Chapter 6- Ay Lagot.

57 2 0
                                    

Ellie's POV

"Apo!!" Tawag sa akin ni lola mula sa baba. Btw, good morning world! May pasok na naman!! Sigla ko 'no? Wala eh. Ang ganda ng panaginip ko eh. Pero bawal ko sabihin. Baka hindi matuloy.

"Apo!!" tawag ulit sa akin ni lola mula sa baba.

"Bakit po?"

"May sundo ka!"

"Po?!"

"Si Ethan! Nandito! Pakibilis!"

WHAT?!

Dali dali akong bumaba sa hagdanan. Sumilip ako sa sala. Nandoon nga siya!! Tumakbo na ako papuntang CR para maligo para hindi ako makita ni Ethan ng ganito. Nakakahiya.

"Wow! Ang ganda naman ni Ellie! Bagong gising! Bruha at hindi pa naliligo! Nakakainlove!" sabi ni Ethan ng pa-cool.

Nahuli yata ako.

"Maliligo na nga eh! Che!" sabi ko sakanya ng hindi lumilingon.

After kong naligo, nakita ko si Ethan na kumakain sa table namin.... Wait, kumakain?!

Tumakbo na ako ng kwarto ko para magbihis na. After kong nagbihis, pumunta na ako ng table.

"Bakit ka ba kasi nandito?!" sabi ko sakanya ng nakapamewang.

"Para sunduin ka!"

"Kaya ko na! Lalakarin ko lang naman yung school eh!"

"Baka mapagod ka." tamlay niyang sinabi sa akin. Wow ha.

"Sanay na ako Ethan. Kaya ko na 'to!"

"Apo, sige na. Pumayag ka na." singit ni lola.

"Tss. Sige na nga ETHAN."

"Talaga?! Thanks!"

-------

Nasa loob ng school na kami ngayon ni Ethan. Pero joke lang. Magpapark palang kami.

"Baba na tayo." Umikot siya sa kotse at pumunta sa pintuan ko para buksan ang pinto ko.

Habang naglalakad kami, hinawakan niya ang kamay ko. What the. Baka may makahuli sa amin.

"Uy may boyfriend na si Ellie?"

"OMG! Inagaw niya ang Ethan baby ko!"

"Buti pa sila! Huhuhu."

"Boom panes."

May nagbu-bulong na tungkol sa amin. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa kamay niya pero hinigpitan pa niya.

"Hayaan mo nalang mga yan. Nandito ako para sayo." sabi ni Ethan.

"Nakakainis!!!!"

"Huhuhuhu! Akin lang si Ethan!"

"Walang hiya! Malanding Nerd!"

"Boom panes"

Binitawan na ni Ethan ang kamay ko. Sa wakas. Pero... pumunta siya sa gitna ng campus. WHAT?!

"Uhm, mga students. Ipapaalam ko lang sainyo ha. Hindi malandi si Ellie ha. Naghawak kamay lang kami dahil......"

"Tara na Ethan!" sigaw ko nalang sakanya at hinawakan ko ang kamay niya para hatakin siya.

Ethan's POV

Shet! Hinawakan niya kamay ko nang walang paalam!! Huhuhuhu. Nakakakilig!!! Grabe! Wooh!

Habang papalayo na kami, pinakawalan na ni Ellie ang kamay ko. Sayang. Ellie isa pa please.

Ellie's POV

"Bakit ba ganyan ka makatingin?! Nakakairita!" sigaw ko sakanya.

"Eh kasi kinilig ako dun sa ginawa mo."

"Huh? Anong ginawa?"

"Yung hinawakan mo kamay ko! Yieee!" sabay kilig niya. Parang tanga.

"Duh. Di ko yun sinasadya. Alangan namang hahawakan ko paa mo para hatakin ka!"

"Pwede naman yung ruler ko. Ay wag masakit."

"Ha? Anong ruler?"

"Uhmm, ah ano, yung ruler ko sa bag ko. Hehe.'' sabay tawa niya.

"Good. Sige pasok na ako." pagbibigay- alam ko sakanya.

"Sabay na tayo Ellie."

"Kaya ko na."

"Hi guys!"

Leo?!

Ethan's POV

Putakte naman oh! Daot ng moment! Kainis.

"Oh Leo, bakit ka nandito?" sabi ni Ellie.

"Sa pagkaka-alam ko, may klase ako. At sabay pa. Oh! Kasabay ko rin pala si Ethan! Nice brad!"

Huwag mo 'kong bina-brad brad di tayo close. -.-

"Haha. Oo naman! Ganda nga eh!" sabi ko sakanya. Siyempre kunwari masaya. Pero deep inside sasabog na ako.

"Uhm, guys late na ako, ay este. Tayo pala. Haha!" sabay tawa ni Ellie. Huhuhu ang cute niya kapag tumatawa!

Pagkapasok naming TATLO sa classroom, wala pa si prof at ang gulo gulo lahat!

Umupo na kaming tatlo sa upuan namin at saktong dumating si prof.

"Good Morning prof Dela Puta!" sabay upo namin.

"Okay. Class! We have another lesson. So please listen." Grabe lesson agad prof.

"Okay. What is an Eklavush Ekla? (A/N: May ganito po ba? Hahaha.) Tessie?" sabay tayo ni Tessie, ang pinakamakapal ang makeup. Clown nga tawag ko diyan eh. Uhm, matalino siya. Pero wala pa ring makakatalo kay Ellie.

" Eklavush Ekla is a tiny bacteria in our body. " (A/N: Ano daw? Hahaha.)

"Very good Tessie. Now, what is an ikik valush? Ellie?"

Hala tinawag si Ellie.

"Uhm, ano po, Pakiulit po question. Hihi."

"What is an Ikik Valush! Are you listening or not?!"

"Uhm, listening po ma'am. Ay--. Uhm, ano po."

"Ikik Valush is a visible bacteria in our body kamo. Bilis!" bulong ko sakanya. Sana di ako mahuli ni--

"Ethan! Ellie! Go to the office! Now! Kala niyo na di ko nakita ha!"

Halata namang gulat na gulat si Ellie. Patay.

------------------
Hiiii! Hahahaha. Vote, comment, share naman diyan! Hahaha

Twitter: @Deannex26



Can This Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon