan ko kay Seung Hyun. Hindi na 'yon kaya ng konsensiya ko. Idagdag pang nilabas ko ang cellphone ko habang on the way ako dito, at nakitang mayroon akong 157 missed calls. Talagang kinabahan ako ng husto, pero napawi 'yon nang mapansin kong nakapatay ang ilaw.

One Shot [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon