"Pwede ba? Itigil mo na nga ang kakasunod sunod sa'kin. Naaalibadbaran na ko sayo!" nangunot pa ang noo ko nang maramdaman ang yabag niya mula sa likod ko.
Lalo kong binilisan ang paglalakad para hindi niya 'ko maabutan.
"Kuya naman eh! Gusto ko lang naman makita yung bagong club na sinasabi mo." pangungulit niya.
Ang kulit niya. Ilang beses ko nang sinabing hindi pwede, nakasunod parin siya sa'kin.
Pa'no kung mapahamak siya dun? Edi nalagot na ko sa parents niya?
Responsibilidad ko yun dahil ako ang nakatatanda sa kanya. Mahigpit pa namang pinagbabawal ng parents niya na lumabas siya ng bahay kapag dis-oras na ng gabi.
"Bata ka pa masyado, hindi ka pwede dun. Mabaho dun, madaming usok tapos umiinom ng alak." patuloy parin ako sa paglalakad. At kahit pa pwede siya dun, hindi ko papayagang magpunta siya doon. Kasama man ako o hindi.
Tumakbo siya para maabutan ako, "Tapos? Gusto mo dun dahil marami kang babae dun? Balita ko madaming nagsasayaw dun."
Sinilip ko siya sa gilid ng mata ko, nakita kong nakanguso nanaman siya habang naka-cross arms.
Aish! Ang bata talaga na 'to.
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya ng nakapamulsa, "Ilang taon ka na?"
"Sixteen." ngumiti pa siya sa'kin ng malapad.
Ang kyut niya talaga. But she's too young for me.
"Nakita mo na? Menor de edad ka. Hindi ka papapasukin ng bouncer sa club." nagpatuloy uli ako sa paglalakad.
"Kuyaaaa! Madali lang naman mapeke ang edad ah? Besides dalawang taon nalang naman. Bakit, tingin mo ba hihingin pa dun ang birth certificate bago papasukin?" sumasabay parin siya sa'kin.
Napahawak nalang ako sa batok ko,
Humarap ulit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang balikat, "Listen, you're not allowed there. I'm obliged to take care of you. You are my responsibility. Ngayon, umuwi ka na sa inyo." sumeryoso na ang mukha ko.
"Pero kuya.." nakayuko siya habang nilalaro ang mga daliri niya sa paa.
"Enough Bom." at tuluyan ko na siyang tinalikuran.
*
"Bom, gumising ka na diyan." tinapik ko siya ng mahina sa pisngi.
I took a deep breath. Psh, tulog mantika parin hanggang ngayon.
"Bo—"
BINABASA MO ANG
One Shot [Completed]
Short StoryThis is a compilation of twenty (20) one shot stories whose lead characters are merely Park Bom and Choi Seung Hyun.