Chapter 8

3 0 0
                                        

11:33 pm

I woke up holding my breath with tears on my face, again. Sina Lyca na naman ang laman ng panaginip ko. Actually, hindi lang iyon basta panaginip. Isa 'yung bangungot.

Nagkaayos na kami ni Kris, 1 week after ng insidenteng nangyari. Hindi ko naman kasi siya matiis. Palagi siyang nandito sa condo ko para mag-sorry. Soft-hearted naman ako kaya pinatawad ko na siya. Tulad nu'n, isang linggo ko na ring hindi nakita si Blessie. Ayoko lang siyang istorbohin dahil nagtatrabaho siya sa friend ng mommy niya.

I turned on the radio. Matagal na rin akong hindi nakakarinig ng music. Ewan ko nga ba! Hindi naman ako busy sa buhay ko, pero tila palagi na lang akong may hindi nagagawa.

Bakit ganu'n?

Tila sinadya na namang matapat sa akin ang kantang You and Me by Lifehouse. Sino pa ba ang maaalala ko? Syempre, ikaw.

Naaalala mo pa kaya? It was played on our last promenade. That was so memorable! And it's all because of you. Isa lang 'yun sa mga memorable na nangyari sa buhay ko. Kasi, marami ka talagang iniwan na memories sa akin. Kaya nga hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga... kahit sinaktan mo ako.

Everytime na hahawakan mo ang kamay ko, sobrang natutuwa ang puso ko. I feel so safe, lalo na kapag kasama kita. Kaya nung dumating ang time na iniwan mo ako, feeling ko wala na naman akong paa. Ang sakit-sakit talaga.

I turned off the radio. Hindi naman dahil ayaw na kitang maalala pa, kun'di dahil ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko. I just want to help myself. 'Cause I feel like, I'm always waiting for something that isn't going to happen. At hindi naman na talaga ako umaasa pa na babalik ka. It's too late para sa pagbabalik mo.
____

Friday Night. I've decided na itutuloy ko ang pagpunta sa laguna tomorrow morning. Medyo na-eexcite lang akong makita sina Lyca. Gusto ko na talaga silang yakapin nang mahigpit hanggang sa hindi na sila makahinga. Hahaha! Syempre, joke lang.

"Hello!" Blessie said while waving her left hand. Umayos naman ako ng upo at inayos ang laptop ko. Magka-skype kami ni Blessie ngayon.

"Finally! How's your work?"

"Good. Nakakapagod but it's all worth it! I'll treat you kapag sumweldo na ako. But make sure, 'wag ka nang aalis ah." I smiled at the camera. Sira talaga siya.

"Ofcourse. Minsan ka lang manlibre eh!" Sabay na naman kaming tumawa. 1 week lang kaming hindi nagkausap pero sobrang na-miss ko na agad siya.

"By the way, Blessie. Pupunta nga pala ako sa laguna tomorrow morning. Dadalawin ko lang sila Lyca. Wanna join?"

"Gustuhin ko man pero... hindi ako pwede. Next time na lang siguro." Nalungkot naman ako. Gusto ko rin kasi siyang ipakilala kay Lyca. Feeling ko magkakasundo sila.

"Sure. Next time." She nodded.

"Pero, sure ka ba diyan?"

"H-ha? Sure saan?"

"Sa pagpunta mo sa laguna. I mean, sabi mo sa 'kin, marami kang iniiwasan du'n 'di ba? Specially the... memory of Jared." I smiled, bitterly. Iniiwasan ko naman talaga 'yun pero gusto ko lang talagang makita sina Lyca. Sila lang.

"Y-yeah. Iniiwasan ko naman talaga. Pero sobrang miss ko na talaga ang bestfriend ko. Saka, ano ka ba! Wala naman na siya du'n kaya hindi 'yan." Siya naman ang ngumiti nang pilit. Alam ko naman ang ibig sabihin niya. Pero hindi ko naman ipagkakait sa sarili ko ang kasiyahang mararamdaman ko 'pag nakita ko na si Lyca!

"Winarningan na kita, ha! I don't think that it's a good idea but it's your choice naman kasi. Basta kapag may problema ha, balitaan mo agad ako. Syempre hindi ako pupunta, noh! Baka mamaya i-expect mo na I'll be there." Tawang-tawa naman ako sa sinabi ni Blessie pati na rin ang face expression niya.

"Grace Katherine, seryosooo." Tumigil ako sa pagtawa. Natawa lang naman ako sa face expression niya kanina.

"Seryoso nga. Hindi ko sure kung magiging okay ang pagbisita mo ru'n. Pero kung dadalawin mo lang talaga si Lyca, go ahead! Take care huh!" Na-touch ako sa sinabi niya. Blessie loves me so much. Ang swerte ko lang.

"Ofcourse. So, paano ba 'yan, I'm going to sleep na. I'll text you na lang if ever may mangyari na ewan! Bye bye na."

"Sige, sige. Matutulog na rin ako. Baka maabutan pa ako ni mommy. Thanks, Grace Katherine. God bless. Bye."

"Bye bye,"

Sign off.
_____

Saturday.

Masaya akong bumangon sa kama pagtapos tanggalin ang comforter ko. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago ako lumabas sa kwarto. Medyo kinakabahan ako na na-eexcite. 6 years na akong hindi dumalaw du'n at in-eexpect ko na marami na talang nagbago. Pero sana naman, hindi pa rin nagbabago sina Lyca.

Since wala pa rin akong bread na nabili, naisipan ko na sa labas na lang ako kakain. Tinatamad din kasi akong magluto.

Habang binabaybay ko ang daan, eh sari-sari ang mga naiisip ko. Mga facts na pwedeng mangyari mamaya sa Laguna. Paano kung makita kita du'n? Ano na lang ang gagawin ko?

Kumagat ako sa burger ko at uminom ng coffee habang hinihintay ang green light. Buti na lang, hindi traffic ngayon. Santa Rosa, Laguna. Kumanan ako. Huminga ako nang malalim bago ako nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa nakarating ako sa kalagitaan ng daan kung nasaan ang bahay namin. Tila marami nang nadagdag na bahay rito kaya medyo nalito ako.

Ebeng's sari-sari store. Niliko ko ang kotse at agad kong natanaw ang bahay namin. Hininto ko ito at pinark ang sa tabi. Medyo nanibago lang ako dahil naiba na ang kulay ng bahay namin at ganu'n din ang bahay nila Lyca sa tapat. Tila ako maiiyak na ewan sa mga oras na 'to. Matagal ko na talagang gustong gawin 'to, kaya ito na talaga.

Finally, nandito na ulit ako. Bulong ko. Nagpakawala ulit ako ng malim na hininga bago tumapat humarap sa gate.

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon