Ellie's POV
Nandito na pala siya. Hay nako. Nagbago na isip ko. Charot. Sayang outfit ko.
"Oh, ready ka na pala eh. Tara na!" utos ni Ethan.
"Sandali, pwede? Magaayos muna ako."
"Kahit hindi ka mag-ayos, kahit hindi mo sinuot yung dress, maganda ka na."
At boom. Sabog katahimikan. AWKWARD. Ang nakakainis, nag eye to eye kami. Aray. Nagka sore eyes na yata to. Charot.
"Corny mo." sabi ko nalang.
"It's not a joke."
"Sige na sige na. Tara na."
-------------------
ABCD Restaurant...."Suot mo pa rin yang bracelet.'' sabi niya.
"Di halata." sarcastic kong sabi.
"Hehe." sabay tawa niya ng mahina. Baliw ba 'to?
"Nga pala. Bakit hindi mo sinuot yung dress?" dugtong niya.
"Ang baduy. Di ko bagay."
"Ay. Sayang yung 5000 ko."
"5000?!?!"
"Oo. 5000 effort."
"Akala ko pa naman pera mo."
"Wala naman akong sinabing "5000 pesos." eh."
"K."
"Hehe joke lang. Kaw naman."
Spell BALIW? E-T-H-A-N.
"Bakit ayaw mo sa akin?" tanong niya. Seryoso na.
"Kasi--. Basta! Ayoko pa."
"Oks."
Wait. Parang kilala ko yung pumasok.
"Leo!" tumingin siya. Siya nga si Leo.
"Uy Ellie! Musta na? Tsakaaa, Ethan isdatchu?" At tinuro niya si Ethan.
"Yes Leo. Ako 'to. Ang boyfriend ni Ellie."
"Uhm! Hindi hindi! Hindi ko pa siya pinapayagan." Sabay smile ko.
"Soooo, LIGAW ba?"
"Parang ganon na nga." Sabi ni Ethan. Hinayaan ko nalang.
"Okaaaay." sabay tango ni Leo.
Nung umalis na si Leo, binulungan ko si Ethan.
"Ikaw, ang pakialamero mo."
"May pakialam ako kasi boyfriend mo ako." sabay smile niya.
"Hindi pa ngaa!"
"Pa?" sabay smile niya ulit ng pakilig. Naiinis na ako ah.
"Ugh! Hindi nga!" sabay palo ko ng table ng malakas.
Napatingin tuloy mga tao pati na rin si Leo na magisa lang. Hahahaha. Nakakahiya.
"Ayan tuloy. Napatingin yung mga tao sayo."
"Edi sorry." sabi ko.
"Ellie."
"Ano na naman?"
"Pwede ba kitang matawag na babe?"
KATAHIMIKAN........
"Kadiri. Hindi tayo Ethan ha. Tandaan mo yan." sabay turo ko sakanya.
"Pero malapit na." sabay ngisi niya.
"Nah. Di yan mangyayari."
"Paano mo naman nasabi.... BABE?"
"Huwag mo nga akong tawagin na babe! Kadiri!"
"Talaga babe?"
"Isa pa ha!"
"Babeeee!!!!"
"Bwisit ka."
"Babe Ellie!!!"
Tumayo na ako sa upuan ko. Aalis na sana ako nang hawakan ni Ethan ang kamay ko.
"Uy wag! Hahahaha. Joke lang Ellie. Upo ka na!"
Nakita niya yata na hawak niya ang kamay ko at nagulat ako.
"Kilig ka naman?" sabay ngisi niya. Yuck manyak.
"Di ako kinikilig. Bitawin mo na nga tong kamay ko."
At binitawan na niya. Sa wakas. Pero bakit niya pinunas sa pantalon niya? Pu--
"Bakit mo pinunas yung kamay mo sa pants mo ha?! For your information, malinis tong kamay ko!"
"Nadumihan lang nung hinawakan mo." bulong ko sa sarili ko.
"Ikaw naman! Kasi napawisan tong kamay ko. Kasi ang hot ng kamay mo. Ang sexy." sabi niya. Manyakis. -.-
"Manyak!"
----------------------
"Salamat nga pala sa paghahatid sa apo ko Ethan ha. Da best ka talaga!" sabi ni lola chosera. Charot. I love you lola.
"Walang anuman po. Basta po apo niyo." At kumindat sa akin.
"Uyyyy si apo ko kinikilig!!!" Makatulak si lola!
"Hahahaha. Sige po. Mauuna na po ako. Good Night po! Good Night Ellie." sabay smile niya sa akin.
Nung papalayo na si Ethan, nagsalita na naman si lola. Hay.
"Alam mo apo, bagay kayo. Yieeee!!"
"Si lola feeling teneyger! Lola ha."
"Hehehe. Sorry apo. Basta bagay kayo." At pumasok na sa loob si lola. Aba iniwan ako sa labas. Pero siyempre papasok na ako 'no. Alangan namang maghihimatok ako dito sa dilim ng gabi.
Nung pumasok na ako sa bahay, siyempre naghilamos na ako. Sabay toothbrush. Pagkatapos, nagbihis na ako ng pantulog.
Nung humiga na ako, papapikit na sana ako nang may nagtext sa cellphone ko.
"Good Night Ellie. I love you."
-Ethan
":)"
Yan lang ang reply ko sakanya. Inaantok na ako eh.
Tumunog na naman yung cellphone
"Yieeee nagreply siya!!!! Wala bang sagot sa i love you?"
-Ethan
"Bakit, tanong ba yun?" reply ko sakanya.
---------------
Twitter:@Deannex26
BINABASA MO ANG
Can This Be Love
Teen FictionSi Ellie (Sofia) at Ethan (Inigo) ay may hate sa isa't isa. Ngunit si Ellie ay may gusto sa isang lalaking di naman siya magugustuhan. Magbabago ang LAHAT. Dahil sa isang pangyayari. Abangan... PS: Si @dabc_2614 at si @Deannex2614 ay iisa. :) Ako 't...