Chapter 16- Welcome to Hong kong

66 0 0
                                    

Ellie'sPOV

"1...2...3! Smile!" Nagsmile naman ako.

Nandito kami sa isang park na ang pangalan ay Hong Kong Park. Hehehe

"Oh ikaw naman bilis!" sabi ko kay Zoey.

"1...2...3... Smile! Yan!"

Pagkatapos naming magpictorial, naglakad lakad muna kami.

"Saan tayo next?" tanong ni Kurt.

"Bar!" sabi ni Zoey.

"Bar? Hapon palang bar agad!" sabi ko. Grabe naman kasi eh.

"Sus, ang sabihin mo lang, di ka umiinom." sabay tawa nila. Pero, may point sila. Hehe.

"Che! Sa hotel kaya muna tayo? Pahinga rin tayo ano po?"

"Kain kaya muna tayo ano po?" Kurt.
-------

Nandito kami ngayon sa isang restaurant para kumain. Kakasabi lang diba?

"Ano ba naman dito, may pagkaing matamis na mapait. Tapos meron pang maasim na maalat. Restaurant ba talaga to?" sabi ni Kurt nung tinikman niya ang pagkain ko at pagkain ni Zoey.

"Gago ka din eh 'no. Ganito talaga sa hong kong. Wala ka nang magagawa." sabi ni Zoey.

"May knock knock ako." natutuwang sabi ni Kurt.

"Tara uwi na tayo." pagkukunwaring sabi ko kay Zoey at kunwari ding tatayo kami.

"Hoy! Huwag niyo kong iwan! Sus, yaan mo na Kurt. Sanay ka nang maiwanan eh." rinig namin na sabi ni Kurt. Aba nagdrama pa.

"Joke lang naman Kurt. Hahaha. Osige, ano ba yung knock knock mo?" sabi ni Zoey.

"Sus, pag nabigay ko na yung joke ko iiwanan niyo ulit ako eh. Parang sa pag-ibig, pagkatapos mong ibigay lahat, iiwanan ka lang din pagkatapos." Humuhugot ba tong lalaking to?

"Alam mo masyado kang madrama. Ano na ba kasi yang knock knock mo?" sabi ko.

"Tss. Sige na nga. Knockknock."

"Who's there?"

"Two months"

"Two months who?"

"Ehem ehem. Two months love will kill youuuu!"

KATAHIMIKAN

KATAHIMIKAN

KATAHIMIKAN

"Alam kong waley oo alam ko. Tara punta na tayong hotel." sabi ni Kurt sabay hila saming dalawa ni Zoey. Hahahaha!

--------

Nandito na kami ngayon sa hotel. Si Zoey naglalaptop, si Kurt nagkakamot ng pwet, siyempre joke lang. Si Kurt naglalaro ng Neuronation, at ako? Wala. Nakahiga sa kama ko at nakatingin lang sa kisame.

Pero, ano na kayang ganap kay Ethan ngayon? May babae na kaya siya? ULUL Ellie. Wag ka ngang magisip ng ganyan. Be positive. Pero paano nga kung nakahanap na siya ng iba? URGH!

"Hoy Ellie." sabi sa akin ni Kurt.

"Ano?"

"Nabasa mo yung relationship status ni Ethan sa Facebook?" WHAT?!

"Hindi! Saan ba?!"

"Tss. Relax lang Ellie. Hahahaha!" Pinakita niya sa akin yung nasa cellphone niya.

Ethan Rodriguez - is feeling sad :(

IT'S COMPLICATED

IT'S COMPLICATED?
----------
"Woooh! Tagay pa guys! Party party!!!" sabi ni Zoey. Alam niyo na kung saan kami. Bar. Tss.

"Ano Ellie? Di ka talaga iinom? Wooooh!" Lasing na tong si Kurt at Zoey. Jusko paano ko sila iuuwi?

Nandito ako nakaupo. Umiinom. Umiinom ng tubig. Hehehe.

"Woooooh! Party party!"

"Sayaw pa more! Woooh!"

Nakakarindi sa tenga mga tugtog at yung mga sigaw grabe. Parang gusto ko ng umuwi kaso nga lang di ko alam kung saan yung pauwi. Hays. Maka-cr nga muna.

"Guys cr muna ako ah." Paalam ko kina Zoey at Kurt na nagsasayawan ng magkadikit. Pwe.

"Wala kaming pake!! Woooh!" Natawa nalang ako sa sinabi ni Kurt. Alam kong lasing na siya kaya siya napasabi ng ganun. Hahaha.

Habang papunta akong cr, may kumuha ng kamay ko at hinila ako.

"Ano ba?! Bitawan mo ako!" sigaw ko sa lalaki. Ay shet. Hong kong pala to. Di sila makaintindi ng tagalog.

Agad niya kong hinalikan sa leeg ko. SH*T NAMAAAAAN!

"TULOOONG! HELP HELP!"

Nakita ko nalang na may lalaki na binibitawan ang "rapist" at sinusuntok na niya.

Pagkatapos niya sumuntok bigla agad tumakbo ang "rapist" papalabas ng bar.

"Sa susunod kasi, mag-ingat ka Ellie! Di ka kasi nag-iingat eh!!"

Nung medyo nawala na ang pagkahilo ko, narealize ko na kung sino ang sumuntok sa "rapist" na yon.

"ETHAN?!"
-----------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can This Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon