"Sure ka ba Blessie? Okay lang talaga?" Nilingon ako ni Blessie at bahagyang tumango. Hindi ko rin talaga inaasahan na si Kris pala ang makikita ko.
"Sabihin ko na lang kay Kris na 'wag na siyang sumama. Okay lang naman siguro sa kanya 'yun eh,"
"Grace Katherine, okay lang nga." Nakukulitang tugon ni blessie sa akin. Nalaman kasi ni Kris na mag-mamall kami at gusto niyang sumama. Okay, sinira ko ang bonding namin ni Blessie.
"Let's go?" Nilingon ko si Kris na kakatapos lang mag-ayos ng gamit niya sa compartment. 1 week pala siya sa Bacolod. Kakauwi lang niya kaninang madaling araw pero hindi muna siya tumuloy sa condo niya.
Sumunod kami ni Blessie sa kanya. Alam kong hindi magiging okay 'to dahil nga hindi pa sila nagkakaayos. Tahimik lang kami habang nag-didrive si Kris. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin kaya hindi na rin talaga ako nagsalita.
Mukhang napansin ni Kris na tahimik kami. "What's wrong?" Tanong niya.
"Wala, gutom lang" Tanghalian na kasi at hindi pa kami kumakain.
"Saan niyo ba gusto kumain ni... Blessie?" May awkwardness sa tanong niya at hindi ko naiwasang mapangiti. Kasalanan niya 'to kaya tanggapin niya kung ano man ang magiging consequence.
"Kahit saan," Tipid kong sagot.
Hindi ko alam kung saan ako lulugar habang naglalakad kami sa loob ng mall. Walang imikan at parang hindi kami magkakakilala. Naloloka na 'ko! Hindi ko naman ginusto 'to. Kung alam ko lang na si Kris pala ang may-ari ng kotse na 'yun, eh di dapat hindi na kami lumapit pa. Inakbayan ako ni Kris kaya medyo nailang ako. Nagkatinginan pa kami ni Blessie na nagulat din sa nangyari.
Pumasok kami sa isang kainan na baguhan lang sa paningin ko. Tiwala naman ako kay Kris na masarap kumain dito dahil marami na siyang na-try na kainan. Nasa kalagitnaan na ako ng kalangitan nang biglang nag-ring ang phone ko. Tawag 'yon mula sa isang hindi kilalang nilalang. Ni-reject ko lang ang tawag at nagpatuloy sa pagkain.
"Sino 'yun?" Tanong ni Kris pagtapos uminom ng iced tea niya. "Hindi ko alam." Tipid kong sagot.
Hinihintay na lang namin 'yung dessert. Sabi kasi ni Kris sobrang sarap daw ng desserts dito kaya hindi na ako makapaghintay pa.
Kring Kring Kring
Kinuha ko agad ang phone sa bag ko para tingnan kung sino na naman ang tumatawag. Unregistred number na naman! Sino ba kasi 'to?
"Excuse lang," ngumiti ako at dali-daling lumabas.
"Hello?"
("Katherine?") Medyo mahina ang boses nu'ng nasa kabilang linya pero mukhang umiiyak.
Napakunot ang noo ko, "Hello? Sino 'to?"
("Si Suzzette 'to, Kath,") Oh my! Bakit siya umiiyak?
"Wait, bakit ka umiiyak? May problema ka ba?"
Medyo matagal siya bago sumagot kaya nag-hello ulit ako. ("Y-yeah, kailangan ko lang ng kausap, pwede ka ba ngayon?") Napaisip ako. Nahihiya ako kay Blessie kasi sinira ko na nga ang lakad namin, tapos iiwan ko pa siya with Kris. Pero sa oras na 'to, mukhang mas kailangan ako ni Suzzette kaya um-oo ako. Sorry talaga Blessie, babawi na lang ako.
Tinext sa akin ni Suzzette 'yung address ng bahay niya. Ang alam ko kasi, nag-lilive in silang dalawa ng boyfriend niya. Nag-commute lang ako dahil hindi ko naman dala ang sasakyan ko.
"Katherine," Mabilis akong niyakap ni Suzzette. Namumugto ang mga mata niya at tila kanina pa umiiyak.
"Sssh, ano ba nangyari?" Pinagtaas-baba ko ang kamay ko sa likod niya pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
