Chapter 7- Tampo

50 1 0
                                    

Ellie's POV

Bwisit na Ethan! Dahil sakanya! Pati ako naoffice! Hay buhay parang life.

"What happened?" tanong nung nagtatanong. Alangan namang siya yung sasagot? Charot. Tanong ni dean pala.

"Uhm--" Hindi ko na napatuloy yung sasabihin ko dahil nagsalita si Ethan.

"Ellie ako na. Ako may kasalanan neto eh. Sorry." sabi ng napakaseryoso niyang mukha.  Ethan is that you?

"Ah, kasi po dean, tinawag po siya ni Miss Dela Puta. Tapos po di po siya nakasagot. So tinulungan ko po siya."

"Aaaah. Madaming tao ang ganyan. Yung tutulungan mo siyang makasagot. Tapos mapupunta sa Dean's Office.  Parang buhay. Tinulungan mo siyang magmahal. Pero nauwi sa kapapahamakan. Sayang ang tinulong mo diba? Masakit yun." sabi ni sir. Wow hugot pa more sir.

"Ser." sabi ni Ethan.

"Yes Mr. Rodriguez?"

"Broken-hearted po ba kayo ser?" What? Sabay palo ko kay Ethan sa braso. Napatingin naman siya.

"Ah, Ha-ha-ha-ha! Pwede na rin kasi iniwan ako eh. Magbabakasyon daw tapos di na bumalik."

"Ay! Pwede na kayong umalis. Napasaya niyo 'ko. Ang saya niyong magkwento! Sige. Magvacant na kayo." dagdag pa ni dean.

"Thank you ser."

"Thank you sir."

----------------

Okay. Vacant Time. Ang boring. At kasama ko pa tong si Ethan. Nakakainis.

"Pupunta na ako ng classroom. Ayaw kong may mamiss na lesson." sabi ko sakanya ng padabog at umalis na.

"Ellie."

"Oh?"

"Sorry ulit kanina."

Sineen ko siya. Hahahaha. Pumunta na ako ng classroom.

"Oh! There you are nerd!" salubong ng mga babae sa akin. Di niyo bagay magenglish alam niyo yon?

"Ah, sige pasok na ako sa--" Papasok na sana ako ng clasaroom nang hinawakan nila braso ko para pabalikin.

"Lunch na. Wala ka bang orasan? Aww, poor kid pala 'to eh." sabay tawa nila.

"Hindi ko lang namalayan. Sorry." Papasok na sana ulit ako nang kinuha na naman nila braso ko.

"Tandaan mo 'to ha. Akin lang si Ethan! Akin siya! Kaya lumayo ka sakanya!" At tinulak nila ako... Pero buti nalang may nakasalo sa akin sa likod.

Pagkatingin ko, si Ethan... Wait, Ethan?!

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin at pinatayo na niya ako.

"Ah, oo okay lang ako."

"Girls! What are you doing! Alam niyo, hindi niyo na kailangang sabihin yan kay Ellie. 'Cause she's my girlfriend! So back off!" sabi niya!? What?! Girlfriend?! Eh suot ko pa rin yung bracelet!

Hinawakan na niya ang kamay ko at umalis na kami. Nagpunta kami sa empty table sa may lunch area namin.

"Anong gusto mo?" pakunot-noo niyang sinabi sa akin.

"Porkchop meal nalang. Eto bayad." sabay bigay ko sakanya ng pera.

"Ako na manlilibre sayo." sabay umalis na siya. Di na ako naginarte. Sayang naman.

Bakit ba siya nagkagusto sa akin? Parang biglaan kaya. Di kayaaa, may kailangan 'to? O baka, nanloloko? Hindi, joke lang.

"Eto na pagkain natin." dumating na pala siya.

Can This Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon