|Alys|
It's been months nung huli kong nadalaw ang opisina ng tinuring kong ama. Tanging ngiti at tango lang ang iginagawad ko sa lahat ng tao sa loob ng kompanya.
Kumusta na kaya ang pagpapatakbo nito? CH Group. Kompanyang pinaglaan ni daddy ng oras para umangat at lalong umasenso ang pamumuhay namin. CH Group. Tanging kompanyang nagpapaalala sa akin kay ate Ales.
Madalas akong dalhin dito ni ate tuwing may vacant time kami para ipasyal at bisitahin si daddy. Walang araw na hindi ni ate pinupuntahan to. Sabi niya pa, ako daw ang mamahala nito next to my daddy kasi bagay daw maging isang CEO at may ability din ako pamunuan ang lahat. Madalas din kami maglaro dito sa loob ng kompanya at siguradong hindi pa kami nakakalimutan ng mga taong nagtrabaho dito nung mga bata pa kami. Bukod sa anak kami ng CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan nila, malaki rin ang paggalang nila sa amin. Huli kong punta nung kasama ko si ate ay yung dinalhan namin ni ate si daddy ng lunch. Hindi na nasunuran yon dahil... she killed.
I miss her.
"Good morning Ms Alys" bati ng secretary bago ako pagbuksan ng pinto.
Nasa harapan ko ngayon ang lahat ng staff at holders ng company. An urgent meeting for the soon to be CEO.
They gave a little bowed and greeted me gracefully.
"How... how's the company..." looking for their names "Mr?"
"Condolence again Ms Alys Cruz. Sa totoo lang, hindi maganda ang takbo ng kompanya." sagot nito at binuksan ang folder na nasa harapan niya "Hindi maganda ang pasok ng pera ngayon nagdaang buwan dahil sa pagkawala ni Mr Cedrick Hwa. Maraming papers na hindi na approve ni Mr Hwa before he passed away."
"How about the profits?"
Someone stood up "Bumaba din. At naaapektuhan ang buong myembro ng CH Group. We need someone who can lead us to the top and manage the whole company. We need a new CH Group CEO."
"But Mr Chang, hindi na natin kailangan maghanap pa ng iba. Nasa harapan na natin ang bagong CEO." An old man pointed me.
Lahat ay nagbigay opinyon sa pahayag ng matanda.
Magagawa ko bang pamunuan ang kompanyang to? No, not me. I can't manage my time. I can't do all my jobs to this company if they all chose me as new CEO. I have loads of things to do in Villa. In underworld.
"I'm sorry ladies and gentle men, I can't lead this company. Hindi ako karapat dapat sa posisyon to..." this world wasn't fit for my world "hindi ako bagay para dito and I'm still young to manage this. Marami pa akong bagay na dapat unahin kaysa sa kompanyang to."
"But Ms-"
"No buts. Let's deal with that." Wala na silang nagawa kundi ang tumango at magreport sa akin ng mga bagay sa kompanyang to.
Last year, per month, eleven millions ang pumapasok na pera sa kompanya dahil sa galing ni daddy makipag deal at gumawa ng plano sa kabila ng pagkawala ng paningin niya. As of now, lumiit ang kita. Eleven to six millions nalang ang pasok. Almost half ang nawala dahil sa pagkawala ng CEO. And they admitted na malaking kawalan si daddy para sa kanilang lahat.
"Pero ang malaking problema Ms Cruz ay ang pagkawala ng three major stock holders ng company. Halos forty percent ang nawala sa atin dahil sa kanila. The investments are also one of our probs. Wala ng masyadong nag invest dahil kumalat ang balitang bumabagsak ang kompanyang to. How can we solve this probs if we don't have new boss like your father? We can't solve this without CEO." pahayag ng babae mula sa dulo.
Tumango ako bilang sagot. May punto siya. Sila. Paano nga ba? Investors. Stock holder. And CEO. Sabay sabay silang nawala. What happened? Bakit ganito ang nangyari?
"Investing. Profits income. Share holders. Stock holders. And next to be CEO. Maraming problema. Who's willing to be next CEO?" Alam ko, mali tong ginagawa kong pagtatanong dahil kung kani-kanino ko lang ipapasa ang posisyon CEO, pero no choice. Walang pwedeng mamahala. Walang papalit. Si kuya Ashton, walang balak saluhin ang kompanya, one hundred percent. Si Milka, bata pa siya para dito. Sila Ervin sana... pero... magiging pabigat din kanila to. I need someone who won't betrayed me.
Trusting can lead to my downfall.
Walang sumagot sa kanila. Nakatingin silang lahat sakin. Naghihintay ng pasya ko. Mukhang wala silang balak saluhin ang CEO's position. Bakit? Masisiraan ako ng bait sa kanila.
Trusted people.
"Ms Alys, excuse" nilingon ko si ateng secretary na umentrada bigla at binasag ang katahimikan sa loob ng silid na ito "may naghahanap po sa inyo. Di ko mapigilan dahil urgent daw po. She's part of the meeting daw po." Inilibot ko ang paningin ko sa buong silya sa silya, okyupado lahat kaya wala naman dapat pang inaasahang darating.
"Let her get inside." Tumango siya.
"Ma'am pwede na po"
Isang supistikadang babae ang pumasok sa kwartong kinaroroonan namin sorrounding with her guards. Not an ordinary. Iba rin ang presensya niya. I can't tell if she's enemy nor friends. Neutral feelings.
"A half of hundred millions for investment. Deal?" Nakangiti niyang turan habang sinasalungat sinasalungat ang paningin ko sa kanya. "I and my friends will replaced the Major Share holders... in one condition." She grinned at me while reaching my position "You'll gonna accept the position as CEO, Alys Cruz. Deal?"
Deal?
What should I need to do? Trust her? What if she betrayed me? Bakit ko nga ba iniisip na magtataksil siya? Wala naman dahilan para gawin niya yon. Aside from that, nag offer siyang mag invest. At malaking halaga yon. Nasa krisis ang kompanya. Di dapat ako magdalawang isip. Kung siya ang tutulong para maayos ang lahat, I'll trust her. Libo libo ang mawawalan ng trabaho kapag sinara ang kompanya. Dapat ko din sila isipin. May pamilya silang binubuhay.
"Deal"
Tinanggap ko ang kamay niya para sa shake hands. "Good. Finally, nice to meet you, Alys." I smiled too as she smiled at me. "I'm Sharon Vineyard."
~~Sharon Vineyard, who is she, what do you think reader? Friend or Foe? Tap your reaction.
BINABASA MO ANG
Definitely Clash (BOOK 2)
Aksi"I'll kill you soon even I love you." MAFIA/GANGSTERS STORY