Chapter 12- To The Rescue

133 2 0
                                    

General's POV

"Sige."
------

"Sige matutulog na ako." sabi ni Ellie sa sarili niya at natulog na sa sofa.

Zzzzzz...

-------------
Ethan's POV

Good Morning. Teka, bakit may babae dito sa sofa? Sino ba 'to? Sakit ng batok ko di ako makalingon sa kanya. Ngunit nabigla ako nung bigla siyang nagising.

"Ellie?" gulat kong sabi.

"Ay sorry Ethan ah. Nakatulog kasi ako eh.'' sabi niya habang nagkakamot ng mata.

"No, it's okay. Teka, bakit ibang bahay 'to?"

"Ah, ano, ah, sabi kasi nila dalhin ka na dito sa bahay ko eh. So, yun."

"So bahay mo ito?"

"Oo. Teka gusto mo ng breakfast? Ipagluluto nalang kit--"

"Hindi. Bibili nalang ako sa labas ng almusal natin. Sobra na yung pag-aalaga mo sa akin kagabi eh, siguro."

"Sure ka?"

"Oo promise. Sige bili na ko ng almusal natin ah?"

"Hindi na!!! Ipagluluto ko nalang kayo mga apo!" Lola???

-----------------

"Sarap naman po! Hahaha." sabi ko habang puno yung bibig ko.

"Oo naman! Siyempre luto ko eh!" sabay tawa namin.

"Oh, baka malate kayo sa school niy--" dagdag ni lola pero naputol nang magsalita si Ellie.

"Lola, bakasyon na po namin."

"Ay oo nga pala apo 'no?"

"Opo lola."

"Ah. Hehehe." sabay tawa ni lola.

"Labas po kaya tayo lola?" sabi ko.

"Ay di na--" naputol na naman ang sasabihin ni Ellie.

"Ay sige! Namiss ko na rin ang mag-mall eh!" masayang sabi ni lola.

--------------

"Dahan dahan po 'la" sabi ko kay Lola habang bumababa siya ng sasakyan.

"Yehey!! Namiss ko 'to!!" patalon na sabi ni lola. Malakas pa pala ito si lola eh.

Ellie's POV

Hays, bakit pa kasi pumayag si lola na magmall kami. Gusto ko na agad umuwi!! Huhuhu.

"Huy gusto mo ng fries?" tanong sa akin ni Ethan.

"Nakakagulat ka naman. Hindi wag na. Si lola nala--"

"Bawal daw siya sa mga maaalat. Sarili mong lola di mo alam ang bawal." sabay talikod na niya. Pinapahiya ba ako neto?!

"Edi ikaw na apo." bulong ko.

"Edi ako na nga." sabat niya. Narinig ba niya?

----------------

"Apo may zumba doon oh! Tara zumba tayo mga apo!" sabi ni lola habang tinuturo yung mga nagzu-zumba.

"Wag na po la. Baka mapagod pa kayo." paumanhin ko kay lola.

"Eto naman si Ellie. Pagbigyan mo na lola mo." sabat na naman netong si Ethan. Kainis!

"Sige ikaw sisisihin ko pag yang si lola di na makahinga. Alam mo namang bawal siyang mapagod." sabat ko rin sa kanya. Ha.

"Bait daw na apo ah." sabi nanaman netong si Ethan.

Can This Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon