"Sure ka ba ate malapit na tayo? Kanina pa tayo naglalakad" Sabi ni Maika habang dumadaan sa maputik na daanan.
"Oo hija, malapit na tayo" Sabi ni Lydia sa kanila at pinangunahan ang daanan. kataka-taka naman na napakatahimik ng bata niyang kasama, marahil ay nahihiya lamang ito sa kanila
Habang sila'y naglalakad ay unti-unting sumisilay sa kanila ang liwanag ng gasera na nagmumula sa iba't ibang bahay. Hindi naman makapaniwala si Nicky na may bayan pa nga silang matatagpuan sa kabila ng sobrang tagong lugar na iyon.
"Ate bakit gasera lang ang gamit niyo tsaka yung mga nasa bahay?" Nagu-usisang tanong ni Randy kay Lydia.
"Kung inyong makikita ay walang mga poste na kuryente rito. Ibig sabihin ay walang kuryente sa aming baranggay.
May isang munting arko silang natanaw bago makapasok sa baranggay, ang nakasulat dito ay 'Baranggay Idaho'
Naglakad lamang sila papasok at parang may mga matang nakasilip sa kanila nagmumula sa iba't ibang bahay ng baranggay.
"Ang creepy" Bulong ni Jean ngunit narinig naman iyon ni Lydia.
"Bihira lamang kaming magkaroon ng bisita sa aming baranggay" Sabi ni Lydia at itinuro ang kanyang bahay. Sununod naman sila kay Lydia.
"Tuloy kayo" Nakangiting sabi ni Lydia at isa-isa silang pumasok.
Konkretong gawa sa bato ang bahay ni Lydia at maayos ang loob. Sa tingin ng lahat ay mumurahing materyales lang ang mga kagamitan sa loob. Sapat naman ang espasyo ng sala nito upang magpahinga.
"Teka aling Lydia, bakit parang sunog ang mga dingding ng bahay na ito" Tanong ni Hannah at inikot ang kanyang paningin sa buong paligid.
"Naku hija, kasalanan iyan ni Edna dahil pinaglaruan niya yung posporo. Mabuti na nga lamang ay hindi nasunog ang aming tahanan" Sabi ni Lydia at isa-isang inabutan ng towek sila Calvin upang mapunasan ang kanilang basang buhok.
"Chesca kanina mo pa tinititigan yung bata ah, bakit?" Tanong ni Julie sa kaibigan habang pinupunasan ang kanyang basang buhok ng towel.
"Naaaliw lang kasi ako sa kanya. Gusto ko nga siyang lapitan kaso mukhang nahihiya eh" Sabi ni Chesca at nakatingin pa rin sa batang si Edna na naglalaro ng kanyang manika.
"Naku ganyan talaga si Edna... Hindi kasi siya sanay na biglaang maraming tao ang nakapalibot sa kanya kaya naman nahihiya pa" Sabi ni Lydia at naglatag ng mga punda sa sahig upang may komportable silang matulugan.
"Pasensya na kung eto lang ang kaya ko ah. Hindi man masyadong komportable pero alam ko naman na mas komportable ito keysa sa inyong sasakyan kanina" Sabi ni Lydia.
"Ay hindi po, Aling Lydia. Sobrang nagpapasalamat po kami sa tulong na ibinigay ninyo samin" Sabi ni Calvin
Tumulong ang ilan sa paglalatag ng sapin upang kanilang mahigaan. May alinlangan man ang iba ay wala na rin silang nagawa dahil sila'y naroon na.
"Ano ba 'yan wala la ring signal! Hindi ko man lang ma-text sila mama't papa" Sabi ni Ronnalyn at pilit na naghahanap ng signal.
"Nakita mo naman kung gaano kaliblib 'tong lugar na 'to tsaka ang lakas ng ulan. Kuryente nga wala, signal pa kaya" Sarkastikong sabi ni Christine sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala na may shushunga-shunga pa rin sa kanilang sitwasyon.
Nang mailatag ng maayos ang mga sapin ay agad silang pumili ng pwesto kung saan magiging komportable. Sa right side ay ang mga babae samantalang sa kaliwa naman ang mga lalaki.
"Doon ako sa gilid ah! Bibirahin ko umepal!" Sabi ni Nicky at humiga na sa pinakagilid.
"As if naman na may aagaw sayo" Sabi ni Julie at ito'y humiga na sa tabi ni Nicky.