3- Liar

10.3K 180 0
                                    


Alys

"Good morning!"

"KUYA YUAN!" Hiyaw ko nang makita ko si kuya Yuan na nakatayo sa pintuan ng silid tulugan ko. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at niyakap siya.

"Long time no see kuya! Lalo kang gumwapo sa paningin ko!"

"Long time no see rin Mira." Napangiti ako ng tawagin niya akong Mira. Mira as in Miracle. Siya lang ang tumawag sa akin Mira  ever since. He loves that name.

"Namiss kita kuya! Seryoso! Wala ka kagabi sa party!"

"May business trip last time at pagod na pagod na ako sa byahe pauwi dito kaya hindi na ako nakahabol sa hotel." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Close kami ni kuya Yuan dahil sabay kaming lumaki. Itinuturing ko siyang second brother. Pinsan ko siya, anak ni Tito Rosdrick, kapatid ni daddy.

"Malaki ka na ah, dati uhugin ka pa." Katyaw niya na sinabayan pa ng tawa.

"Kuya naman!" Hinampas ko siya ng mahina sa braso. Sinabi niyang kakain na daw kaya agad akong naligo. Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili, bumaba na ako at tumungo sa dining area. Naabutan ko roon sila kuya Ashton at kuya Yuan. May isang babae roon na hindi ko kilala, katabi siya ni kuya Ashton.

"Good morning." Bati ni kuya at inabutan ako ng pagkain.

Nagsimula na kaming kumain. Napatingin ako sa babaeng sopistikada kung manamit at pulang pula ang labi. Nagmamay ari siya ng mahabang buhok at magandang mukha.

"Wala ka bang balak ipakilala ang katabi mo kuya?" tanong ko bago ituon ang pagkain ko sa plato ko

Ramdam ko ang titig ng babae sa akin kaya sinulyapan ko siya. "Voice out your thought, lady." Walang ganang sabi ko.

"She is-"

"Speak lady." putol ko kay kuya

Tumikhim ang babaeng nakatingin sa akin. "Camila Camille Mariano. Your brother's girl."

"Pang ilan.. hmm..." sabi ko at sinulyapan si kuya Yuan na nakangiti sa akin at naiiling. Tumango ako rito at kumain na.

"Dahil narito ka na rin naman Alys, let's talk about your study. Saan ka mag aaral?" Pambasag katahimikan ni kuya. Natuon ang atensyon ko sa tanong niya kaya napaangat ako ng ulo at tumingin sa kanya tsaka sa babaeng nasa gilid niya.

"May napili na ako university na naaayon sa propesyon ko sa underworld. Bagay iyon sa akin dahil tingin ko roon ako nababagay. Patapon na rin landas ko" Nilagok ko ang isang baso ng gatas

"Hindi ka bagay-"

"Saan ako nababagay? Sa matinong eskwelahan kuya? Nang tanggapin ko ang inaalok mo at nang saktan niya ako, sira na ang buhay ko kung nakakalimutan mo kuya Ashton."

"You changed a lot." Napalingon ako kay Camila sa pagsabat niya.

"Do you know me?" walang ganang tanong ko sa kanya. Parang sinasabi niyang kilala niya ako. Ngayon ko lang siya nakita.

"Excuse me, ako pa nag aalaga sayo ng bata ka pa Alys."

"Ha! Talaga lang ha." Sabay irap ko sa kanya

"She is right, Alys."

"Kuya Yuan naman!"

Nagsalita si kuya Ashton "Hindi mo lang siya natatandan."

Definitely Clash (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon