Chapter 2

19 0 0
                                    


Past 5 na nang makabalik ako dito sa condo. Inilapag ko ang phone ko sa desk bago dumiretso sa cr para maghilamos.

Narinig kong nag-vibrate 'yung phone ko kaya naman minabuti ko nang i-check 'yun.

Message from: 09156801887

Nagbaka sakali lang ako na ito pa rin 'yung number mo. Sana ito nga hehe :) Thankyou kanina. Sobrang pinasaya mo ako.

Natuwa naman ako sa message ni Blessie kaya agad ko siyang nireplyan.

Message to: 09156801887

Si Grace Katherine nga 'to. Thankyou rin sa time, Blessie. I-sasave ko number mo.

-sent-

At agad ko namang sinave ang number niya. Napagdesisyunan kong umorder na lang ng pizza ngayong gabi dahil tinatamad akong magluto. Hinintay ko ang reply ni Blessie pero mas naunahan pa ang message niya ng pagdating ng delivery boy. Hindi na nag-reply si Blessie kaya in-assume ko na natulog na siya at hindi niya na nabasa ang text ko.

Ilalapag ko na sana ang phone nang bigla itong mag-vibrate. Bzzzt. Agad ko namang tiningnan kung sino ang nag-message.

Message from: Mom

Katherine anak, anong balita dyan?

Inisip ko pa kung rereply-an ko siya kasi alam kong dadaldalin na naman niya ako. Pero nag-reply din naman ako para magmukha akong mabait na anak. Hahaha!

Message to: Mom

So far, okay pa naman po. Maganda dito sa condo, masarap matulog. Kayo po ba diyan? Kamusta kayo nila Tita Ana?

-sent-

Sampung minuto akong naghintay sa reply ni mommy pero wala akong natanggap. Inilapag ko na ang phone sa tabi ko at pumikit.
______

"Grace..." Narinig ko na naman ang boses mo, ang boses mong hindi ko pagsasawaang pakinggan. Nasa harapan kita at nakita ko ang pagtulo ng mga luha mo. Hinawakan mo ang kanang kamay ko at iniangat mo ito para halikan.

"Sorry," tumulo na naman ang luha mo at unti-unting kumirot ang puso ko. "Sorry, masyado akong naging gago. I don't deserve you..." Binitawan mo ang kamay ko at bigla kang... nawala.

Idinilat ko ang mga mata ko at sabay pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Ikaw na naman ang laman ng panaginip ko.

Binuksan ko ang lampshade sa may side table ko at agad na kinuha ang phone ko na nakalapag sa kama.

2:25 am. Agad akong nagpakawala ng hininga at hinanap sa contact ang pangalan ni Kris para tawagan.

Calling...
Kristofer

Nakailang ring bago niya sagutin.

("Kath?") Sabi niya pagkatapos humikab.

("Sorry to disturb you Kris, ano kasi, nanaginip na naman ako," Malungkot ang tono ko at alam kong nag-worry na naman siya sa akin.

("Ano ka ba ayos lang, napanaginipan mo na naman ba siya?") Mahina ang boses niya at mukhang inaantok pa.

"Oo," tumango-tango ako at ibinaling ang tingin sa bintana.

("Uhm, anong gusto mong gawin ko?") Nag-normal na ang boses niya at mukhang nagising na talaga siya. Nakakahiya kay Kris, kakausapin ko lang 'pag kailangan ko.

"Hindi ko rin alam, kailangan ko lang ng kausap. Alam mo naman, ikaw lang ang lagi kong nakakausap 'pag tungkol sa kanya 'di ba?"

Humikab siya, "Gusto mo kantahan kita para hindi ka na malungkot?"

Those MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon