Ellie's POV
"Apo! Kumain ka muna dito bago ka umalis ha!!" sigaw sa akin ni lola.Eto naman ako, nag-iimpake na para sa pagpunta ko sa hong kong. Di ko alam kung maeexcite o kakabahan ako.
Maeexcite kasi pupunta na akong Hong Kong,
Kakabahan kasi makikita ko na si Ethan.Teka, bat naman ako kakabahan? Hay ang gulo.
Bumaba na ako para kumain muna. Tutal, tapos naman na akong nagimpake.
"Apo kain na! Dali!" paghihikayat ni lola sa akin.
"Opo eto na nga po lola."
Nakatayo na kaming kumakain. Chos. Nakaupo pala.
Naghihintay akong magsalita si lola pero ang tagal. Kaya ako nalang.
"Lolaaaaa! Mamimiss ko po kayo ng sobra. Pinapunta ko na po yung tito ko dito para bantayan kayo. Magpakabait kayo lola ha."
"Awww. Oo naman apo. Ako din mamimiss din kita."
*dingdong*! (Oo doorbell yan. Wag kayong ano.)
"Teka lang lola ha. Titignan ko lang kung sino yun." Tumayo na ako sa kinauupuan ko para tignan kung sino yun.
"Hi Tito!" sabay beso ko sa kanya.
"Hello Ellie! Dalaga ka na ha! May boyfriend ka na?" Sa dinami dami ng itatanong, yun pa.
"Hala tito. Wala pa po! Hehehe." sabi ko.
"Ah ganun, sige pasok na tayo."
Pumasok na kami ng bahay. Dumiretso si tito sa kainan tapos ako ay dumiretso sa sala. Nilabas ko ang cellphone ko para mag-twitter.
"Oh Eduardo! Musta ka na? Ayos ka lang ba sa bahay niyo ng asawa niyo?" rinig kong sabi ni lola mula sa kainan. Teka maki-chismis muna ako >:D
"Ayos lang naman nay. Ang saya pala magka-pamilya!"
"Oo naman! Lalo na kapag buo kayo!" Mas lalo kong namimiss sina Papa at Mama. Hays.
"Teka, wala pa bang boyfriend tong si Ellie? Aba dalaga na yun ah!"
"Tsk. Meron na kaya! Minsan nga pumupunta dito. Ang gwapo nga nung boyfriend niya. Eeeeee!!"
Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Hoooo. Lumabas ako at pumunta ng terrace para magpahangin.
"HI INSAN!!" Uy si Zoey! Nice!
BINABASA MO ANG
Can This Be Love
Teen FictionSi Ellie (Sofia) at Ethan (Inigo) ay may hate sa isa't isa. Ngunit si Ellie ay may gusto sa isang lalaking di naman siya magugustuhan. Magbabago ang LAHAT. Dahil sa isang pangyayari. Abangan... PS: Si @dabc_2614 at si @Deannex2614 ay iisa. :) Ako 't...