Chapter 5

12 0 0
                                        

Bakit kaya ganu'n? May isang taong mahal na mahal ka pero hindi mo naman mahal. Mahal mo pero hindi ka naman mahal. At mahal niyo ang isa't-isa pero iniwanan ka naman. Parang ang daya lang. Nakakagago.

4 days na rin kaming hindi nagkita ni Kris 'pagtapos nu'ng sa tagaytay. Ewan ko nga du'n eh, biglang hindi na nagparamdam. Eh samantalang nitong isang linggo eh, napupuno ang inbox ko ng mga messages niya tapos biglang wala na. Walang email, walang text or call. Basta biglang wala. Nag-aalala na nga ako eh, baka mamaya kung ano nang nangyari du'n.

Baka kasi iniisip niya pa rin na nagalit ako. Hindi naman talaga ako nagalit sa kanya eh. Sa sarili ko ako naiinis! Kasi feeling ko kapag sumasama ako sa kanya, pinapaasa ko siya. Masakit kayang makita na 'yung taong mahal mo, eh may mahal na iba. 'Yung para bang oo nakakasama mo nga siya pero iba naman ang laman ng puso niya. Ganyan kasi naiisip ko 'pag kasama ko siya. Nararamdaman ko 'yung sakit na nararamdaman niya sa kabila ng pagmamahal niya sa akin, habang ako, walang nararamdaman para sa kaniya. Pero sabi niya nga, 'wag ko raw siyang pigilan na mahalin ako. Nahihirapang mag-work ang puso ko! Hay ewan, magulo lang talaga!

Sobrang nag-aalala na talaga ako kaya sa gmail niya na ako nag-iwan ng mensahe. Biruin mo, 4 days na siyang hindi nagpaparamdam. Ni-hindi nga sumasagot sa mga tawag ko eh. Ano na kayang nangyari du'n?

"Walanghiya!!!" Napasigaw ako habang tinititigan ang screen ng laptop. May nag-like ng mga old pictures ko. Nakakasura!

Grabe kayo sa akin, gaganti talaga ako hahaha! Comment ko sa isang picture ko. Sumayaw yata kami nito nu'ng grade 5, sobrang itim ko at sobrang payat ko. Hindi ko ma-imagine na ganito pala ang itsura ko dati. Grabe!

'Di ko naman kasi talaga nakahiligang magbura ng pictures after i-upload. Parang feeling ko lang kasi, masarap makita 'yun after how many years. Pero mukhang kailangan yata kasi 42 notifications na ang natatanggap ko sa oras na 'to. Maraming nag-comment at nag-like. At hindi pa nakuntento 'yung iba, nilagyan pa talaga ng memes ang picture ko. Woooh! Grabe talaga hs friends! Ang sasama! Pero hindi ko naman dinedeny na na-mimiss ko na sila lalo na 'yung kabarkada ko. Kamusta na kaya sila? Na-mimiss na rin kaya nila ako? Ano na kayang balita sa mga 'yun?

Chineck ko agad ang mga albums at isa-isang tiningnan 'yun. Hindi ko rin naman mapigilang matawa dahil sa mga nakikita kong picture. Sobrang bilis lang pala talaga ng oras. Dati mga wala pa kaming alam, tapos ngayon... "HAHAHA! PACUTE!" nabalot ng malakas na tawa ito mismong room ko. Tuwang-tuwa ako sa mga mukha namin ni Lyca.

Lalo pa akong natawa nu'ng nakita ko ang picture namin nu'ng birthday niya. (9 years old yata siya dito) Nasira kasi 'yung cake niya nu'n at sobrang nakakatawa 'yung itsura niya habang umiiyak. "Ako ba 'to?" Nilapit ko ang mukha ko sa screen at tinitigan ang larawan. Bakit sobrang payat ko dito?

Sobrang na-miss ko tuloy si Lyca. Siya ang girl bestfriend ko sa Laguna. Bata pa lang kami, bestfriends na talaga kami. Since grade 1, classmate ko na siya. At bestfriends kasi ang nanay niya at tatay ko kaya bestfriends din kaming dalawa.

Teka! Ano nga bang pumasok sa utak ko at "hApPi neW yEar eBriWan" ang nilagay ko sa title ng album na 'to?! Sa pagbabaka sakali ko na may makita pang nakakatawang pictures, mabilis kong cinlick iyon at tumambad sa mga mata ko ang picture mo. Picture nating dalawa, magkaakbay at puno ng icing ang mga mukha.

Muling gumuho ang mundo ko at tila dinudurog na naman ang puso ko. Bumalik ang pait ng nakaraan at napalitan din agad ng pait ang mga matatamis na ngiti na namutawi sa labi ko kanina. Nag-scroll down ako at mas marami pang picture ang nakita ko, mga masasayang larawan na hindi na maibabalik pa kahit kailan.

Bakit ba kasi umalis ka? Bakit mo ako iniwanan? Nabuo na naman ang mga tanong kong hindi naman masasagot. Nasaan ka na ba? Isa-isang tumulo ang mga luha ko at mabilis ko naman 'tong pinunasan gamit ang mga kamay kong nanlalamig.

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon