Tahimik lang ako habang nag-didrive si Kris. Nahiya na kasi ako sa kanilang dalawa ni Blessie, tapos sinundo niya pa ako ngayon. Nasaan na lang ang pride ko?
Tumingin ako sa kanya pero hindi niya yata ako napansin. "Sorry, ah." Mahina kong sabi.
"Katherine, you don't have to say sorry, okay?" Hindi niya ako nilingon kaya tumigil na ako. Baka kasi mamaya, makulitan siya sa akin. Inihatid niya ako sa condo at umupo siya sa couch pagpasok sa loob.
"Kumain ka na ba?" Sinilip ko si Kris sa may couch. Mukhang busy siya sa cellphone niya pero nakita ko naman na tumango siya kaya hindi na ako nag-abalang nagluto. Nagtimpla na lang ako ng hot choco dahil medyo malamig na ngayon. September na kasi at malapit na magpasko!
"Thankyou nga pala sa pagsundo, ah." Umupo ako sa tabi niya dahil isang haba lang naman ang couch dito sa room ko. Tumango lang siya, ni hindi man lang ngumiti.
Saglit na nabalutan ng katahimikan hanggang sa umimik na si Kris. "Katherine," Pagtawag niya sa pangalan ko. Medyo malungkot ang tono niya kaya na-bother ako.
"Hmm?"
"Hindi mo ba talaga ako pwedeng mahalin?" Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko siya nilingon. Ayoko lang makita na nasasaktan na naman siya.
"You know what, I'm always trying to hide everything but it's really hard to do. I alway ended up being the one who truly needs a person... like you, katherine." Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang lahat ng lungkot sa mga mata niya. Tila ako binabaril sa bawat titig niya sa akin. Masakit, nasasaktan ako.
Nag-iwas ako ng tingin. Hanggat maaari, ayoko siyang tingnan. Ayokong makita si Kris na nasasaktan. "Kris, alam mo naman na," I stopped.
Hindi ko talaga ma-imagine kung paano nagagawang magsakripisyo ng isang taong tapat na nagmamahal. Parang ang hero lang tingnan. Kasi kahit na alam mong masasaktan ka, pipilitin mo pa rin takpan ang lahat at magkunwari na hindi ka nasasaktan.
"I know. I understand. I just can't stop loving you even though.. I-i'm hurt." Biglang nadurog ang puso ko sa mga sinabi niya. Lumunok ako at huminga nang malalim.
"Excuse lang, kukuha ako ng sugar, hindi ko pala nalagyan 'yung hot choco." Nagmadali akong pumunta sa kusina at umiwas sa usapan namin ni Kris. Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagsabi sa kanya na hindi pa ako nakaka move-on. Siya mismo ang nagsabi na 'wag ko siyang pigilang mahalin ako. Pero bakit ganito? Parang feeling ko, ako pa rin ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari. Ganu'n ba talaga kapag alam mong ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ang isang tao?
Pabalik na sana ako pero nagulat ako dahil nakatayo pala si Kris sa likuran ko nang hindi ko man lang namamalayan. "Kris..." tumingin ako sa kanya pero tila mas dumoble pa ang sakit at lungkot na namumutawi sa mga mata niya. Tila ano mang oras ay may tutulong luha doon.
"Katherine, haven't you feel the same?"
"...hindi mo ba talaga naramdaman na mahal mo ako, higit pa sa isang kaibigan? Haven't you feel the same before?" Desperado ang tono ng boses niya at hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi niya. Tila biglang nahaluan ng inis ang nararamdaman kong awa para kay Kris.
"Kris, tapos na tayo sa ganito..." mahina ang boses ko dahil ayokong makipagtaasan sa kanya. Ayoko lang pag-awayan namin 'to dahil napag-usapan na namin 'to. Ayoko nang balikan pa.
Tumalikod ako, "Katherine, you're hurting me..." Mabilis ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya. Kung kanina, naaawa ako sa kanya, ngayon naiinis na talaga ako.
"No, Kris. Ikaw. Ikaw mismo ang nagdudulot ng sakit diyan sa'yo. Sino ba kasing nagpilit sa'yo na magmahal ng isang taong may mahal na? Ako ba? 'Di ba ikaw?" Nagulat ako sa sinabi ko pero pinilit ko lang iwasan. Hindi ko naman kasi kasalanan na minahal niya ako. Oo, nasasaktan siya dahil sa akin pero hindi ako ang gumagawa ng sakit na 'yun.