Cosplayer Love

582 28 7
                                    

"Shimozuku! Mag-ayos ka na at magbihis, ikaw nalang ang inaantay ng lahat."


"O-oo, sandali." kiniss ko muna ang aso kong si Buttons bago magtungo sa dressing room. Kailangan ko na kasing mag-ayos para sa cosplay convention namin.


"Aish, Bom.. ano bang costume talaga ang susuotin mo?" bulong ko nalang sa sarili ko nang mapagtantong kanina pa ko namimili sa dalawang costume.


Eenie - Meenie - Miney - Mo!


Aha! Ito na nga lang, wala nang oras. Pareho namang bagay sa'kin eh. Maya-maya eh mahuli pa ko, sayang din at baka mabawasan ang daily wage ko dito sa pinagtratrabahuan ko.


Oo, dito may kinikita kami. Sa bawat rampa namin sa stage, may katumbas 'yong halaga. Bakit? Dahil kami ang nagpo-promote ng anime shows, sa pamamagitan ng pagportray namin sa characters. Isa ring pinagkakakitaan ko ay ang photoshoot.


Maya-maya lang ay nakarating din ako. Naging maayos ang daloy ng event. Nakarampa din ako ng maayos at nakapagphotoshoot pagkatapos.


Ang problema ng lola niyo? Ay ang nagdagsang fans na gustong magpapicture.


Isa kasi akong sikat na cosplayer, idagdag pa na matagal ko nang sideline 'to. Ang hindi nila alam, isa akong estudyante.. Isang highschool student, at ang masaklap pa dun.. pineke ko lang ang edad ko. At hindi nila 'yon pwedeng malaman dahil matatanggal ako sa trabaho ko.


"Gomenasai, gomenasai." sabi ko nalang sa napakaraming fans na gustong magpapicture. Nag-alibi nalang ako na may kailangan pa kong tapusin. 


Pagkadating ko sa dressing room ay agad kong hinubad ang costume at ang wig ko. Nagsuot ako ng isang simpleng damit.


Wala nang nakakilala sa'kin. Isa na kong ordinaryong tao sa paningin nila. Oo, walang nakakakilala ng totoong pagkatao ko dito. Kilala lang nila ako bilang Shimozuku, isang sikat na cosplayer. Hindi bilang isang ordinaryong tao.


*


"Bommie! Puyat ka nanaman."


Napalingon ako sa nagsalita. Si So Hee, ang kaibigan ko. Dalawa lang ang kaibigan ko dito sa school. At yun ay si So Hee at ang sarili ko. Bukod dun ay wala na.


"Ah eh.. oo nga." malamya kong sabi.


"Ano ba kasing sideline mo at palagi ka nalang worn out pagdating sa school? Hindi ka naman siguro nagta-trabaho sa isang bar diba?" seryoso niyang sabi.


"What the hell? Hindi ako nagta-trabaho sa isang bar. At hindi yun mangyayari." kumurap kurap pa 'ko at kinislot ang mata ko.


Nagpout si So Hee, "S-sige, nag-aalala na kasi ako sa kalusugan mo. Napakapayat mo na. Ayaw mo pang sabihin sa'kin kung anong sideline mo. Pa'no kita matutulungan niyan? P-pano kung—" 

One Shot [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon