Kabanata VIII "Paglaruan"

6.9K 363 27
                                    

[[[ 3rd Person's POV ]]]

"Tang ina guys! Hindi na normal 'to! Hindi na normal 'to" Malakas na sigaw ni Randy at napahawak na lang siya sa kanyang ulo dahil sa frustrations na nararamdaman niya.

"Wala na, hindi na tayo makakaalis sa lugar na ito" Sabi ni Jean sa kanyang sarili.

"Hindi nagkataon ang mga nangyari. Tayo talaga ang pinupuntirya" Sabi ni Calvin na parang nag-iisip ng malalim. Pakiramdam niya ay may malo talaga sa lugar na iyon at hindi isang pangkaraniwang lugar ang Baranggay Idaho.

"Ba-baka naman nagpasama lang si Aling Lydia kay Ronnalyn? Wala namang assurance kung talagang nawawala sila eh" Sabi ni Julie.

"H'wag na tayong magtanga-tangahan Julie. Ang Baranggay Idaho ay nababalot ng napakaraming misteryo. Hindi normal ang mga tao, hindi normal na pangyayari at hindi normal na lugar" Paliwanag ni Raphael.

"Guys baka pwede naman nating hanapin ang lugar paalis sa lugar na ito tutal umaga na rin naman at visible na ang daan unlike kagabi" Sabi ni Maika at sumang-ayon ang lahat. Baka nga'y hindi lamang nila nakita ang daan noong gabi.

"Parang ayaw tayong paalisin sa lugar na ito. Parang may misteryo na pinasasagot sa'tin ang lugar na ito" Bulong ni Nicky sa kanyang sarili at saglit na nag-isip. Hindi niya na alam kung maniniwala siya kay Rico na nakaalis nga si Chelvin at Chesca sa lugar na iyon.

Habang naglalakad sila upang maghanap ng daan papabas ay nakasalubong nila si Rean. Napahinto sila sa paglalakad at napatitig ng mata sa mata kay Rean.

"Hindi pa rin ba kayo sumusuko? Sinabi ko na sa inyo, libutin niyo man ang buong lugar ay dito pa rin ang bagsak niyo" Savi ni Rean at itinakip muli ang balabal na itim sa kanyang mukha.

Sinundan nila ng tingin si Rean hanggang sa makaalis ito. "Ang weird talaga ng babaeng iyon, feeling peymus" Sabi ni Jean.

Naglakad sila ng ilang minuto at ang ilang minuto ay naging oras. Tatlong oraa na paglalakad paalis sa Baranggay ngunit sa huli ay para lang silang umiikot dahil lagi nilang nakikita ang Baranggay Idaho.

"Suko na ko! Naniniwala na ako sa sinasabi nila na walang daan paalis dito!" Sabi ni Samantha at sumalampak ng upo sa isang malaking bato.

"See? Mapa-umaga man o mapa-gabi tayo maghanap ng labasan sa lugar na ito... Nonsense lang, we're fucking trap!" Inis na sabi ni Calvin at sinipa ang maliit na bato sa kanyang harapan.

"Bumalik muna tayo sa bahay ni Aling Lydia. Doon natin pag-usapan lahat okay? H'wag kayong mag-panic dahil hindi iyon makatutulong para makaalis tayo rito" Paliwanag ni Calvin at kinakabahang tumango ang lahat. Sinusubukan nilang maging relax pero sa loob-loob nila ay sobra silang kinakabahan.

Tunog lamang ng kanilang mga yabag ng paa at kuliglig ang maririnigm Pawang katahimikan ang naganap sa oras na iyon. Lahat sila'y nalilito sa mga bagay na pwedeng mangyari o sa mga bagay na nangyayari sa kanila.

Pagkarating nila sa bahaynat nadatnan nila si Edna na naglalaro ng kanyang manikang sira-sira.

"Oh Edna ba't naglalaro ka mag-isa rito? Ang daming bata sa labas oh" Payo ni Julie sa bata.

Tinitigan muna siya ni Edna bago ito nagsalita. "Ayokong mapamahal sa mga tao rito" Maikli niyang sabi at itinuloy ?a ang paglalaro.

Kahit si Edna ay hindi nila maintindihan. Masyado itong malalim mag-isip keysa sa mga ibang bata. Hindi nila mabasa ang tumatakbo sa isipan nito at mga salitang maari niyang bitawan.

"Imposible naman na nakarating tayo rito ng walang daan paalis!" Naaasar na bigkas ni Jeward dahil batid niya na nag-aalala sa kanya ang pamilya niya dahil siya ang bunso.

Camp TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon