Alys
"Utang na loob, move on na."
Akala ko magbabago na. Akala ko sa pagbalik ko nagbago na lahat. Nag expect ako na mababago na 'tong nararamdaman ko. Pero masakit man isipin...
...traffic pa rin dito sa EDSA. At kung isipin man, lalo pang lumalala ang traffic sa Manila.
Kailan ba uunlad ang Pilipinas? Kailan ba gaganda ang takbo ng mga sasakyan rito?
"Manong wala po bang ibang daan patungo sa village namin?"
Sinulyapan ako ng taxi driver "Nako iha, wala talaga. Kahit saan tayo dumaan, traffic pa rin. Galing ka bang ibang bansa? Anong lahi ka? Dayuhan ka siguro. H'wag mo nang asahan ang ganda ng trapiko dito sa 'pinas, iinit lang ulo mo kung aalahanin mo pa."
Nagtanong lang ako kung may ibang daan pa ba kung ano-ano na sinabi. Hay, Pilipino nga naman. Hindi ba pwedeng isang tanong isang sagot? Nakakadagdag lang sa polluted air ang carbon dioxide nilang mabaho.
"Ganun ho ba." Sabi ko nalang bago ikabit ang headphone sa tainga ko. Sakto naman na isa sa mga paborito ko ang tumutugtog kaya nawala kahit papaano ang atensyon ko sa traffic at ingay ng paligid.
After a long two years of waiting, nakabalik na rin ako dito. Nakawala na rin ako sa nakaraan ko. At tanggap ko na rin na tapos na talaga. Na wala na. After of crying two years, wala na akong sakit na kinikimkim. Wala na akong dapat pang iiyak. Wala na ang lahat ng sak--
Sandali akong nakaiglip mula sa pagkakasandal at nang magising ako ay malapit na sa tapat ng gate sa village.
"Excuse me sir, bawal ho rito ang massvehicles." aniya ng gwarya, siya pa rin pala ang gwaryang nakadestino sa village na 'to. At least kahit walang nagbago sa traffic, ganoon rin itong gwarya sa village.
"Ihahatid ko lang-"
"Sa bahay nila Ashton Cruz." Sabi ko. Napatingin sa akin ang guard.
"Kayo ho pala Ms. Cruz, welcome back po." Tumango at ngumiti ako sa kanya. Naalala ko noon, madalas itong bumati sa amin at may magandang pag uugali.
"Manong pumasok ka na."
Siguradong maso-surpresa sila kuya sa pagdating ko. Wala silang alam na parating na ako kaya magugulat sila lalo na si bakla. I miss that gay- Melvin. Siguradong may sabunot na naman akong matatanggap mula sa kanya.
Malalaman ko na rin ang sitwasyon ni Luke. Matagal tagal din simula ng hindi ko siya nakausap dahil sa biglaan niyang pagkawala.
Wala rin akong balita kala mommy at daddy simula nang pinutol ko ang communication ko dito sa Pilipinas matuon lang ang atensyon ko sa pag aaral at pag iinsayo sa mga labanan. Kahapon lang ako nag open ng mga accounts ko at nang mabuksan ko, emails and messages galing sa pamilya ko. Mostly galing kay mommy at daddy ang message.
"Keep the change" pagkaabot ko ng pera ay agad akong bumaba at pumasok sa gate dala ang isang maliit na maleta.
Lalo pang gumanda ang bahay. Napansin ko rin na napatitig si manong sa bahay. Mangha.
Pumasok ako sa bahay. Past six in the evening na pero walang katao-tao sa salas. Nasaan kaya ang mga tao rito? Tss. Si kuya talaga. Ayaw talaga na may tao sa salas.
Dahan-dahan akong pumasok at iniiwasan ang makagawa ng ingay nang may nagsigawan ng "Welcome Home!" napatapik pa ako sa noo ko
"I missed you baks!"
"Alyyyyys"
"Bakit hindi ka nagpasundo sa amin? At hindi mo manlang sinabi na uuwi ka pala." sabi ni mommy at sinalubong ako ng yakap at halik.
"Paano nyo nalaman na uuwi ako? Sa halip na kayo ang masorpresa, ako pa nasorpresa."
Tumawa sila sa sinabi ko at isa-isa silang lumapit para yakapin ako.
"Paano nyo nalaman?" Napanguso ako, palpak plano ko.
"Sabi ni Luke." Sagot ni Melvin
Bwisit na Luke. Paano niya nalaman? But wait! Ang gwapo ni bakla. Lalo pa siyang naging hunk and infairness, lalaking-lalaki na ang boses ng bakla kong kaibigan. May inspirasyon. Hindi na totoy si ungas!
"You savotage may plan Luke."
"Haha sorry Alys. Excited lang ako kaya sinabi ko na sa kanila para makapaghanda na. And look, may party na nag aantay sa Ashton Hotel."
"May new hotel ka kuya?" Manghang tanong ko
"Yep. Ipinatayo ko last year."
"Asinsado na talaga kuya ko."
"Mana lang talaga sa kasipagan ko." katyaw ni daddy na ikinatawa namin lahat.
Tulad ng sinabi nila kuya, may party nga na nag aantay sa akin sa bagong hotel ni kuya. Kakabukas lang nito kanina at agad na ginamit sa Welcome party ko. Sumalubong sa akin ang iba't ibang piling tao at binati ako.
Lahat sila ay nagtatalbugan sa ganda ng nga suot. Ang iba ay kayamanan ang pinag uusapan. Kung tutuusin, parang isang party 'to sa mga mayayaman. Hindi magkamayaw sa kagandahan at kakisigan ang mga taong dumalo rito. Sabi ni kuya nanggaling pa sa malalayong lugar ang iba para lang makita ako personally. Appreciated ko ito ng sobra kaya nagpasamalat rin ako personally sa kanila.
"Drink" Sabay lahad ng isang kopita ng alak sa akin ng lalaki. Malugod ko itong tinanggap at binigyan siya ng isang ngiti.
"You're Alys?"
Tumango ako.
"Finally"
"Matagal mo na ba akong hinahanap?" Tanong ko na ikinatango nito. "For what reason?"
"Walang espesyal na dahilan. Gusto lang kita makita dahil nabalitaan kong ikaw na ang magiging Mafia Boss oras na ibigay ni Ashton ang posisyon."
Napaseryoso ako sa sinabi niya. Naalala ko na naman. Mafia. May mission akong dapat tapusin. Isa na roon ang kay ate.
"So, maaring isa ka rin sa kanila?"
"We are elite, I prefer rather than call a gangster"
"Mapagkakatiwalaan ka ba?" tanong ko
"My loyalty depends on your name" Nakangising sagot niya. Napangiti ako.
"Then, be my allie" Sumilay sa labi niya ang ngisi.
Maganda na ito, para sa panahon ipapasa na sa akin ang posisyon, may karagdagan impormasyon akong makakalap. I can't stand in front of them with this powerless.
~~
BINABASA MO ANG
Definitely Clash (BOOK 2)
Akční"I'll kill you soon even I love you." MAFIA/GANGSTERS STORY