[[[ 3rd Person's POV ]]]
"Chelvin! Chelvin!" Malakas na sigaw ni Calvin habang hinahanap niya ang kanyang kapatid. Nagsisisi tuloy siya kung bakit nakipagtalo pa siya rito.
"Calvin, madilim na oh. Nagtampo lang si Chelvin at paniguradong uuwi rin iyon kapag nawala na ang badtrip niya" Pagpapaliwanag ni Maika sa kaibigan upang kahit papaano ay mapanatag nito ang loob ni Calvin.
"Oo nga gutom na rin nama---" Naputol ang sasabihin ni Raphael ng bigla siyang sikuhin ni Maika sa tiyan. " Aray ko naman!"
"Makisakay ka nga sa mood bwisit ka. Nakita mong problemado yung tao tapos babanatan mo ng nagugutom ka?" Sabi ni Maika na saglit na nakapagpatahimik kay Raphael. Sinusubukan niya lang naman i-divert ang atensyon nila pero mukhang lalo lang itong napapasama kaya nanahimik na lamang siya.
Humahangos na tumatakbo patungo sa kanilang direksyon si Nicky at kasunod nito si Jeward at Hannah.
"Puta tubig!" Sabi ni Nicky at mabilis naman siyang inabutan ng bottled water ni Maika. Ininom niya muna ito bago muling nagsalita. "Si Chelvin umuwi na rin daw"
"What?!"
"Nagtampururut siguro ng bonggabels ang kuya niyo kaya naisupan ng umuwi" Dugtong pa ni Hannah.
"Imposible! Susunod ako sa kanya" Sabi ni Calvin. Akma itong tatakbo ngunit pinigilan lamang siya ni Raphael at Jeward. "Ano ba bitawan niyo nga ako!"
"Sa tingin mo ba makakauwi ka eh gabi na? Maliligaw ka lang. Kasama naman ni Chelvin si Chesca sa bus kaya wala kang dapat ipag-alala" Pagpapaliwanag ni Nicky upang mapakalma niya ang kasama niya.
"Kalma? Eto ang unang beses na magkakahiwalay kami ni Chelvin tapos kalma? Hindi niyo kasi alam ang instinct ng magkakambal sa isa't isa eh. Hindi niyo alam ang pakiramdam na mag-alala ng sobra-sobra" Sabi ni Calvin at kumalas mula sa pagkakahawak ni Jeward at Raphael.
"Calvin bumal---"
"Susundan ko na lang siya. Kapag hindi niyo kami nakitang bumalik dito sa Baranggay Idaho ay ibig sabihin lamang nito na nakabalik na kami sa bus. Okay?" Sabi ni Maika at tumakbo upang makasunod kay Calvin. Hindi niya na hinintay pa ang sasabihin ng binata.
"Aish kayong dalawa lang? Sama ko!" Sigaw ni Raphael at sumunod sa dalawa.
"Teka sama na rin ako! Gusto ko na rin makauwi" Tatakbo na sana si Jeward kaso ay hinatak siya ni Nicky.
"Dito ka lang. Akala mo ba maiisahan mo kami?" Sabi ni Nicky sa kanya.
"Shit naman Nicky eh. Nakakatakot kaya sa lugar na 'to" Pagpapaliwanag ni Jeward.
"Sino bang hindi natatakot? Kapag hindi tayo natulungan ni Aling Lydia bukas dahil sa kundisyon ng kanyang paa. Kay Rico tayo magpapatulong" Sabi ni Nicky nabaling ang atensyon nipang dalawa sa kanina pang tahimik na si Hannah.
"Boo!!"
"Ay putang ina mong Jeward ka mamatay ka na now na! Shit ka! Bakit ka ba nanggugulat d'yan? Close ba tayo?" Sabi ni Hannah ng bigla siyang gulatin ni Jeward dahilan upang bumalik siya sa kanyang huwisyo.
"Epic" Sabi ni Jeward at sinundan niya ito ng malakas na tawa. "Ba't ka ba kasi nakatulala d'yan?"
"Naisip ko lang... Parang karamihan ng mukha ng nandito eh nakita ko na. I don't know kung na-encounter ko na sila in person or nakita sa newspaper, magazine, whatever" Paliwanag ni Hannah sa kanya mga kasamahan dahil parang pamilyar sa kanya ang mukha ng iba.
"Gutom ka lang---"
"Alam ko ang mga nakikita ko. Pakyu ka umeepal ka na naman wala ka namang alam" Napairap na lamang ai Hannah kay Jeward.