Love And Hate Collides

745 32 6
                                    

"I love you." nakangiting sambit sa'kin ni Seung Hyun.


Ako nalang palagi ang trip niya. Si Seung Hyun ang kaklase kong unang araw ko palang dito ay kinukulit na ko. 


Transferee kasi ako, lumipat ako sa school nila dahil nagsara yung dating school na pinapasukan ko. 


Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya, kung bakit? Dahil sadya siyang malambing sa lahat ng babae, at ako ang pinakatrip niya.


"I hate you!" mariin kong sabi bago niligpit ang mga gamit ko at umalis sa silid.


Sumunod siya sa'kin, "Bakit ba ayaw mong maniwala na mahal kita? Di naman kita lolokohin." abot langit ang ngiti niya.


"At bakit ba ayaw mo kong tigilan? Nasusuka ako sa pinagsasasabi mo." mataray kong sabi habang nakataas ang kilay ko.


"Hahahaha! Hindi mo kailangang mahiya sa'kin, alam kong kinikilig ka."


Naha-high blood nanaman ako sa kanya. Hindi naman ako ganito talaga, composed akong babae. Pero pag siya ang kaharap ko, nawawala ang poise ko!


"Hindi ako kinikilig!" sigaw ko sa kanya.


Ramdam kong uminit ang pisngi ko, sa galit.


"Uyyy! nagba-blush. Aminin mo na kasing gusto mo rin ako. Walang ibang makakaalam."  presko niyang sabi habang hinihimas ang likod ko.


"HINDI AKO NAGBA-BLUSH!! PWEDE BANG TIGIL-TIGILAN MO NA KO!! AT WAG NA WAG MO KONG HAHAWAKAN!!" in-outstretch ko pa ang dalawa kong kamay sa gilid.


"Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!"


"Ewan ko sa inyo!!" pikon na kung pikon, pero hindi talaga ako natutuwa sa tuwing inaasar nila sa'kin si Seung Hyun.


At nagwalk-out na ko. Palagi nalang nilang napagkakamalang sweet gesture yung sagutan namin ni Seung Hyun. Iniisip tuloy nung iba na nakikipagharutan ako sa kanya, na may something sa aming dalawa. Pero hindi! Alam kong hindi. Alam kong malabo 'yon.


*


||  Hi Bom. ||


Tch! Sinisira niya lang ang umaga ko! Pinagsisisihan ko talagang binigay ko sa kanya ang numero ko! Hindi na tuloy niya ko tinigilan sa pangungulit.


Kay aga-aga tinetext niya ko. Kay aga-aga nambu-bwisit!!


Naglalakad ako ngayon papasok sa school, walking distance lang naman ang layo nito sa bahay namin.


Matapos ang ilang minuto ay napagpasyahan kong replyan siya,


|| Ano nanaman? ||

One Shot [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon