11- To kill you

4.7K 101 3
                                    

Haivara

         B-Bakit.. Bakit dito pa...

         H-Hindi.. Hindi 'to pwede... ayoko pang mamatay. Hindi nila ako pwedeng makita. Papatayin nila ako.

         "H'wag kang titiwalag sa samahan Haivara, kailangan ka namin."

         Nagtaksil ako. T-Tulong...

         "Alam mo ba ang ginagawa sa mga taong tumitiwalag sa grupo namin?" Nakatitig ako kay Mark na may hawak na baril sa kanan kamay.

         Sinulyapan ko ang lalaking nakaluhod at hindi na makilala dahil sa bugbog na ginawa ng ilang ka-myembro ko.

         "Kalunos-lunos naman ang mukha n'yan." Napatingin ako kay Sophia na kakapasok lang mula sa labas

         "Haivara, nagawa mo na ba 'yung poison?"

         I nodded my head.

         "Good. Magaling ka talaga."

         Muli kong sinulyapan si Mark, hinampas na naman niya ng baril 'yung lalaki sa sintido.

         "Magsasalita ka ba o hindi?"

         "Calm down Bro." suway ng kapatid niyang naninigarilyo sa sulok

         "How can I calm down eh kung gago 'tong kapatid ni Sophia?" sinuntok na naman niya 'yung lalaki.

         Napailing nalang ako bago mapagpasyahan lumabas ng kwartong 'yon.

         Alam ko. Alam ko ang pwedeng mangyari sa akin oras na mahuli nila ako. Papatayin nila ako.

         "HOLDAP 'TO!"

         Ayokong magaya kay ate. Ayokong sumunod sa kanya. Natatakot pa akong mamatay at may mga pangarap pa ako sa buhay. Mag-a-astronaut pa ako.

         "Shit." bulalas ni Alys

         Mula sa peripheral view ko, sinilip ko siya. Ngayon ko lang napagtanto, may mga Holdaper pala. Ganun na ba ka occupied ang utak ko ng organisasyon 'yun at ni hindi ko manlang napansin na may dalawa na palang armado na nakasakay sa mismong bus na sinasakyan namin? Malubha na 'to. Wala akong magagawa.

         Naiiyak nalang ako. Naiisip ko palang na nagiging pabigat ako kay Alys, nakokonsensya na ako. Pwedeng madamay si Alys.

         Tinignan ko ang kamay ko, nanginginig. Oras na iangat ko ang ulo ko, butas ang ulo ko ngayon. Dadanak ang dugo dito. Hindi. Wala akong dapat gawin kundi ang manatiling tahimik dito.

Alys

         Ano ba 'to, naka-carjjack na kami lahat-lahat, ni hindi manlang ako pinapansin nitong si Haivara. Tsk.

         "H'wag nyong susubukan gumalaw, mamatay kayo." sigaw na naman ng ungas na 'yun. Tsk! Tsk! Kung wala lang 'tong armas, kinarate ko na 'to eh. Bwisit kasi. Akala mo gwapo sa suot niyang shades. At akala mo,mataas ang araw kung makapagshades.

         "Ikaw, akin na pera ang gamit mo. Hoy ikaw rin tanda!" tinignan ko 'yung lalaking nasa likod habang kausap 'yung nakamask at kanina pa ubo ng ubo, 'yung matandang may parang earphone sa tenga, tsaka 'yung babaeng ngumunguya ng gum.

         "Wala akong dalang gamit. Maski pera ay naubos na kaya wala kang makukuha sa akin." sagot nung makamask na may kulay berdeng mata

         "Tsk! Lang kwenta ka! Hoy ikaw tanda ano 'yan?" tinuro naman niya 'yung nasa tenga ng matanda

         "May problema ako sa pandinig kaya kailangan ko nito para makarinig."

         "Tsk! Hoy ikaw babae, pera mo?"

         "Wala akong pera," pinaputok niya ang gum na nginunguya niya, "pwede bang lumayas ka na sa harapan ko?" Tsk! Nagagawa pa niyang magtaray. Tapang nito.

         Biglang nagkasa 'yung lalaki ng baril at nagpaputok, "Lumagar ka babae, pumapatol ako sa mga kagaya mo." tsaka siya tumalikod at iniwan 'yung babae.

         Halos mamutla ang babae dahil sa nangyari. Buti sa upuan pinaputok at hindi sa mukha niya.

         "What's your name little kiddo?" Nagulat ako ng kausapin ako ng babaeng blonde ang buhok sa harapan ko

         "Miss Ruth, take a seat properly baka kung ano gawin ng mga lalaki sayo." suway nung lalaking kasama niya

         "Oh c'mon girl, whats your name? I found that you are cute girl." Mukha yatang may sayad ang isang 'to.

         "Alys." sagot ko

         "Alys! Ah perfect name. How about her?" Nginuso niya si Haivara

         "Miss Ruth!"

         "Siya si—" napatigil ako ng hawakan ni Haivara ang kamay ko, ramdam ko pa rin ang panginginig niya. May mali. Ano ba nangyayari sa babaeng 'to... 'di kaya... "Hannah her name." sagot ko

         Imposible. Yun kaya ang dahilan kung bakit balisa siya?

         "HOY BABAE UMAYOS KA NG UPO!" Sigaw na naman nung lalaki

         "Oh sorry." tsaka siya umayos ng upo

         Pero sino? Sino sa kanila?

         Tinignan ko ang tatlo sa likod. Sino, sino sa kanila ang myembro ng Black Organization?
~~

Definitely Clash (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon