Unrequited Love

1.3K 32 5
                                    

Matagal ko na siyang crush. Si Seung Hyun. 


First year high school palang kami, crush na crush ko na siya. Madalas akong tuksuhin ng mga tropa ko sa kanya. Madalas akong pagtripan sa classroom dahil sa kanya. Madalas akong magkaroon ng kaaway dahil sa kanya. Madalas akong masaktan ng dahil sa kanya. Pero mas madalas, masaya ako.. dahil makita ko lang siyang masaya, okay na 'ko dun.


Apat na taon na kong umaasa. Apat na taon na kong nagpapakatanga.


Pero yung manhid na tangang 'yon, hindi parin alam ang nararamdaman ko para sa kanya. 


Oo, ginawa ko na lahat ng klase ng pagpapapansin. Pinipilit ko pa ngang ngumiti sa harap niya at tanguhan siya kahit minsan ang sakit sakit na. Nagparamdam pa nga ako eh,


Isa lang naman ang hindi ko kaya.


Ang magconfess sa harap niya, takot kasi ako sa rejection.


Natatakot akong malaman ang katotohanan na hindi naman talaga niya 'ko gusto. Na hanggang pantasiya nalang ako. HAHAHA!


Pero bago kami grumaduate.. may pinangako ako sa sarili ko.


Na kapag ngayong first year na kami at hindi parin niya 'ko niligawan, kakalimutan ko na siya. Since hindi naman nangyari ang pantasiya ko, magmo-move on na ko. Besides, kailangan ko din naman ng lalaking magpapasaya sa'kin. And I don't think he's that person.


Because it's one-sided love. 


Unrequited.


Naglalakad ako ngayon sa tahimik na hallway. Balisa. Nakita ko nanaman kasi silang magkaholding hands. Bakit ganun? Ano bang meron ang babaeng 'yon na wala ako?


"Uy!! Balisa ka nanaman. Tara, kumain muna tayo." yaya sa'kin ng kaibigan kong si Suho


"W-wala akong gana."


"I don't take no as an answer." at hinatak na niya ko papunta sa canteen.


Naupo kami sa isang table.


At tingnan mo nga naman ang pagkakataon, nasa harap na table pa namin sila. 


Sabay silang kumakain. Nananadya ba?


"Ayoko dito." tumayo na ko sa kinauupuan ko.


Hinila niya ko sa kamay at pinaupo ako ulit, "Tinutulungan lang kitang kalimutan siya." seryoso niyang sabi.


"Eh nasasaktan ako eh. Pa'no mo ko tinutulungan sa lagay na 'to?" mahina kong sabi, naninikip nanaman kasi ang dibdib ko.


"Sinasampal ko sayo ang katotohanan, na hindi kayo pwedeng dalawa. Bakit ba ayaw mo siyang kalimutan? Nandito naman ako." tinitigan niya 'ko sa mga mata.

One Shot [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon