[[[ 3rd Person's POV ]]]
"Mga anak anong nangyari dito?" Himahangos na sabi ni Lydia dahil narinig niya ang malakas na sigaw ng barkada kaya't napatakbo siya patungo sa ingay.
"Aling Lydia! Aling Lydia! Si Christine po!" Tumatakbong sabi ni Maika at napayakap na lamang sa matanda dahil sa takot.
Napalingon si Lydia sa walang buhay na si Christine at tinatanggal ni Randy ang mga lubid na nakatali sa leeg ng dalaga.
"Jusko! Anong nangyari rito?" Tanong ni Lydia at mukhang nagimbal rin sa nakitang bangkay.
"A-aling Lydia aalis na po kami, mukhang hindi po ligtas sa lugar ninyo" Nauutal na paliwanag ni Chelvin dahil sa takot na kanyang nararamdaman.
"Gustuhin ko man manatili kayo rito ngunit mukhang mayroong mamamatay tao na gumagala sa lugar namin. Jusko" Sabi muli ni Lydia at pinasadahan ng tingin ang walang buhay na katawan ni Christine.
Naunang maglakad si Lydia patungo sa kanyang bahay ngunit nadulas ito sa maputik na daan dahil sa takot.
"Aling Lydia! Ayos lang po kayo?!" Nag-a-alalang tanong ni Jeward at Raphael na matulin na nasapo ang matanda.
"Oo mga hijo" Sinubukang ihakbang ni Lydia ang kanyang kaliwang paa ngunit matinding kirot ang kapalit ng bawat hakbang na kanyang ginagawa. "Napilay lang yata ang kaliwa kong paa"
Inalalayan naman siya ni Jeward at Raphael tungo sa sapa ng bahay nito. Inupo nila ito sa isang monoblock at binigyan ito ng tubig ni Julie.
"Jusko, paano natin 'to sasabihin sa magulang ni Christine" Nagpapabalik- balik na wika ni Ronnapyn at pinahid ang luha sa kanyang kananh pisngi.
"H'wag kang mag-alala sinusubukan na ngayon nina Calvin, Samantha, at Jean na maghanap ng signal sa labas upang makahingi ng tulong" Pagpapaliwanag ni Chelvin sa dalaga.
"Kasalanan ko 'to eh. Dapat pala sinamahan ko na siya kanina kung alam ko lang na ganito ang mangyayari eh" Umiiyak na sabi ni Julie at hindi niya mapaiwasan na mapahagulgol ng iyak. Pakiramdam niya na siya ang may kasalanan dahil siya ang huling kasama ni Christine.
"H'wag ka ngang magsalita ng ganyan Julie, walang may kasalanan. Ikaw ba ang pumatay kay Christine?" Tanong ni Hannah kay Julie.
"Hindi"
"See? Hindi naman ikaw ang sumakal sa kanya kaya h'wag mong sisihin ang sarili mo" Sabi ni Hannah upang hindi na sisihin ni Julie ang kanyang sarili sa pagkawala ni Christine.
"Aling Lydia, masasamahan niyo po ba kami paalis rito?"Tanong ni Calvin na kakapasok lamang sa loob ng bahay.
"Oo" Akmang tatayo ang matanda ng bigla siyang makaramdam ng sakit mula sa kanyang kaliwang paa.
"Calvin, nakikita mo ba ang kundisyon ni Aling Lydia? Hindi naman natin pwedeng hayaan siyang maglakad ng malayo" Pagtatanggol ni Chelvin sa matanda.
"Pwede naman natin siyang buhatin para makarating tayo sa bus---"
"Paano siya makakabalik rito? Calvin, hindi tayo makakaalis sa lugar na 'to sa ganitong kundisyon ni Aling Lydia"
"Sorry Calvin pero tama si Chelvin, ayoko naman i-push sa limit si Aling Lydia. Puro kabutihan ang ipinapakita niya sa'tin"
"Guya tang ina! Hindi n'yo ba gustong makaalis sa lugar na ito?" Sigaw ni Calvin dahil sa totoo lang ay natatalot na siyang manatili sa Baranggay Idaho. Sa tingin niya kasi na parang may isang malaking kababalaghan ang nangyayari sa lugar.
"Gusto siyempre! pero intindihin mo rin ang kalagayan ng iba" Sabi ni Randy.
"Pasensya ka na hijo. Hindi ko naman kasi pwedeng hayaan na maglakad paalis dahil paniguradong maliligaw lamang kayo, bakit hindi muna kayo manatili rito ng isang gabi pa? Paniguradong bukas ay ayos na ang aking paa" Pagpapaliwanag ni Aling Lydia na ikinatuwa naman ng karamihan.