Ang tagal naman nila, kanina pa ko naghihintay dito! Ang sabi pa nila, saktong alas otso y media nandito na sila! Pinagsisisihan ko talagang nagpunta ako dito nang maaga! Kainis!
Nandito ako ngayon sa meeting place na'min. Napag-usapan kasi ng tropa namin na magkakaroon kami ng outing ngayon. Pupunta kami sa isang beach, tatlong araw kaming mag-i-stay dun.
Tumitig ako sa orasan ko,
7:39
Nagpunta nga ako ng maaga, indeed.
Matapos ang mahigit sampung minuto ay gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko, may tumigil kasing tricycle malapit sa'kin.
Yes! May makakasama na ko! Hindi na ko mababagot sa pag-aantay.
"Uy!! Bommie!! Ang aga mo namang dumating." tumakbo si Fei papunta sa'kin para yakapin ako ng mahigpit.
"Kaya nga be, kaloka ka." dagdag pa ni Suzy.
Apat nalang ang kulang. Pito kasi kaming lahat na mag-a-outing. Bonding lang ng barkada, summer kasi ngayon.
"Eh kasi nakakabagot naman kasi sa bahay, wala akong gagawin dun. Kaya nagmamadali akong nagpunta dito." paliwanag ko.
Inakbayan ako ni Suzy, "Ang sabihin mo, excited kang makita si Lee Min Ho! HAHAHA! Yieeeeee!!" tinusok tusok pa niya ang tagiliran ko.
"Psh." iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Ayieeeeeeeee!" panunukso nila.
Oo, may crush ako kay Lee Min Ho.
Matagal ko na siyang pinagpapantasiyahan! Since day one, day two, day three!! And almost everyday!
Tumigil ang isang van sa tapat namin.
Niluwa nito ang tatlong pugong kabarkada namin, magkakasama sila. Sina Jaejoong, Xiumin at ang pinakamamahal kong poging poging Min Ho.
"Hey girls!" preskong bati ni Jaejoong.
"Lalabsssssss!!" tumakbo nang parang bata si Xiumin kay Suzy, "Namiss kita talaga Lalabs." niyakap niya 'to ng mahigpit.
Oo, may lovers nga sa'min. >____<
Pero mas mukha silang magnanay -.-
At kung minsan, kami pa ang nahihiyang mang-istorbo sa dalawa. Kami ang nahihiya sa PDA nila! Masyado kasi silang sweet sa isa't isa, para silang mga batang walang pakielam sa mundo kapag magkasama. Though, bago pa man mabuo ang barkada namin ay magboyfriend-girlfriend na sila. Ganyan na katagal ang relasyon nila.
BINABASA MO ANG
One Shot [Completed]
Short StoryThis is a compilation of twenty (20) one shot stories whose lead characters are merely Park Bom and Choi Seung Hyun.