Kabanata IV "Rico"

9.4K 376 54
                                    

"Chesca! Chesca!" Malakas na sigaw ni Maika habang hinahanap ang kaibigan. Dahil nga hindi sementado ang daan ay nahihirapan silang humakbang sa mga pitik dahil sa pag-ulan kagabi.

"Sa'n ba kasi nagsusuot 'yang magaling mong kaibigan Maika?" Tanong ni Raphael na sobrang nababagot na kakasunod kay Maika, imbes kasi na makapagsaya siya ay sumusunod lang siya kay Maika.

"Kung tumutulong kang maghanap at hindi lang sumusunod sa'kin, ade sana mas napabilis 'diba? Puro ka reklamo wala ka naman naitutulong" Sabi ni Maika at napairap na lamang sa katamaran na inaasal ni Randy

"Gusto ko ng umuwi guys, ayoko na sa lugar na 'to" Sabi ni Nicky sa lahat ngunit walang pumansin sa kanya dahil masaya ang karamihan sa lugar dahil na rin sa magagandang tanawin nitong taglay.

Hindi maganda ang kutob ni Nicky sa lugar bukod sa walang gaanong tao ay pakiramdam niya na may itinatago ang bawat sulok ng Baranggay Idaho.

"Hindi tayo makakauwi hangga't hindi natin nakikita si Chesca, hindi naman natin pwedeng basta-basta iwan dito ang babaeng iyon noh?" Sabi ni Samantha kay Nicky.

"Ang weird sa lugar na 'to" Nabulong ni Hannah sa kanyang sarili dahil noong pinagmasdan niya ang paligid, parang takot na takot sa kanila ang mga tao ng Baranggay. Takot at galit dahil na rin sa sama ng titig sa kanila ng bawat tao niyang nakikita.

Hindi naman kalakihan ang Baranggay kaya't nagtataka sila kung bakit hindi nila matagpuan si Chesca, hindi sila maaring umalis sa lugar na iyon hangga't hindi nila natatagpuan ang kaibigan dahil responsibilidad nila ang bawat isa.

"Wala pa ring signal tae" Sabi ni Jeward habang itinataas ang kanyang cellphone at sonusubukang makakuha ng kahit kaunting signal. Baka kasi nag-a-alala na ang kanyang ina dahil buong gabi siyang hindi nagtext dito.

"Alam mo kasi, pang-selfie na lang ang function ng mga cellphone natin ngayon" Sabi ni Ronnalyn at nagse-selfie silang dalawa ni Samantha.

"Wow ah! Ngayong oras niyo pa talaga naisipan magbiruan? Kung wala kayong balak tumulong bumalik na lang muna kayo kanila aling Lydia" Iritadong sabi ni Maika dahil sobrang nag-a-alala siya para sa kaibigan.

"Alam mo chillax ka lang, makikita rin natin si Chesca tiwala lang---"

"Makikita? Eh halos kalahating araw na tayong naghahanap perp hindi pa rin natin siya nakikita, pangatlong beses na natin 'tong umiikot sa Baranggay pero ni-anino ni Chesca eh hindi natin nakita" Pagputol ni Maika sa sinasabi ni Randy.

"Bakit hindi tayo mag-door to door?" Suhestiyon ni Chelvin sa kanyang mga kasamahan.

"Gago ka ba? Nakita mo ba yung mga titig nila sa'tin? Halata naman na ayaw nila sa prisensya natin at hindi tayo welcome dito eh" Sabi ni Hannah at natatakot din siyang lumapit sa ibang tao.

"Alam niyo hindi ko trip ang ideya niyo so babalik na lang muna ako sa bahay nila aling Lydia at magpapahinga, balikan niyo na lang ako if ever na nakita niyo na si Chesca" Maarteng sabi ni Christine sa mga kasama.

"Sasama na ako, hindi ko na rin trip maghanap dahil masakit na ang binti ko eh" Sabi ni Julie at sumunod na siya kay Christine na naglalakad pabalik ng bahay nila aling Lydia.

Napailing na lamang si Calvin habang pinagmamasdan ang mga kasamahan na naglalakad palayo. "Tsk. Tsk. Tsk. Ang tatamad"

***

[[[ POV Nicky ]]]

Napilitan kaming maghiwa-hiwalay upang mapabilis ang paghahanap sa nawawalang si Chesca. Hindi ko alam pero ramdam ko na ang tensyon at pagpa-panic ng bawat isa dahil ilang oras na rin nawawala si Chesca.

Camp TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon