Saglit akong napatingin sa kisame bago ko inilibot ang mata ko. Nasaan ako? Tumagilid ako at nakita ko si Kris sa tabi ko dito sa kama kung saan ako nakahiga. ANONG NANGYARI?
Gulat na gulat ako habang chinecheck ang sarili ko. Ganito pa rin naman ang suot ko pero bakit ko kasama si Kris dito sa kama at nasaan ba ako?
"Kris, kris!" Kinakalabit ko siya pero hindi siya nagigising. "Hoy! Kris!" Tinapik ko siya sa braso. Napalakas yata kasi nag-tch siya.
"Hey" Tumingin siya sa akin. "Bakit?" Pinipilit niyang ibukas ang mga mata niya. "Anong ginagawa ko dito? Nasaan ba ako?"
"Matutulog pa ako" mabilis siyang tumagilid. Chineck ko ulit ang sarili ko. Mukhang wala naman talagang nangyaring kakaiba kaya nakahinga ako nang maluwag. Saka hindi naman siguro ako gagalawin ni Kris dahil hindi siya ganu'n.
Tumayo ako at lumabas sa kwarto. Saka ko lang din napansin na condominium din pala ito. Pero mas mukhang malaki 'to kaysa sa condo na tinutuluyan ko.
Dumiretso ako sa kitchen para maghanda ng makakain. Walang tasty kaya wala akong choice kun'di ang kumain ng kanin. Kaso puro frozen foods naman ang nakalaman sa ref ni Kris. Walang gulay. Hindi tuloy ako makapagsangag ng kanin. Hindi kasi ako nagsasangag 'pag walang mixed vegetables. Bahala na nga. Binilisan ko ang kilos dahil nagugutom na ako.
Iniwan ko muna sa table ang iniluto kong pagkain. Gigisingin ko sana si Kris pero sobrang himbing ng tulog niya kaya hinayaan ko na muna siya. Napansin ko ang isang malaking kahon malapit sa pintuan kaya mabilis ko itong tinungo.
Nakita ko agad ang litrato ni Kris noong baby pa siya, naka-frame pa.Natawa ako kasi pilit na pilit 'yung ngiti niya. Tapos maraming album ang nakalagay doon. Umupo ako at tiningnan 'yun. Puro pictures lang ng mama niya kasama ang mga kamag-anak yata nila. Kahit kailan eh hindi ko pa nakikita ang tatay niya, kahit sa picture lang. Ayaw niya rin na pinag-uusapan namin ang tatay niya. Ewan ko ba du'n!
Napansin ko ang picture frame na naisip kong family picture nila. Inilapag ko ang album at akmang kuku'nin na ang picture frame sa ibabaw ng mga photo album nang bigla kong marinig ang boses ni Kris.
"Katherine," mabilis siyang lumapit sa akin. At napahinto naman ako sa ginagawa ko. "Bakit mo tinitingnan ang mga 'yan?" Iritable niyang tanong sa akin. Ngayon lang siya naging ganito.
"Sorry" sabi ko. Tumayo na ako at naglakad para tumalikod sa kanya. "Hindi ko naman sinasadyang---"
Narinig ko ang yabag ng mga paa niya. "Hey! Hindi ako galit sa'yo, okay?" Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ako sa balikat. "I'm not mad, Katherine" Ulit niya. Ngayon ko lang kasi siya nakitang sinungitan ako kaya natakot ako sa kanya.
Ngumiti lang ako at dumiretso sa kusina. "Nagluto ka pala?" Tiningnan niya ang bacon at fried rice na nakahain sa mesa bago niya ako ulit ngitian.
"Thankyou," sabi niya bago naupo sa upuan sa harap ko.
Nagkwentuhan kami at nalaman ko na nakatulog pala ako sa kotse niya after naming mag-dinner at sinasabi na ayokong umuwi. Nasa tapat na raw kami ng condo ko pero ayaw kong lumabas sa sasakyan. Bubuhatin niya na sana ako kaso sinabi ko raw na naiwan ko ang susi sa loob. Hala shit! Naiwan ko nga sa may mesa!
Tatawa-tawa siya habang nagkkwento sa akin at ito naman ako, hiyang-hiya. Mukha yata akong flirt dahil sa sinabi ko na ayaw kong umuwi. Sana hindi niya binigyan ng meaning. Ganu'n kasi talaga ako 'pag natutulog. Basta 'pag natulog na ako sa isang lugar, ayoko na ng istorbo. Gusto ko dire-diretso na ang tulog ko.
"Nakakahiya!" Tumawa ako at nag-smirk naman si Kris bago tumawa.
"Nakakatawa ka nga eh." Sambit pa nito at mabilis na sumubo ng fried rice at bacon.
