Gagu-gago akong babae. Nagka-cut class ako, nakikipag-away ako, nagmumura ako, nagyoyosi ako, nag-iinom ako ng alak at hindi na rin mabilang ang lalaking nagdaan sa buhay ko.
OO, single ako.. Kakabreak lang kasi namin ng boyfriend ko kanina, kaya kailangan ko na ng bagong boyfriend!
Nandito kami ngayon ng tropa ko sa tambayan naming tinatawag na 'bahay kubo'. Aapat lang kaming babae dito, puro kasi mga barako natambay sa lugar na to. Punong puno dito ng usok, at halos lahat ng tao sa paligid nagyoyosi.. well obviously, kasama kami dun.
Kung sino ako? Ako si Park Bom.
17 years old, college sophomore, hotel and management student, SINGLE.
Habang sarap na sarap ako sa paghithit ng yosi ko, tinapik ako ni CL.
"TANG INA. Ano ba yun? Kitang nagyoyosi yung tao eh." inis kong sabi.
Masama kasi ang timpla ko ngayon kaya naman hindi nila ako makakausap ng matino.
"Gagu!! May gwapo, lapitan mo yun oh." ngumuso pa siya habang nakatingin sa labas ng bahay kubo, "Kasi diba naghahanap ka ng bagong jowa?" binugahan niya pa ko usok mula sa bunganga niya.
"Babanatan na ni Bom yan! HAHAHA!" kantsaw ni Seung Ri.
"Oo pre, BOM pa." dagdag pa ni Daesung.
Ngumisi ako, "TIGIL! Ayoko nga!! Tangina, chix ba siya? Siya lumapit!! Ako chix eh. Tsaka maya-maya chaka naman yan, panget pa naman taste nitong si CL."
"Tangek!! gwapo to, tingnan mo." malapad ang ngiti ni CL.
"Oo nga girl, hawt to. " sulsol naman ni Sandara.
"Lalapit din yan girl." sabi pa ni Minzy kay Sandara.
Unti-unti kong nilingon ang direksyong tinitingnan nila.
'PUTAPETE GWAPO NGA.' sabi ko nalang sa sarili.
Agad kong nilugay ang mahaba kong buhok at hinagis kung saan ang tali nito.
Ginulo ko pa ang kulay pula kong buhok at tinapon ang yosi ko.
'Watch me' I mouthed at them.
"HOY IKAW!!!" sigaw ko sa gwapong binatilyong nag-iisa sa labas ng bahay kubo.
Lumingon-lingon pa ito sa paligid niya, "A-ako ba?" sagot niya ng mapagtantong walang ibang tao sa paligid.
Napalingon pa sa'kin yung mga tambay.
BINABASA MO ANG
One Shot [Completed]
Short StoryThis is a compilation of twenty (20) one shot stories whose lead characters are merely Park Bom and Choi Seung Hyun.