Ellie's POV
WHAT?!
"Hi Ellie, I'm Ethan Rodriguez. Your boyfriend." Si Ethan ngaaaa!
"Ugh! Lola bakit po siya? Huhuhu. Ayoko po! At ikaw Ethan, bumalik ka pa ha?!"
"Yup. Ako ang nagrequest sa lola mo. Kaya kung maiinis ka sa lola mo, sa akin nalang. Pero hindi ako titigil kakalapit sayo." Sabay smile niya. Ang cool naman ng dating niya. Parang nagka amnesia ha.
"Ugh!" Sabay takbo sa kwarto ko at nilock ko.
Nakakainis. Agsjslduahsusbak!!!!!
*knock knock*
"Ayoko sabi!!"
*knock knock*
"Ayoko ngaaaa!!!"
*knock knock*
"Di ka titigil?!"
At biglang di na siya kumatok. Yes. Katahimikan.
*knock knock*
Tumayo na ako sa higaan ko. Nakakairita na kasi. Padabog kong binukasan ang pinto.
"Bakit ba?!"
"May sasabihin lang naman ako sayo."
"Ano ba yun? Bilisan mo na!"
"Eto oh. Bracelet. Bigay ko sayo. Kapag sinusuot mo pa rin yan, hindi ka pa rin payag sa akin. Pero kapag nakita kong hindi mo na suot 'to, ibig sabihin, tayo na!" sabay taas ng kamay niya.
Padabog kong sinara ang pinto.
*knock knock*
Binuksan ko ang pinto at kinuha ko ang bracelet ng mabilis at walang sabi-sabi.
"I hate you. Tignan natin ha. Forever ko 'tong susuotin." bulong ko sa sarili ko at sinuot ko na ang bracelet.
---------------
"Date tayo Ellie. :) See you sa "ABCD Restaurant. Dinalhan kita ng dress. Tignan mo nalang sa bahay mo. ;)" text sa akin ni Ethan. Pano niya nakuha # ko?"
"Paano mo nakuha number ko ha?!" text ko sakanya.
After 1min...
"Secret na po yon boss. :) Basta yung date mamaya ah. :)" reply niya.
"Uyyyyyy!! Si Ellie may date ni Ethan!!! Tandaan mo yung dare ko sayo ah!!" Kate?
"Oo alam ko. Tsaka, wag kang maingay!! Secreto lang 'to diba?! Bawal muna malaman ng mga estudyante." bulong ko kay Kate.
"Okay. Wait, anong suot mo? bigyan kita ng dress sa bahay! Bigyan rin kita ng kwintas pati shoes mo. Dapa--"
"Chill. May dress na binigay sa akin si Ethan. Yun daw isuot ko."
"Uyyyy! Ang sweet! Sana ganyan din lovelife ko 'no? May date kami tapos siya na ang bahala sa susuotin ko! Infairness! Haba ng hair mo!" sabay hawak niya ng buhok ko.
"Wait." sabi ko
"Oh bakit?"
"Baka naman, bakla yun?"
"Ha?! Baliw ka! Gentleman tawag nun! Palibhasa, wala pang BOYFRIEND!" Inemphasize niya talaga ang boyfriend ha.
"Palibhasa, hindi pa nagkakaregla!" pambawi ko sakanya. Hahahaha.
"Fudge."
"Anong fudge? Chocolate?"
"Baliw!!" sabay tawa na namin. Buti hindi 'to pikon. Haha.
------------------
"Ano ba 'to, ang baduy ng binigay niya! Di ko bagay mga ganito eh. Ibahin ko nalang suot ko." sabi ko sa sarili ko.
Plain white t-shirt, shorts, and my glasses!!! Siyempre isusuot ko yung bracelet 'no. Hindi pa rin ako payag sa kanya.
*knock knock*
"Sino po? Wait lang po!" habang inaayos ko ang sarili ko.
Nang binuksan ko ang pinto...
Ethan's POV
Kahit na hindi niya sinuot yung dress, ang ganda niya.
-----------------
Twitter: @Deannex26
:)
BINABASA MO ANG
Can This Be Love
Novela JuvenilSi Ellie (Sofia) at Ethan (Inigo) ay may hate sa isa't isa. Ngunit si Ellie ay may gusto sa isang lalaking di naman siya magugustuhan. Magbabago ang LAHAT. Dahil sa isang pangyayari. Abangan... PS: Si @dabc_2614 at si @Deannex2614 ay iisa. :) Ako 't...