10:35 am.
Late akong nagising ngayon dahil sa matagal na usapan namin ni Kris kaninang madaling araw. Tumayo ako para makapaghanda ng pagkain, kumakalam na kasi ang sikmura ko.
Nagluto ako ng itlog at hotdog para ipalaman sa tasty. Hindi kasi ako nag-ririce kapag umaga. Hindi naman ako nag-didiet, hindi ko lang talaga trip. Naghanda rin ako ng hot choco para kumpleto ang umagahan ko.
Inilapag ko na sa mesa lahat ng pagkain bago ako umupo. Kaso bigla na namang may pumasok sa isip ko, ikaw na naman. Marami lang talagang alaala ang iniwan mo sa 'kin.
Naaalala mo pa nu'n kapag nag-aalmusal ka sa bahay namin? Nauuna ka pang kumuha ng itlog at hotdog para ilagay sa tinapay mo, daig mo pa 'yung miyembro ng pamilya. Tapos sila mama naman, natuwa pa sa'yo.
Napailing ako at nainis dahil sa ginawa ko. Dapat kasi talaga hindi inaalala ang mga memories na iniwan ng isang taong sinaktan ka. Hindi dahil sa bitter ka, pero para mawala man lamang 'yung sakit na nasa puso mo.
Bzzzzt. Kinuha ko ang phone ko para i-check kung ang message.
1 unread message.
Message from: Mom
Pasensiya, namisplaced ko kasi ang cp ko kagabi kaya di kita nareplyan. Naiwan ko pala sa cr. Hehe
Agad naman akong natawa sa msg ni mommy. Nakakaloka! Niligpit ko muna ang mga kalat sa mesa bago naligo. Naisipan kong mag-movie marathon kahit ako lang mag-isa. Nasanay na rin talaga ako na ako lang simula nu'ng umuwi ako galing canada.
Masarap din naman talaga ang buhay sa ibang bansa lalo na kung may pera ka. Kung tutuusin eh, pwede naman talaga akong mag-stay kasi gusto ko naman talagang mag-stay. Pero 'di ba nga, hindi pwede na nakaasa lang ako palagi kay mama kasi dapat masanay na akong mag-isa lalo na't malaki na ako.
Inihanda ko na ang mga DVD sa sala para mag-movie marathon. Dear John ang isinalang ko. Grabe lang kasi talaga ang impact sa akin ng movie na ito, 'di ko alam kung anong dahilan. Siguro dahil crush ko si Channing Tatum. Hahaha!
Sa bawat kilos ko, hindi ko maiwasan na may maalala. Sa bawat kilos ko, hindi ko sinasadya na maalala ka. At hindi ako natutuwa. Mas lalo lang akong nasasaktan.
Tinanggal ko sa isip ko ang lahat ng nakaraan at pinilit na hindi isipin kahit labag sa loob ko. Pinaplastic ko lang naman ang sarili ko kung iisipin at sasabihin ko na kaya kitang kalimutan.
Lumipas lang ang oras na hindi ko na-enjoy ang palabas. Paano ba naman kasi iba ang laman ng isip ko. Nakakainis talaga!
Padabog kong pinatay ang TV at saka hinugot 'to sa saksakan bago bumalik sa couch. Naging emotional na naman ako. For sure na kapag nakita ako ni Kris na ganito, ibibili na naman ako ng mga pagkain nu'n. Siya yata ang naging provider ko ng pagkain nu'ng college.
Halos hindi ko na nga nagagagastos ang pera ko dahil palagi niya akong pinagbabaunan ng pagkain. Kaysa, alalahanin ko ang lahat ng pait ng nakaraan, mas pinili ko na lang mag-text. Sakto naman dahil nag-text si Kria kaya nireplyan ko siya. Sobrang nakakatuwa 'yung pinag-uusapan namin kaya mukha akong baliw dito ngayon na tumatawa mag-isa.
Minsan, naiisip ko kung paano ko siya nagagawang i-friendzone lalo na't siya 'yung tipo ng taong hindi talaga mahirap mahalin. Baka sadyang hindi ko lang talaga nakikita na bagay kaming dalawa.
Sinabi ko kay Kris na pwede na kaming mag-meet later. Naghintay ako ng isang minuto para sa reply niya. Mabilis kasi talagang mag-reply si Kris. Hindi lang sa akin kun'di pati sa mga kakilala niya.
