|Haivara|
Paikot-ikot ako rito sa loob ng unit ko dahil sa kakaiba kong nararamdaman. Hindi ako mapakali at mapalagay dahil sa mga narinig kong ingay mula sa labas. May nangt-trip din na magd-doorbell at kapag titignan ko na sa screen, wala naman tao. Kanina nga ay may nagdeliver ng pizza dito, hindi ko tinanggap kasi wala akong pinaorder. Or tinawagan manlang na deliveries. Masyado akong pre-occupied sa pag iingat dahil nabalitaan ko ang malapit nilang pagbabalik. Kinakabahan ako. At the same time, natatakot.
Kahit na si Alys ang may hawak sa akin, hindi pa rin ako pwedeng mapalagay dahil any time, any where, and any moment, maaari nila akong makita. Idagdag pa na hawak ko ang USB kung saan nakacompile ang full identity ng mga high member sa Black Organization. Sigurado doble sigurado sila sa paghahanap sa akin.
|Flashback|
"A-Ate! A-Ate! Ate!" Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko sa harap ni ate habang tinitignan siya kung paano sumigaw sa sakit at latay na ginagawa ni uncle.
Patuloy sa pagsigaw si ate. Iyak na rin siya iyak. Tinignan ko ang mga kasamahan ko na parang wala lang sa kanila ang nangyayari.
"T-Tulungan n'yo si ate... ate Sophia... kuya C-Calvin please... tulungan nyo-"
"She broke the rule. We can't help her co'z we can't." walang emosyon na sagot ni ate Sophia bago tumalikod
Pilit akong kumakalas sa mga tauhan ni tito pero habang ginagawa ko ang pagtangkang pagtakas, lalong humihigpit ang kapit nila sa braso, paa at bewang ko.
"Tito please." I begged again "ATE!" halos mabaliw ako ng kumuha si tito ng bakal na binabad sa nagbabagang apoy. "TAMA NA TITO! TAMA NA PO!" patuloy kong pagsigaw
"Aaaaaaah!" pumaibabaw ang boses ni ate ng idiin ni tito ang lapad na bakal sa sugat nito. Muling pumaibabaw ang boses ni ate ng buhusan ni tito ng alcohol ang nilaparan nitong sugat.
Hindi ko kinaya ang mga nakikita ko. Tila'y nawalan na rin ako ng boses dahil siguro sa nanghihina na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napayuko nalang ako...
"Mas mahalaga pa ba si Haivara kaysa sa buhay mo?" mariin ang bawat salitang binibitawan ni tito "Kahit hindi mo siya kapatid."
Lalo akong naiyak. Siya ang dahilan. Siya ang dahilan kung bakit malayo ako sa tunay kong magulang. Nilayo niya ako sa totoo kong magulang at pinapasok sa mundong isa siya sa bumuo. Dinamay niya ang tahimik kong buhay at pinalaki sa pekeng pagkatao.
Kapatid pa man din siya ng tunay kong ina.
"Siya lang ang nagtrato sa akin na pamilya ako dito-"
"Dahil akala niya tunay ka n'yang kapatid!"
"T-That's w-why you're doing this to me. You l-love to ruin the happiness of somebody j-just to make-"
"Rest in peace" napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang huling sinabi ni tito bago ako makarinig ng pagbali ng buto.
Huli ko nalang nakita ang ulo ni ate na nakayuko at wala ng buhay.
|End of Flashback|
Pinahid ko ang luhang bumagsak sa pisngi ko. Hanggang ngayon hindi pa rin mahilom-hilom ang nakaraan. Hindi pa rin nababawasan ang pighating naramdaman ko noong namatay si ate. Masakit pa rin alahanin ang lahat. Kung maaari lang, gusto ko magkaroon ng amnesia para makalimot. Yung permenente. Walang balikan ng ala-ala. Na kahit makita mo ang isang bagay na madalas magpaalala sayo sa nakaraan, wala kang maaalala kasi permanente ang pagkabura ng ala-ala. Bakit kasi ang unfair ng mundo. Bakit may nakakalamang. Bakit may naaapakan,nang aapak, mababa, mataas, mayaman, mahirap, maganda, pangit, malakas at mahina? Bakit hindi nalang naging pantay ang lahat para walang naaabriyado?
BINABASA MO ANG
Definitely Clash (BOOK 2)
Action"I'll kill you soon even I love you." MAFIA/GANGSTERS STORY