Chapter 10

10 1 0
                                    

Inilapag ko ang oslo paper  pabalik sa kahon at kinuha ko naman ang red clip. Tila bigla na naman akong kinilig na ewan sa naalala ko.

"Grace," Pagtawag mo sa pangalan ko. Nilingon kita  at sabay akong nag-iwan ng ngiti. Kasabay naman ng pagdating mo ang pagdating ni Lyca. Umupo ka sa harap ko at umupo naman si Lyca sa tabi ko.

Sa recess na lang talaga tayo nagkakasabay dahil nga hindi tayo classmates. Mas nauuna ang uwian niyo kaya hindi rin tayo sabay umuwi. Hindi ka ba nalulungkot?

"Kamusta?"  Nginitian lang kita. Ang totoo kasi nito, nalulungkot ako. Hindi kasi ako sanay na hindi kita kasama. Parang hindi mo naman napansin ang ginawa ko, ni-hindi ka umimik.

Dalawang taon na tayong hindi magkaklase. Pero mas kakaiba 'to kaysa last year. Sa ilang buwang pagkakahiwalay natin, may mga nagbago na sa'yo. Sumasama ka lang sa akin kapag recess dahil nga nakasanayan mo. Pero kung hindi mo 'yun nakasanayang gawin, iisipin ko na ayaw mo na akong kasama... na napipilitan ka na lang. Puro 'kamusta?' at 'okay lang' palagi ang nasasabi natin. Pagtapos nu'n, wala na. Kaya sobrang nasasaktan ako sa mga inaasal mo.

Biglang tumili si Lyca. Napakislot ako sa sobrang gulat ko. Ngiting-ngiti siyang tumingin sa akin at iniyugyog pa ang balikat ko.

"Katherine!!!" Sigaw ni Lyca sabay tili. Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang dalawang kamay. "Ano ba, ang ingay mo!" Sigaw ko pabalik. Mabuti na lang at dito tayo sa may dulo umupo kaya walang masyadong estudyante.

"Bakit ka ba tumitili diyan?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

Ngumiti muna siya bago nagsalita, "Si Luis... 'yun, oh." May tinuro siya sa banda ru'n at nakita ko si Luis kasama ang mga barkada niya.

"Anong meron kay Luis?"

"Ano ka ba! Hindi mo ba alam kung sinong crush niya?" Nanlalaking matang tugon ni Lyca.

Tinaas ko ang kilay ko."Ikaw?!"

Nanlaki ulit ang mata niya kaya mas tinaasan ko pa ang kilay ko. "Buti sana kung ako eh..."

"Ha?" Umirap si Lyca at bahagyang napangiwi.

"Ikaw. Ikaw ang crush ni Luis! Hindi mo ba alam? Ano ka ba naman!"

At doon ko lang din napansin na naglakad ka na pala palayo. Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka. Ano ba talaga ang problema mo?
____

Nasaktan ako sa ginawa mo. Gusto kitang iwasan pero hindi ko alam kung paano. Na-feefeel ko lang kasi talaga na ayaw mo na akong kasama. Baka nahihirapan ka lang sabihin sa akin.

Uwian na. Buti na lang uwian na. Hindi na kita makikita dahil nga mas maaga kang umuwi. Dire-diretso lang ako hanggang makarating ako malapit sa gate ng school. Nagulat ako nang makita kitang nakaupo sa bleachers. Nakatitig ka sa akin at hindi ko mabasa ang emosyon mo.

Tumayo ka at unti-unting lumapit papunta sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo pero tila napako na ang mga paa ko. "Pwede ba tayong magkwentuhan?" Hindi mo na hinintay ang sagot ko at dali-dali mo akong hinila papunta sa garden ng school.

"Kamusta?"  Minsan napapaisip ako. Nitong mga nakaraang buwan, hindi mo ako pinapansin. Umalis ka kanina nang hindi ka man lang nagsabi tapos ngayon bigla ka na lang magyaya para makipag-usap. Ano bang trip mo?

"Okay lang. Ikaw?"

Hindi ka ngumiti at nag-iwas ka pa ng tingin. Hindi talaga kita ma-gets. Sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan natin, hindi pa pala kita lubos na kilala. Hindi ko kasi alam ang tinatakbo ng utak mo.

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon