"Grace..." lumingon ako sa likuran ko at nakita kita. Yumuko ako nang bahagya dahil ayaw kong makita mo na tumutulo na naman ang mga luha ko.
Unti-unti kang lumapit sa akin. Walang lumalabas na salita mula sa'yo. Tahimik ka lang habang pinaglalaruan ang mga daliri mo.
"Sorry...." bulong mo sabay hawak sa kamay ko, sa kamay kong kanina pa nangangatog simula noong nakita kita.
Dali-dali na namang nagtakbuhan pababa ang mga luha ko dahil sa sinabi mo.
"Sorry, Grace..." iniangat mo ang mukha ko at hinalikan mo ako sa noo. Pagkatapos ay niyakap mo ako... mahigpit, pahigpit nang pahigpit hanggang sa.... nawala ka na.
_____Bzzzzt. Bzzzzt. Bzzzzt.
3 Unread Messages.
Maaga akong nagising ngayon dahil hindi ko na-silent ang phone ko. Huminga ako nang malalim bago ko pinunasan ang mga luha na nasa mata ko.
Napanaginipan ko na naman siya. Bulong ng utak ko.
Tumayo na agad ako bago pa ako muling balutin ng mga alaala ng nakaraan. Kapag nagkataon, masasayang na naman ang mga luha ko.
Dumiretso na agad ako sa kitchen para maghanda ng makakain ko.
Magdadalawang linggo na rin simula nu'ng lumipat ako dito sa condo. Sabi ko kasi kay mommy na gusto kong matuto mag-isa kaya ipinagamit niya sa akin 'yung condo niya. Ang buong akala ko, hihiramin ko lang 'to pero nagulat ako nu'ng sinabi niyang sa 'kin na raw 'to. Masarap lang sa feeling na pwede ka nang magsarili, at isipin na malaki ka na.Kinuha ko ang phone ko bago ko inihain ang pagkain sa mesa. Malungkot din mag-isa pero wala naman akong magagawa dahil pinili ko 'to.
Pagkatapos maligo, lumabas na rin ako sa cr at nagbihis. Napansin kong magulo ang mga damit na nasa cabinet kaya napailing ako. Akmang isasara ko na ang pintuan ng cabinet nang may mapansin ako sa kasuluksulukan nito. Isang sweater. Agad ko namang kinuha 'yun.
Tinitigan ko lang ang sweater. Muling bumalik ang nakaraan... Pumatak ang luha sa kaliwang mata ko pati na rin ang sa kanan. Naalala na naman kita.
Kring Kring Kring
Nagising ang diwa ko dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko. Mabilis naman akong nagpakawala ng hininga bago ko muling inilagay sa kaloob-looban ang sweater na hawak ko.
Kristofer
Calling...Agad kong sinagot ang tawag at pinakinggan si Kris na nasa kabilang linya.
("Hey") bungad niya nang sagutin ko ang tawag.
"Kris..."
("Nakauwi ka na pala galing Canada, hindi ka man lang nagsabi sa 'kin.") malungkot ang tono niya kaya parang may kurot akong naramdaman sa puso ko.
"Yeah, sorry hindi ko nabanggit sa'yo. Almost 2 weeks na rin. Napatawag ka?"
("Ah. Nabanggit nga ni tita. Uhm, gusto lang kitang kamustahin. Okay ka lang ba?") Lalong lumungkot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Palagi na lang nag-cacare si Kris sa akin. Samantalang ako, iniiwasan siya palagi.
"Okay naman ako Kris, kung gusto mo pwede tayong mag-dinner." Alam kong malungkot siya at na-disappoint dahil hindi ko nabanggit ang pagbalik ko dito sa Pilipinas.
("Y-yeah, sure! Mamaya?") Mabilis niyang sagot na tila na-eexcite. Agad naman akong natawa dahil sa reaction niya.
"I mean, this week? May lakad kasi ako ngayon, Kris."
("Ah, this week. Okay pa rin. Text mo lang ako kung kailan ka free.") Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita.
"Sige Kris, paalis na rin ako. Bye"
![](https://img.wattpad.com/cover/38400371-288-k619993.jpg)