Kabanata XII "Pagpatay"

6.3K 283 12
                                    

[[[ 3rd Person's POV ]]]


"Ano ba ang nangyari Nicky?" Tanong ni Calvin at umupo rin siya para mapantayan si Nicky. Ngunit nakatulala at nakatingin pa rin sa kawalan ang dalaga.

"Hayaan muna natin siyang magpahinga okay? It's too tiring day for her" Sabi ni Randy sa kanya. Nagbitaw ng malalim na buntong hininga si Calvin bago tumayo sa pagkakaupo.

Saglit siyang lumabas ng bahay para magpahangin, "Fuck! Bakit ba kailangang mangyari 'to? Ano bang kasalanan namin para mangyari ang ganitong bagay?" Mahinang bulong niya sa kanyang sarili.

Hindi niya napansin na nasa tabi niya na pala si Maika. "Wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari at mangyayari" Mahinang sabi nito at tumingin sa kalangitan, Ang daming kumukuti-kutitap na mga bituin hindi tulad noong unang punta nila sa Baranggay Idaho na nababalutan ng maitim na ulap.

"Anong ibig mong sabihin? Marami ng kaibigan natin ang nawala! Even my brother"

"Dito ko napatunayan na kahit na marami sa'tin ang hindi nagkakaintindihan sa barkada. Marami tayong flaws at misunderstanding... Dito ko naintindihin na totoong barkada ko kayo. Walang nang-iwan sa kabila ng mga nangyayari, may mga sisihan pero nare-resolba rin naman agad... Nararamdaman ko ang bawat isa sa paglutas ng misteryo na 'to. Masaya ako kahit mamatay ako dahil alam kong may mga taong tumulong at katabi kong lumalaban" Sabi ni Maika at nilingon si Calvin. Ngumiti ito na para bang sinasabi na maayos nila ang lahat at babalik din sa normal.

"Sana nga. Dapat nga'y hindi ako mawalan ng pag-asa. Makakaalis tayo sa lugar na ito, basta't dama natin ang prisensya ng bawat isa" Sabi ni Calvin at ngumiti ng pabalik kay Maika, doon niya napagtanto na dapat ay patuloy pa rin siya lumaban. Lalo na ngayon na malapit na nilang malaman kung sino ang gumagawa ng pagpatay.

Pumasok sila muli sa loob ng bahay, kahit bakas ang tensyon sa mukha ng lahat ay pinipilit pa rin nilang maging kalmado.

"Let's call it's a day guys. Masyado ng maraming nangyari ngayong araw, mag-ipon na tayo ng energy. It's been a though day for Nicky at ganoon din sa'tin" Paliwanag ni Jeward

"No, wala dapat tayong aksayahin na panahon. We must make our move now" Sabi naman ni Raphael at ginulo ang inayos na higaan ni Jean.

"Raphael ano bang problema mo!? Your just being out of your mind, masyado kang naka-focus na makaalis sa lugar na 'to! Pagod na ang katawan namin pagod na rin ang katawan mo so magpahinga naman tayo, pwede ba?" Sabi ni Jean at humiga sa kama.

"Hindi niyo naiintindihan dahil nawawal--"

"Magpapahinga muna tayo ngayon, Raphael hindi ka pa ba kuntento sa mga natuklasan natin ngayon? Bukas magsisimula ang laban natin so we need enough rest" Sabi ni Calvin. Sumang-ayon ang lahat, napakagat ng labi si Raphael at naglakad patungong kusina. "Bakit ba parang biglang nagbago si Raphael?"

"Nagtanong ka pa? Nakikipagpaligsahan siya sa'yo. May pinapatunayan ang gago. Wala nga sa lugar ngayon ang pagiging competetive niya dahil nagmumukha siyang bossy" Paliwanag ni Randy. Hindi naisip ni Calvin na hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin ni Raphael na higitan ang mga bagay na kanyang nagagawa.

"Magpapahinga rin 'yan" Sabi ni Maika at inalalayan si Nicky upang mapahiga sa kama. Sa totoo lang ay matapos nilang maiuwi si Nicky sa bahay ni Aling Lydia ay parati na itong tulala at mukhang na-trauma sa pagkamatay ni Hannah.

Iniayos na muli ni Jean ang higaan nila upang maayos silang makapagpahinga. "Tiring day!" Sigaw ni Jean at ibinagsak ang kanyang katawan sa higaan.

"Guys, sa kwarto ko ni Edna matutulog para naman may kasama ang bata" Sabi ni Julie sa kanila at kinarga niya na ang natutulog na si Edna at dinala sa kwarto nito.

Camp TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon