Kabanata II "Missing"

11K 439 21
                                    

"Guys kanina pa tayo nandito pwede bang huminto muna tayo sa sunod na bayan nating makikita" Sabi ni Samantha na nakapangalumbaba sa may bintana at nakatanaw sa labas. Sobrang naiinip na siya sa biyahe at sinabayan pa ito ng mahinang buhos ng ulan.

Hindi naman malaman ni Maika at Calvin kung paano sasabihin sa mga kasamahan na sila'y naliligaw.

Hindi nagtagal ay may nakita sila isang Palengke kaya naman na-excite ang lahat.

"Makakaihi na rin ako yes!" Malakas na sigaw ni Jeward at nauna ng tumakbo palabas. Excited na rin kasi siyang maikot ang palengke dahil bago lamang ang lugar na iyon para sa kanya.

"Excited much talaga?" Tanong ni Hannah sa sarili at bumaba ng bus, sandali siyang nag-unat ng nakakita siya ng tindera na nagtitinda sa isang sulok.

Bumili si Hannah ng local newspaper at isang biscuit upang makain niya habang nagbababasa. Bumalik na lang siya sa loob ng bus dahil mas trip niyang magbasa ng diyaryo keysa mag-ikot sa buong lugar.

"Teh wala ka bang planong bumaba?" Tanong sa kanya ni Jean na nag-aayos ng make up.

"Wala" Maikli niyang sagot at itinuon niya na lang ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng dyaryo.

"Grupo ng dayuhan ang nawawala, Isang dayuhan ang nawala. Ano ba 'to! Bakit puro missing persons ang laman ng local news nila" Sabi nalang ni Hannah.

"Bakit teh?"

"Tignan mo 'tong dyaryo oh. Puro nawawalang tao ang laman, nakakabagot tuloy magbasa dahil pare-parehas ang headlines" Sabi ni Hannah at kumain na lamang ng biscuit, hindi niya na tinuloy ang pagbabasa dahil hindi niya trip ang mga ganoong headlines.

"Malay mo mga naligaw lang sa lugar na 'to, para na nga tayong nasa gitna ng gubat dahil puro puno na lang ang matatanaw at malayong-malayo sa kabihasnan... O baka naman akala nila Missing pero nag-eenjoy pa sila sa ganda ng lugar na 'to, pini-feel pa nila si mother nature. H'wag ka na nga lang magbasa niyan, mag-ikot na lang tayo para mas feel mo ang bakasyon na 'to" Sabi ni Jean at hinatak palabas si Hannah upang mag-ikot.

Sa kabilang banda ay nagtatanong-tanong si Calvin, Maika, at Chelvin sa mga tao upang malaman ang kanilang destinasyon.

"Ate, alam niyo po ba yung Baranggay Bayabas?" Tanong ni Calvin sa babae ngunit tinitigan lang siya nito mula ulo hanggang paa at naglakad paalis.

"Snobber, peymus" Nasabi ni Maika at inirapan ang babae.

"Kung sinabi niyo lang agad na naliligaw tayo ade sana hindi na tayo tumuloy! Namomroblema tuloy tayo kung paano makakauwi" Pagrereklamo ni Chelvin sa dalawa.

"H'wag kang mag-alala kambal. Full tank naman ang Bus kaya malayo pa ang mararating nun" Kampanteng sagot ni Calvin sa kapatid niya. Napakamot na lang ng ulo si Chelvin dahil sa dalang hangin ng kanyang kapatid.

"Oy sumilong nga kayo, lumalakas na yung ulan oh" Sabi ni Maika at binuksan ang payong na kanyang hawak. Agad naman dumikit sa kanya ang kambal upang hindi mabasa.

Wala na silang ibang naisip kun'di bumalik na lamang sa loon ng bus. Hindi rin naman sinasagot ng mga taong pinagtatanungan nila kung nasaan na sila.

Nandoon ang lahat sa loob ng mini bus. Marahil ay hindi nila ma-enjoy ang pag-iikot dahil sa lumalakas na buhos ng ulan. Pare-parehas silang nababagot dahil alas-dos na ng tanghali pero hindi pa nila nararating ang kanilang destinasyon.

"Guys gusto niyo bang bumalik na tayo at sa ibang araw ituloy ang camp trip na 'to? Mukha may bagyong paparating at hindi natin mae-enjoy ang bakasyon na 'to" Sabi ni Maika pero sa totoo lamang ay ayaw niya lang ipaalam sa mga kasamahan na sila'y naliligaw na. Ayaw niyang tumaas ang tensyon sa pagitan ng bawat isa. Kung aamin man sila ni Calvin na sila'y naliligaw, sa kanya lahat ang sisi dahil siya ang nag-aya sa lugar na iyon.

Camp TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon